Hanggang matapos sa pagkain hindi man lang lumingon sakin si Sally.
"Ate sino nga pala yung bumili ng bahay? Gusto ko siyang makilala." Pagsisimula ni Cassy.
Tumingin ako kay Sally na natigil sa pagkain ng ice cream.
"Di na kelangan Cassy. Di mo siya kilala." Sagot ni Sally.
"Okay lang ate, kaya nga gusto kong makilala e." Sabi ni Cassy.
"Bakit Cassy?" Si Bryan.
"I want to thank that person kasi sinamahan niya si Ate ng isang buong magdamag. Sabi kasi ni manong delikado daw mag isa dun tsaka bumabagyo pa." Sagot ni Cassy.
"Ano daw pangalan?" Tanong ulet ni Bryan.
"Hindi ko pala natanong ang pangalan. Mamaya itatanong ko sa kanya."
"Wag na Cassy!"
"Bakit Ate? Ayaw mo bang personal akong makapagthank you?"
"No need. I already thank that person. Tsaka wala na akong balita dun, di ko na siya nakita." Sabi ni Sally.
"Ganun? Sayang naman."
"Kelangan ko nang umalis Bryan, naghihintay si Erika dun."
"Di ka pa tapos." Sabi ni Bryan.
"Busog na ko. Sige mauna na ako." Paalam nito at lumakad na.
"Nangyari kay Ate?" Tanong ni Cassy kay Bryan.
"I dont know."
"Bh the way I have to go too. I have an appointment. Bye!"
Naiwan kami ni Cassy sa upuan.
"Pwede mo ba akong samahan the whole day?" Narinig kong tanong ni Cassy.
"Bakit? Baka hanapin ka ng ate mo." Sagot ko.
"I have something to say to you." Sagot niya.
Tumingin ao sa kanya.
"Di mo ba pwedeng sabihin sakin ngayon?"
Umiling siya.
"Okay. Sasamahan kita."
"Thank you." Nakangiting sabi nito.Pagkahapon, inaya ako ni Cassy sa lugar kung saan kami lang dalawa ang tao.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko.
"Yohann alam mo kasi..."
"Ano yun Cassy? May problema ba?"
"Di ko alam kung maniniwala ka sakin pero pinag isipan ko na to..." hinintay ko lang ang sasabihin niya.
"... Yohann... may- may - may gusto ako sayo." Napapikit pa siya.
Nagulat din ako sa sinabi niya.
"Cassy.."
"Alam ko di mo inexpect to. Pero gusto kong malaman ang sagot mo kahit hindi ngayon maghihintay ako." Sabi niya.
Cassy, paano ko sasabihing si Sally ang gusto ko?
"You're so young Cassy. Yang nararamdaman mong yan, wala lang yan. Mag isip ka muna ulet." Sabi ko.
"Hindi. Matagal ko na tong pinag isipan. Nung una palang kitang nakita iba na naramdaman ko, sana wag mong isiping dahil bata pa ko di pa ko sigurado sa nararamdaman ko para sayo. At sana wag magibg hadlang ang edad ko para pag isipan mo ang mga sinabi ko. Mahal talaga kita Yohann, sa buong buhay ko ikaw ang unang lalaking pinagtuunan ko ng pansin. Ikaw lang walang iba Yohann. Pls, give time to think about it."
Bahagya akong natawa.
"Why me, Cassy?" Tanong ko.
"I dont know. Basta ang alam ko gusto kita. Masaya ako pag kasama kita, gusto ko palagi kitang nakikita. Sana ganun ka din Yohann."At Sally's mind..
Nalaglag ko ang hawak kong baso at nabasag yun matapos kong madinig ang sinabi ni Cassy sakin.
"Cassy tama ba nadinig ko?" Tanong ko sa kanya.
"Yes ate." Sagot nito.
"Alam mo ba kung ano ginawa mo? Napakabata mo pa Cassy, ni hndi ka pa nga nakakatapos ng pag aaral."
Pakiramdam ko ang bigat ng puso ko.
"Ate mahal ko si Yohann, sinabi ko sa kanya yung nararamdaman ko kasi ayaw kong maunahan ako ng iba. I know na may ibang babaeng nagugustuhan si Yohann at habang maaga gagawin ko ang lahat para mapunta siya sakin."
"Cassy you don't know what you''re doing."
"Alam ko ate. Lumapit ako sayo kasi gusto ko tulungan mo ko."
Napatanga ako sa narinig ko.
"Diba nangako ka kila mama na gagawin mo ang lahat para mapasaya ako? Eto na yun ate e, siya yung kaligayahan ko. Siya lang." Nakatingin saking sabi niya.
"Cassy.."
Di ko alam kung ano sasabihin. Gulong gulo ang utak ko. I didn't expect na gagawin niya yun. Di ko alam na seryoso talaga siya sa mga sinabi niya sakin na gusto niyang kilalanin si Yohann.
"Tutulungan mo ako diba Ate? Diba Ate?" Lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa dalawang kamay.
"I'm sorry Cassy, di kita kayang tulungan." Nasabi ko. Bigla nitong binitawanang kamay ko.
"Hanggang ngayon ayaw mo pa rin kay Yohann? Mabait siya ate. Nakikita mo naman diba?"
"Oo alam ko. Nakikita ko yun, pero Cassy... di natin alam kung gusto ka din niya. Kaya pano kita tutulungan?"
"Kahit ano para mahalin niya ako. Kung pwede kausapin mo siya, sabihin mo ang lahat ng magagandang ugali ko, hobby ko. Kahit ano, o kaya pakiusapan mo siya na bigyan niya ako ng pagkakataong patunayan yung pagmamahal ko sa kanya. Pls ate, I really need you now. Alam kong matutulungan mo ako. Alam kong gagawin mo ang lahat para maging masaya ako diba?" Napaiyak na siya.
"Cassy wag ka umiyak, pls don't cry."
Pag nakikita ko siyang umiiyak parang dinudurog ang puso ko.
"Tulungan mo ako ate." Sabi niya.
Niyakap ko siya.
"O-okay. I'll try Cassy. I promise, just don't cry. Nasasaktan din ako e." Sabi ko sa kanya na pinipigil ang pag iyak.Sa kwarto ko.
Di ko napigilang wag umiyak. Ano gagawin ko? Paano ko tutulungan si Cassy?
Dahil di ko alam kung ano ang dapat kong gawin tinawagan ko si Cecil. Pupunta ako sa kanila.
"Gabing gabi na Sally nagpunta ka pa dito?" Tanong ni Cecil pagbukas ng pinto ng bahay niya.
"Cecil." Napayakap ako sa kanya. Di ko mapigil sarili ko. Napaiyak na ko.
"Anong nangyari Sally? Bakit?" Alalang tanong nito.
"Si Cassy."
"What happened to Cassy? Tell me?"
Di na ko nakapagsalita. Umiyak nalang ako ng umiyak sa balikat niya. Inalalayan niya ako hanggangsa kwarto niya at doon ay nakatulog ako sa kakaiyak.Nagising ako pasado ala sais ng umaga. Tulog pa si Cecil kaya nauna na akong lumabas.
Kulang isang oras na siguro akong nakaupo sa may garden ng marinig kong palapit si Cecil.
"Coffe Sally. Gising ka na pala. Bakit di mo ko ginising?" Tanong niya.
"Okay lang. Nakakahiya na. Gabing gabi na nga akong nagpunta dito tapos gigisingin pa kita ng maaga." Pinilit kong ngumiti.
"Ano ba nangyari? Naririnig kita kagabi you're calling Yohann's name." Sabi niya.
"Si Cassy... may gusto siya kay Yohann. And she's asking for my help." Pagtatapat ko sa kanya.
"What?! Oh my god. Alam na ba ni Cassy ang nakaraan niyo?"
Umiling ako.
"Alam mo tingin ko, mas mabuting sabihin mo kay Cassy na si Yohann at ang nag iisang lalaking minahal, minamahal at mamahalin mo pa ay only one. Malay natin, mag give up siya at matauhan." Suggestion niya.
"Kapatid ko siya. I don't want her to get hurt. Mahal ko ang kapatid ko atdi ko hahayaang ako ang maging dahilan para magdusa siya."
"So, ypu are trying to say na oky lang na ikaw ang masaktan basta masaya siya? Paano si Yohann?you think may gusto din siya kay Cassy?"
BINABASA MO ANG
Sister's Love
Teen FictionPROLOGUE Isang seryoso, positibo at may pangarap sa buhay ang bente kwatro anyos na dalagang si Sally. Wala siyang ibang hiling kundi ang mapaginhawa ang buhay ng kanyang nagiisang kapatid na si Cassy. Isang pangakong kanyang binitawan bago pumana...