#SLlittlebylittle

12 0 0
                                    

At Sally's mind..
Ano? Pakakasalan niya ang kapatid ko? Ano siya sira?
Di ko man ginustong magwalk out pero yun ang nagawa ko. Di ko tqlaga inexpect na sasabihin niya yun.
At yung gusto ni Cassy, magbabakasyon kami sa mindoro.
"Sally totoo ba sinabi ni Bryan? Pakakasalanan niya si Cassy? " si Cecil.
"I don't know don't ask me."
"Ang sungit. Baka namaya mapaglihihan mo si Yohann."
Tiningnan ko ito ng masama.
"Sige magalit ka sakin paramaging kamukha ko anak mo."
"Tigilan mo ako. Ako ang magiging kamukha ng anak ko no, walang iba."
"Anak? Tama ba nadinig ko?"
Hindi ako nakaimik ng sumipot si Bryan mula sa likuran namin.
"Bryan." Si Cecil.
"Sinong buntis? Bakit may buntis?" Tanong niya.
"Sally alis muna ako. I think kelangan niyo mag usap." Sabi ni Cecil at iniwan kami.
"Sally buntis ka?"
"Oo Bryan. Buntis ako." Pag amin ko. Nakita ko ang biglang pagtulo ng kanyang mga luha. Nasaktan siya sa sinabi ko.
"Sinong ama?" Tanong niya pero nakatalikod siya sakin pero halatang umiiyak pa rin dahil nanginginig ang kanyang boses.
"Si....." hindi ko masabi sa kanya ang totoo. Ayokong lalo lang siyang masaktan.
"Si Yohann ba?" Mahinang tanong niya.
Hindi ako nakasagot.
"Grabe naman grabe!!!" Napasigaw siya.
"Bryan."
"Sabi mo hindi mo na siya mahal? Nakalimutan mo na ba yung sinabi mo sakin? Bibigyan mo ako ng pagkakataon kapag handa ka na. Alam mo bang naghintay ako? Buong buhay ko yun lang ang pangarap ko Sally, ang mahalin mo ako. Pero bakit ginawa mo ito?"  Patuloy lang siya sa pag iyak.
"Im sorry. Di ko naman sinadya ang nangyari" Napaiyak na din ako.
Mayamaya lumapit siya sakin at niyakap ako.
"Mangako ka sakin Sally, hindi mo sasabihin sa kanya. Hayaan mong ako ang tumayong ama ng magiging anak mo."
"Pero Bryan. Ayokong panagutan mo ang hindi naman dapat." Ako.
"Sino ba ang dapat? Si Yohann? Narinig mo naman ang sinabi niya diba? Pakakasalan niya si Cassy."
"Pero....."
"Kung talagang mahal mo ang kapatid mo gagawin mo ito para sa kanya."
Sabi niya at umalis na. Naiwan akong mag isa. Umiiyak.
"Ano gagawin ko?"
Kaya ko bang sirain ang mga ngiti sa mukha ni Cassy? Kitang kita ko na sobrang saya ni Cassy sa sinabi ni Yohann.
Kaya ko bang makitang ikasal sila?
Maghapon akong hindi lumabas ng kwarto. Ayoko munang makita sila. Gusto kong mag isip ng mabuti. Ayokong pagsisihan ang magiging desisyon ko.
"Sigurado ka na ba?" Tanong sakin ni Cecil.
Tumango ako.
"Alam kong ito ang makabubuti." Sagot ko.
"Susuportahan ko ano man ang maging desisyon mo. May tiwala ako sayo." Sabi niya.
"Salamat."
Ngumiti lang si Cecil.

Pasado ala syete na ng makapag asikaso kaming lahat para sa pagpunta sa Mindoro.
"Ate excited na ako." Nakangiting sai ni Cassy.
"Ako din." Sabi ko. Nakasakay kami sa kotse ni Yohann, hindi kasi pumayag si Cassy na hindi ako sasabay sa kanilang dalawa.
nasafront seat ako at back seat naman si Cassy.
Habang daan nakatulog si Cassy.
"Ayokong malalaman nila na ikaw ang bumili ng bahay." Sabi ko.
"Bakit hindi? Natatakot kang malaman nilang ako ang kasama mo ng buong magdamag?"
"Sinabi mong pakakasalan mo  si Cassy, tingin mo anong iisipin niya kapag nalaman niya yun?" Ako.
"Bakit hindi mo sabihing wala lang un. Walang nangyari dahil natulog lang tayo." Sagot niya.
Para hindi na humaba ang uspan hindi na ako umimik. Baka madinig pa ni Sally ang usapan namin.
["Cecil: anong nangyayari jan? Nag uusap ba kayo ni Yohann?"]
["Ako : hindi."]
Sa sunod na reply ni Cecil hindi ko na yun binasa. Gusto kong magpahinga kaya hinilig ko ang aking ulo sa may bintana.

At Yohann's mind..
Malapit na kaming makarating sa bahay pero tulog pa din si Sally at Cassy. Kahit pigilan kong tingnan siya di ko magawa.
("Hanggang ngayon di ko lubos maisip na nagawa mo sakin yun.")
Nauna kaming dumating sa bahay. Unang nagising si Cassy.
"Wow. Nandito na tayo? Ang bilis naman."
Gabi na kaming nakarating, pasado alas onse na.
"ate gising na nandito na tayo."
Nakababa na ako ng gumising si Sally. Tinulungan ko munang makababa si Cassy hanngang makaupo ito bago ko inayos ang kanyang wheel chair.
"Nasaan si Manang?" Tanong ni Cassy.
"Nanjan lang yan." Sagot ko.
"Ate bakit tayo nandito? Di ba binili na ang bahay natin? Baka magalit yung bumili nito." Sabi ni Cassy.
"Ah... d-don't worry Cassy natawagan ko na yung may ari." Sagot ni Sally.
"Diba sabi mo wala ka ng kontak sa kanya?"
"Ah.. eh.. pinasabi ko kay Edward. Sige na ayusin ko na muna ang mga gamit." Sabi niya bago umalis. Tutulungan ko sana pero pinigil ako ni Cassy.
"Magala tayo sa tabing dagat." Sabi niya. Palibhasa maliwanag ang sinag ng buwan magandang maglakad lakad sa tabing aplaya.
"Sige."
Tinulak ko ang wheel chair hanggang sa tabing dagat.
"Alam mo bang palagi kaming naliligo ni Ate noon dito? Sinulat pa nga ni ate yung pangalan nila nung first love niya e." Natatawang kwento ni Cassy.
"Talaga?" Di ko na sana tinatanong kung ano ang isinulat niya pero tinanong niya ako kung gusto kong malaman baka daw kasi kilala ko kasi daw di sa kanya sinabi ng ate niya.
"Yolly ang sinulat niya. Alam mo bang dati halos araw araw iniisip ko kung sino yun? Hindi naman ikaw yun dba?" Tanong sakin ni Cassy.
"Sy-syempre hindi. School mate lang kami." Sagot ko.
Yolly? First love? Napailing ako. Nagawa niyang manloko ng madaming tao para sa pansariling interes.
"Diba school mate mo siya Yohann? May kilala ka bang nalink kay Ate? Kasi simula nung maghiwalay sila ng boyfriend niya wala ng lalaki ang pinagtuunan niya ng pansin. Buti nga hindi nagsasawa si Kuya Bryan na pakisamahan si ate
e." Sabi niya.
Wala nang lalaking pinagtuunan? Pati ba naman kay Cassy tinago niya ang relasyon niya kay Bryan.
"Alam mo bang hanggang ngayon umaasa pa din si Bryan kay Ate?"
Umaasa? Totoo ba ang mga pinagsasasabi sakin ni Cassy? Bakit ang lahat ng sinabi ni Sally ay kabaliktaran ng sinabi ni cassy?
"May problema ba Yohann?" Tanong ni Cassy.
"Ah. Wala naman. May naalala lang ako." Sagot ko.
Naging palaisipan tuloy sa akin kung sino talaga ang nagsasabi ng totoo. Kung titingnan mo naman ang mga mukha nila seryoso silang magkwento. Pinaglalaruan ba ako ng magkapatid na to?

Sister's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon