#SLCassy'sPromise

8 0 0
                                    

At Sally's mind..
"Sigurado ka?" Tanong ni Cecil matapos kong sabihin sa kanya na pag iisipan ko ang inaalok saking kasal ni Bryan.
"Oo Cecil. Tingin ko nga, kelangan ko pa bang pag isipan yun? Kung tutuusin na kay Bryan naman ang lahat ng katangian ng mabuting asawa. Naging mabuting kaibigan ko siya simula pa noon."
"Pero mahal ba siya?"
"Mabait siya, mapagmahal at maalalahanin. Siguradong hindi niya ako pababayaan."
"Sagutin mo ang tanong ko, mahal mo ba?"
"Mapag aaralan ko din siyang mahalin." Sagot ko.
"Mapag aaralan? E bakit hindi mo yan ginawa dati pa para hindi ka na nasasaktan ngayon?" Tanong niya.
"Kasi hindi ko kaya." Sagot ko.
"Tingin mo kaya mo na ngayon? Sa nakikita ko sayo, mas lalo ka lang napapamahal kay Yohann." Sabi niya.
"Cecil wag mo babanggitin sakin si Yohann." Ako.
"Bakit mo ba ginagawa ito Sally?"
"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hanggat masaya si Cassy lahat gagawin ko at ngayon masaya siya, at hindi ako gagawa ng dahilan para maging malungkot siya ulet." Sagot ko.
"Paano si Yohann? Tingin mo ba masaya siya?"
"Wala na akong pakialam." Sagot ko bago nahiga at nagtaklob ng kumot.
"Walang mangyayari sayo Sally. Baliw ka na. Puro ka Cassy. Hindi mo iniisip ang damdamin ng ibang taong nagmamahal sayo. Sana dumating ang araw na marealize mong mali ang ginagawa mo."
Hindi na ako sumagot. Lumabas na siya dahil narinig ko nang sumara ang pinto.
Ganun ba ako kasama at pati ang best friend ko nagalit na sa akin? Isa lang naman ang gusto ko, ang makitang masaya si Cassy.
("Hindi mo iniisip ang damdamin ng ibang taong nagmamahal sayo." )
Galit sa akin si Cecil.

Kinabukasan, tanghali na akong nagising. Napuyat din siguro kakaisip sa mga problema.
Ayaw kong bumaba at magpakita sa kanila kaya nagpahatid nalang ako ng breakfast sa kwarto.
Medyo masama din ang pakiramdam ko. Napagod yata ako kahapon.
"Ma'am ano po bang nangyayari sayo? Mula ng dumating kayo dito palagi nalang kayong nakasimangot." Sabi ni manang.
"Dala lang po siguro ng problema." Sagot ko.
"Nasabi pala sa akin ni Cassy na ikakasal na daw siya, totoo po ba yu? Tuwang tuwa pa ngang nagkwento sa akin."
"O-opo." Sabi ko.
"Kay Sir Yohann daw po ba? Kasi ang akala ko kayo ang gusto ni Sir kasi naman nung gabing yun kahit ang lakas lakas ng ulan pinatigil niya talaga ang kotse para lang mabalikan ka. Malayo na din yung natatakbo ng kotse kaya awang awa ako kay sir nun. Basang basa siya ng ulan."
Ngumiti lang ako.
"Ma'am noong umagang umalis kayo naabutan ko si Sir Yohann dito nakaupo sa sala habang tinitingnan ang litrato mo." Sabi niya.
"Ah manang, gusto ko sana po munang mapag isa." Sabi ko.
"Sige po. Pasensya na, ang daldal ko na pala."
"Okay lang po manang." Nakangiting sabi ko.
"Sige po. Labas na ako."
Kahit sinong tao naman siguro ganito rin ang gagawin para sa kapatid nila.
"Ate?" Si Cassy.
Binuksan ko ang pintuan.
"Pasok ka." Inalalayan ko siyasa paglalakad, hindi na siya nakawheel chair nakatungkod na siya.
"Ate may gustosana akong itanong." Sabi niya.
"Ano yun?" Ako.
"Pwede mo bang alamin kung sino yung babaeng gusto no Yohann?" Tanong niya.
"Ba-bakit naman gusto mo pang alamin?" Tanong ko rin.
"Gusto kong personal na magpasalamat sa kanya. Kasi kahit alam niyang mahal siya ni Yohann di pa din niya sakin inagaw si Yohann. Alam mo ba ate, alam kong nahihirapan si Yohann. Pero alam kong pinipilit niya. Siguro, ang swerte swerte nung babaeng gusto ni Yohann no? Kasi mabait siya kaya nga nung una ko siyang makilala nahulog na agad ako sa kanya e." Nakangiting wika niya.
"Cassy... paano kung b-bumalik yung taong mahal ni Yohann? Yung gusto niya?" Tanong ko.
"Bakit mo naman natanong ate?"
"Huh? A. Wala. Wag mo ng sagutin. Masaya ako para sayo Cassy, masaya akong makita kang masaya." Sabi ko at niyakap siya.
"Ikaw ate? Kumusta yung lalaking mahal mo? Yung firstlove mo? Bakit hanggang ngayon di ko pa din siya nakikilala?" Tanong niya.
Wag mo nang isipin yu. Di na mHLaga sakin ang lalaking sinasabi mo." Sabi ko.
"Alam mo ate di mo ako maloloko. Kilala kita. Paano mo makakalimutan e mahal na mahal mo yun, halos gabi gabi mo yung iniiyakan e. Ate, kung talagang mahal mo ang lalaking yun ipaglaban mo siya. Kung kilala ko lang yun? Ako na mismo magsasabi para sayo. Gusto kitang maging masaya ate kasi hindi ako magiging masaya kung hindi ka masaya."
Ang sweet naman ng kapatid ko."
"Syempre. Mangako ka sa akin ate, ipaglalaban mo siya." Sabi niya.
"Ipaglalaban?" Ako.
"Oo. Mangako ka sa akin."
"Pero..."
"Iniisip mo ba na ipipilit ko sayong pakasalan si Kuya Bryan? Sinabi na sakin ni Kuya Bryan na inalok ka niya ng kasal. Oo gusto ko si Kuya Bryan kasi mabait siya pero alam ko din na hindi mo siya mahal kaya hindi kita pipigilang hanapin yung true love ang first love mo. Pag hindi ka nangako ate, magagalit ako sayo?"
"Cassy hindi ganun kadaling ipaglaban ang taong mahal ko." Sagot ko.
"Ate kung mahal mo siya bakit sumusuko ka na kaagad? Di mo pa nga nasusubukan e." Sabi niya.
"Cassy.."
Niyakap niya ako.
"Basta ate mangako ka. Sana bago matapos ang taong ito makilala ko na siya huh? Ahmm.. gusto ko sa pasko, okay lang ba? Matagal tagal pa yun. 2 weeks pa ang palugit mo Ate."
Napaiyak ako.
"Cassy hindi ko alam."
"Ate umiiyak ka ba?"
Umiling ako.
"Hindi. Hindi ako umiiyak." Mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya.
Ano kayang magiging reaksyon mo kapag sinabi ko sayo ang katotohanan? Magagalit ka kaya? Kasusuklaman ako? Ipagtatabuyan? Kapag nangyari yun hindi ko na gugustuhing mabuhay pa.
"Oras na ate para asikasuhin mo naman ang buhay mo. Palaging ako nalang kasi ang inaalala mo. Gusto ko naman ngayon, ikaw naman ang aasikasuhin ko. Tutulungan kitang hanapin ang kaligayahan mo. Pangako yan Ate. Pangako. Mahal na mahal kita."
Mas lalo lang akong naiyak.
"Mahal na mahal din kita. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa piling ko."
"Ako din ate. Ikaw higit sa lahat ang bumubuo ng buhay ko."

Sister's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon