#SLEndofBeggining

18 1 0
                                    

At Yohann's mind.

Wala na yung kotse nila bago pa ako kumilos para damputin ang mga supot na nalaglag at tubig.

"Tama si Joey. Mas gumanda nga siya." Nawika ko at napapangiting tinungo ang pintuan ng kotse.

Habang nasa byahe kinain ko ang mga ensaymada na binili ni Cassy.

Ang dami niyang binili. Hindi halatang hanggang ngayon matakaw pa din si Sally sa ensaymada. Siya yung nag iisang babaeng nakilala ko na sa simpleng tinapay lang ay agad lalambot ang puso. Siya rin yung nagiisang babae na mas pipiliin ang ensaymada kesa sa mga chocolates. Isang beses ko pa nga lang yun nabigyan ng tsokolate. Kung hindi pa ako nagmakaawa at sinabing galing pa sa Korea ang chocolate na yun na sinadya ko talaga para iregalo sa kanya noong 6th monthsary ay hindi niya yun tatanggapin.

Pero ang lahat ng pinagsamahan namin ay binalewala niya when she chose Bryan over me. At di ko makakalimutan ang araw yun.

January 15 2008. Halos mabaliw ako ng mga oras na yun dahil ni minsan hindi pumasoksa isip ko na magagawa nga ang bagay na yun.

"And now, ipapadanas ko sa kanya ang hirap at sakit na pinaramdam niya sakin."

Yung deal na inalok ko kay Joey. Part yun ng paghihigante ko. Hindi totoong wala akong balak na puntahan siya dahil simula nung iwan niya ako isinumpa ko nang pagbabayarin ko siya.

Sa bahay..
"Anong masamang espiritu ang sumapi sayo at inimbatahan mo ako sa mansyon mo?" Si Joey.
"Tama ka. Mas maganda nga siya ngayon."
"Nagkita na kayo? Ano? Ano nangyari? Bumalik ba yung feelings niyo sa isa't isa?" Tanong niya.
"Ano bang isip meron ka Joey? Diba sabi ko, past is past. At ang nakaraan ay hindi na binabalikan. At kung dumating man yung araw na na magkabalikan kami yun ay dahil napaikot ko siya sa palad ko at hindi dahil sa mahal ko pa siya." Sabi ko.
"Teka..... Wag mo sabihing--
Natawa ako.
"Oo Joey. Yun ang gagawin ko."
"Alam mo Yohann. Nung sinabi mong pagpustahan natin siya kinabahan na ko dahil siguradong magagalit siya. Pero paghihiganti? Di ka ba nakokonsensya?"
"Konsensya? Bakit siya ba nakonsensya nung ipinagpalit niya ako sa kumag na Bryan na yun?"
"Goodluck for that. Sana hindi mo pagsisihan." Pailing iling na sabi ni Joey.
"Ofcourse not."

Kinabukasan maaga akong gumisinh dahil balak kong pumunta sa restaurant. Naisipan kong palitan ang mga tinapay na nakain ko habang daan. Matagal ko nang tinapos ang lahat sa amin at ito na ang simula ng lahat.

Pagkababa ko ng kotse nakita ko kaagad ang restaurant nila. Malaki ang ipinagbago nun. Kung dati maliit lang at napakasimple ngayon ay malaki na at modernize na din. Umasenso na talaga.
Naglalakad ako papasok ng may tumawag sa akin.
"Yohann?" Napalingon ako at agad nag init ang dugo ko.
"Bryan." Pinilit kong ngumiti. Ang lalaking ito ang dahilan ng lahat. Anong ginagawa nita dito?
"Bakit ka nandito?" Tanong ni Bryan.
Itinaas ko ang dala kong kahon ng tinapay.
"ENsaymada? Pumunta ka dito para magdala ng ganyan? Ang cheap mo naman." Nang aasar niyang sabi.
"SAlly chose you over me pero hanggang ngayon di mo pa rin alam ang paboritong tinapay ni Sally?"
"Ano?.... sye-syempre alam ko. Di---
"Yohann....." patakbong lumapit si Cassy sa amin.
"Hi Cassy." Bati ko.
"Kilala mo siya Cassy?" Tanong ni Bryan.
"Oo. Kahapon... Bakit ka pala nandito?" Tanong niya.
"I brought your ensaymada." Sagot ko.
"Salamat. Halika sa loob." Hinawakam ako ni Cassy sa kamay.
"Teka...." si Bryan.
"Bakit?" Tanong ni Cassy.
"Baka magulat si Sally pag nakitang may kasama ka. Di siya sanay makitang may ibang lalaki dito."
"Nagkita na sila kagabi kaya okay lang kay Ate yun. Sige na Yohann. Sasabihin ko din kay Ate na binilhan mo siya ng ensaymada."
Nakita kong napasipa sa bangko si Bryan dahilan para matawa ako.
Pagpasok namin sa bahay nila bumungad agad sa akin ang malaking picture frame nilang buong pamilya.
"Maupo ka muna. Ireready ko lang ito tsaka tatawagin ko na din si Ate." Sabi niya bago nagpunta sa kusina. Nilibot ko ang aking mata sa mga picture na nakadisplay. Picture iyon ng magkapatid.
"Ate may bisita tayo. Bumaba ka na jan." Narinig kong sigaw ni Cassy bago magdiretso sa sala kung nasaan ako.
"Sinong bisita? Aga aga."

Sister's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon