At Yohann's mind..
Nakauwi na ako. Pagkatapos kong kausapin si Sally umalis na ako.
"Anong nangyari?" Tanong ni Joey.
Umiling ako.
"Talaga bang seryoso ka? Baa naman gusto mo lang maghiganti?"
"Wala na sa isip ko yan. Ang gusto ko lang ibalik ang dati." Sagot ko.
"Kung talagang mahal mo pa rin si Sally wag kang tumigil na suyuin siya. Naniniwala akong magiging kayo ulet."
"Salamat."
"Teka.. aalamin mo pa ba kung bakit ka niya pinagpalit kay Bryan dati?" Tanong niya.
Nag isip ako.
"Kung gusto niyang sabihin." Sagot ko." Pero parang ayoko na. Nakaraan na yun. Dapat nang kalimutan."
Umuwi ako sa bahay pagkatapos kong tulungan si Joey na magsara ng opisina.
Naisipan kong tawagan si Edward para asikasuhin ang perang pambayad kay Sally. Kinukuha ko ang papeles sa bag ng may makita akong cellphone na kulay puti.
"Teka.. kay Sally to ah? Bakit nakasama sa mga papeles?"
58miscalls and 53 messages.
Nilagay ko ito katabi ng cellphone ko.Knabukasan, hindi ako pumasok.
Pinabahala ko kay Edward ang lahat para magset ng date para mabayaran ko si Sally.
8am ang sinet na time ni Edward. Before 8 nandun na ako. 5mins before the exact time dumating si Sally.
"We only have 10 mins." Sabi niya pagkaupo.
"Iniiwasan mo ba ako?"
"Bakit naman kita iiwasan? May schedule pa ko after nito kaya wala akong oras for other matters.. Bakit nga pala ikaw ang narito?"
"Sinabi ko lang na si Edward ang pupunta para pumunta ka." Sagot ko.
"Ikaw o si Edward man ang pumunta makikipagkita ako...O ano? Time is running." Sabi nito.
Kinuha ko ang cheke. Pinirmahan ang perang nagkakahalagang 2milyong piso.
"Salamat. Take care of our house.. I mean your house. I have to go." Sabi nito at nagmadali nang lumakad palabas ng restaurant.
"Teka. Sally..." sinubukan ko itong habulin pero nakaalis na ang kanyang kotse.
"Yung cellphone mo nasa kin." Mahina kong sabi.At Sally's mind..
"Ma'am hinahabol tayo ni Sir Yohann.' Sabi ni manong.
"Wag niyo ihihinto manong. Magdrive lang kayo." Sabi ko.
Ayoko sanang magsinungaling pero kelangan. Ayokong magkaroon siya ng oras para ungkatin ang gabing yun.
"Ma'am saan po tayo."
"Sa bahay po muna bago sa boutique." Sabi ko.
Nagpalit lang ako ng damit at may kinuhang ibang gamit bago nagdiretso sa bgong bukas kong boutique.
"Ma'am may nagpadala po ng bouquet." Bungad sakin ng sekretarya ko.
"Sino daw?" Tanong ko. Pagkaupo ko kinuha ko ang bulaklak at binasa ang nakasulat sa card.
["Take a rest Baby. Its not good for your health."]
"Wow. Ang sweet naman ma'am. Sino ba yang guy na yan?" Kinikilig na wika ni Erika matapos basahin ang nakasulat.
"A friend. Ilagay mo nalang dun Erika." Sagot ko.
"Sige ma'am. Pero sweet talaga ma'am huh." Kumindat pa bago lumabas.
A while ago..
"Do you like it?"
Bigla akong nagulat ng may magsalita, si Bryan.
"Paano ka nakapasok?" Takang tanong ko dahil ni hindi ko naramdaman ang pagbukas ng pinto.
"Dito sa pinto. I knocked but you're not answering so I come in. Are you okay?" Diretsong tanong niya.
"A. Yeah. Yeah. Yeah. Im allright. By the way thanks for the flowers, you don't have to do that Bryan." Sabi ko.
"Okay lang." Nakangiting sagot nito bago naupo sa harap ng desk ko.
"So do you like it?"
"Ofcourse I like it. Thank you." Sagot ko.
"Are you free at lunch? I'll treat you."
"Sure?"
"Sure."
"Okay then. Lets eat together later." Sagot ko.
Tama na to. Inientertain ko ang sarili ko sa iba para kahit papano mawala sa isip ko si Yohann.
"Where's your phone? Kanina pa kita tinatawagan."
"Naiwan ko nga yata sa mindoro e." Sagot ko.
"Kaya pala. Sino nga pala yung nakabili ng bahay? Siya ba kasama mo nung umuulan?" Tanong ni Yohann.
"Yung buyer?.. ahh.. di mo siya kilala. Oo, siya yung kasama ko." Sagot ko.
"Ano sabi sa bahay?"
"Sa bahay.. okay daw. Maganda, he likes it." Sagot ko.
"He? Lalaki? Lalaki ang kasama mo sa bahay?"
"Uh. Oo. Lalaki siya. Don't worry may kasama naman kami, nandun sila Manang." Pagsisinungaling ko.
"Mabuti naman. Mahirap na. Kakikilala mo lang sa buyer baka kung anong gawin sayo."
Napailing nalang ako.
"Ang lawak ng imagination mo. Grabe." Natatawa kong sabi.
"Syempre ganun talaga, mahalaga ka sakin at ayokong mabahiran ka ng kung ano."
"Adik. Tigilan mo nga yan."
"Joke lang. "Hinintay na ako ni Bryan hanggang lunch time.
"Bryan are you okay? I'm almost done, just a minute but if you want, go first anfd I'll follow after this." Sabi ko.
"Okay lang Sally. Hihintayin nalang kita." Sagot niya.
"Okay."
Bumalik na ito sa panonood ng TV. Di ko tuloy maiwasang titigan ito at mapaisip.
("Bakit hanggang ngayon di kita magawang mahalin Bryan? Ano bang wala sayo ang meron kay Yohann?? Oo. Inaamin ko, until now mahal ko pa din siya. Walang arW ang lumipas na hindi ko siya naaalala.")
"Bakit?" Tanong ni Bryan ng mapansing nakatingin ako sa kanya.
Umiling ako.
"Wala naman." Sagot ko at nagpatuloy na sa ginagawa.
After 25-30 mins. natapos din ako.
"I''m done. Lets go." Sabi ko.
Ng hindi sumasagot si Bryan ay nilapitan ko ito. Nakatulog na pala sa kakahintay sakin.
Quarter to 12 palang naman kaya hahayaan ko muna siyang makatulog.At Yohann's mind..
"Yohann sabay tayo maglunch." Sabi ni Joey pagpasok sa opisina ko.
"Sabay kami ni Cassy e." Sagot ko. Tumawag kasi siya kani-kanina lang at sinabing sabay daw kami.
"Okay. Cassy na naman." Wika niya.
"Sige. Mauna na ako." Sabi ko.Pagdating ko sa restaurant na sinabi ni Cassy ay nandun na ito.
"Hi." Bati niya.
"Hello. Kanina ka pa?" Tanong ko.
"Hindi naman. Kakadating din lang." Sagot niya.
"Sige. Order na tayo." Tatawag na sana ako ng waiter ng makita kong pumasok ng restaurant sila Bryan at Sally.
"Ate?" Tawag ni Sally. Lumingon naman ang mga ito.
"Cassy."
"Dito na kayo may space pa." Sabi ni Cassy.
Ito ba yung appointment niya?
"Nice to see you again Yohann. Napapadalas ang labas niyo ni Cassy a." Sabi niBryan ng makalapit sila. Lumipat ng pwesto si Cassy sa tabi ko para makaupo ang dalawa ng magkatabi.
"Kayo din." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
Sister's Love
Teen FictionPROLOGUE Isang seryoso, positibo at may pangarap sa buhay ang bente kwatro anyos na dalagang si Sally. Wala siyang ibang hiling kundi ang mapaginhawa ang buhay ng kanyang nagiisang kapatid na si Cassy. Isang pangakong kanyang binitawan bago pumana...