#SLBecauseoftheaccident

5 0 0
                                    

"Kaya kong magtiis." Sagot ko.
"Hanggang kelan? Hanggang patayin ka ng sarili mong katangahan? Kaibigan mo ako Sally, gusto kong malaman mo na simula noong maghiwalay kayo ni Yohann di na kita ule nakitang masaya."
"Masaya ako Cecil. Masaya ako." Pagsisinungaling ko.
"Wag ako Sally, wag ako ang lokohin mo." Sabi niya.
"O sige. Malungkot ako. Malungkot na malungkot. Napakamiserable ng buhay ko. Pagod na pagod na nga ako e. Sawang sawa na akong masaktan."
Hindi ko napigilang hindi umiyak. Napahagulgol ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.
"Ano plano mo? Sasabihin mo ba sa kanila?!" Tanong ni Cecil.
"Dapat ba?" Ako.
"Aba syempre. Alangan namang itago mo yan."
"Pwede ba?"
"Baliw ka ba? Saan ka naman pupunta? Mag aabroad? Tapos ano, pagbalik mo sasabihin mo ampon mo? Lolokohin mo lang sarili mo. Mag isip ka ng mabuti."
"Kapag sinabi ko yun siguradong magiging miserable lalo ang buhay ni Cassy. Tsaka paano ko sasabihin sa kanya na si Yohann ang ama ng pinagbubuntis ko?"
"Bakit kasi hindi mo nalang sabihin kay Cassy ang totoong nangyari sa inyo ni Yohann noon?"
"Hindi ko pwedeng sabihin yun, masasaktan siya."
"Ikaw? Tingin mo sa sarili mo, bato? O si wonderwoman? Kahit nga si Darna nasasaktan ikaw pa kaya? Sally, hindi ka super hero. Mag isip ka. Kung gusto mong maranasan ng anak mong walang ama, ikaw bahala."
"Pero.."
"O sige sabihin na nating kaya mo nga. Kaya mong magtiis. Paano yang anak mo? Pinagkait mo na sa kanya ang ama niya, nanloloko ka pa. Walang magandang mangyayari sayo Sally kung ganyan ka mag isip."
"Cecil di mo kasi ako naiintindiham, wala ka kasing kapatid."
"Oo na oo na oo na. Ako na ang walang kapatid. Ako na ang hindi nakakaintindi. Bahala ka kung ano gusto mong isipin basta ang sakin, puro kabutihan mo lang ang iniisip ko."
"Salamat Cecil. Pero sana maintindihan mo ako."

At Yohann's mind..
"Anong nangyari Yohann?" Narinig kong tanong ni Joey. Nagkalat ang mga gamit ko. Nakaupo lang ako at nakatanaw sa malayo. Wala akong lakas para makipag usap.
"Yohann, nasaan si Sally?"
Hindi pa din ako sumasagot.
Nilinis ni Joey ang mga kalat.
"Joey sabihin mo nga sakin dapat ko bang bigyan ng pagkakataon si Cassy pagkatapos ng ginawang panloloko sakin ng ate niya?"
"Panloloko? Sigurado ka bang niloko ka talaga? Di mo pa nga alam ang tunay na nangyari." Sagot niya.
"Sinabi na niya. Inamin niya sakin na pinaglaruan niya lang ako, niloko at ginamit."
"Naniwala ka naman? Alam mong hindi ganun si Sally.. Alam mo kung ako sayo, para malaman ko ang totoo? Pagbibigyan ko si Cassy , magmamasid masid ako sa kanya para malaman mo kung talagang niloko ka."
Humarap ako kay Joey.
"Suggestion ko lang yun."
Para saan pa at magmamasid ako kung talagang totoong niloko niya lang ako?
Maya maya biglang nagring ang cellphone ko.
"Tumatawag si Cassy." Sabi ni Joey.
Di ko sana sasagutin pero patuloy lang ang pagring kaya sinagot ko na din.
"Hello?"
"Si Yohann Escudero po ba ito?" Hindi iyon boses ni Cassy dahil lalaki ang nagsasalita.
"Oo. Bakit? Sino ka? Nasaan si Cassy?" Tanong ko.
"Naaksidente po kasi siya at kayo ang nakalagay sa emergency call."
"Naaksidente? Nasaan siya?" Alalang tanong ko.
"Ano nangyari kay Cassy?" Tanong ni Joey.
"Nandit po siya sa --------- hospital. Hihintayin ko po kayo dito."
"Sige. Salamat. Pupunta na ako." Binaba ko na ang phone.
"Naaksidente si Cassy kelangan ko siyang puntahan. Ikaw na ang bahalang magsabi sa kanila, mauna na ako." Nagmadali na akong lumabas.
Pagdating ko sa hospital.
"Mister kayo po ba si Yohann?" Tanong nung lalaki malapit sa information desk.
"Oo. Nasaan si Cassy?" Tanong ko.
"Nasa room 314 po." Sagot nito.
"Salamat."
Pagpasok ko nakita kong natutulog doon si Cassy, may benda ang ulo at may mga bandage sa binti at braso, may gasgas din ang mukha.
"Kuya Yohann." May nagsalita mula sa likod ko.
"Thea."
"Pupuntahan ka sana niya kaso naaksidente siya." Sabi ni Thea.
"Bakit niya ako pupuntahan?"
"Gusto ka niyang makita. Sabi niya, kahit nireject mo siya willing pa din siyang ipakita sayong mahal na mahal ka niya."
Napabuntong-hininga ako.
"Tinawagan ko na sila Ate Sally at kuya Bryan, maya maya padating na sila." Sabi niya bago lumabas.
"Yo-yohann??"
"Cassy. Okay kalang?" Naupo ako sa gilid ng kama niya.
"Dahil nandito ka na, okay na ako. Salamat." Nakangiting sgot nito.
"Bakit hindi ka nag iingat? Dapat di mo nalang ako pinuntahan? Paano kung di lang ganyan ang nangyari sayo?
"Kinausap ka ba ni ate?"
Tumango ako.
Ngumiti siya.
"Kahit alam kong nireject mo ako umaasa pa din akong di mo ko iiwan." Sabi niya.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok sila Sally, Cecil at Bryan. Nagulat pa sila ng makita ako lalo na si Sally.
Lalong kumulo ang dugo ko ng makita ko silang magkasama.
"Cassy anong nangyari?" Alalang tanong nito.
"Ate salamat huh?" Si Cassy.
"Foe what?"
"Kasi kinausap mo si Yohann."
"Kahit ano basta para sayo Cassy."
Nakangiting tumingin sakin si Cassy at hinawakan ako sa kamay.
"Wag mo ko iiwan huh?"
Ngumiti ako at tumango.
Hinintay ko munang makatulog si Cassy bago ako lumabas at di ko inaasahang may nag iintay pala sakin doon, si Bryan.
"Kinausap ka ni Sally?" Tanong nito.
"Oo.kinausap niya ako na bigyan ko ng pagkakataon si Cassy."
" Salamat dahil pumayag ka. Sana di ko na makikitang iiyak si Cassy."
"Wag ka magpasalamat. Wala pa akong sinasabing pumapayag na ako." Sabi ko.
"What do you mean? Pinapaasa mo lang siya?"
"Ang sinabi ko lang hindi pa ako nagdedesisyon."
"Oras na makita kong umiiyak si Cassy, magbabayad ka." Pagbabanta nito bago ako iniwang nakaupo.
"Ikaw ang magbabayad sakin."
Naglakad ako papunta ng canteen. Nandun sila Sally at Cecil.
"Yohann." Tawag ni Cecil.
"Why?" Tanong ko paglapit. Hindi umiimik si Sally.
"Ahmm.. Hi! Long time no see. Laki mo na ah!"
"Hello. Nice to see you again." Sabi ko at umalis na. Bumili lang ako ng cup noodles at fruits tapos bumalik na ko sa kwarto ni Cassy. Siguradong hahanapin ako nun kapag gumising ng wala ako.
Habang nakaupo ako hindi mapanatag ang loob ko. Di ko alam kung tama bang ituloy ko pa ito o lumayo nalang? Pero kung gagawin ko yun, parang tinanggap ko na ding niloko lang ako ng nag iisang babaeng mahal ko.

Sister's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon