At Sally's mind.
Ano ba yan aga aga may bisita. Wala pa sana akong balak bumangon kasi kulang na kulang pa ang tulog ko. Madaling araw na ng dalawin ako ng antok matapos kong linisin ang buong bahay at magdasal sa diwata ng antok na sana naman ay bumisita na siya kasi ready na ko.
Pero walang biro. Napuyat ako kakaisip kay Yohann. Syempre natural lang yun, after 6 years kasi na hindi ko siya nakita,pero palagi siyang tumatakbo sa isip ko, ay nakakapanibago din naman na bigla ko nalang siyang masisilayan at kasama pa ang kapatid ko. Matapos ang walang linaw na paghihiwalay namin noon ay hindi ko na siya nakita. Ang balita ko, dinala na siya ng mommy niya sa America for good kaya nagulat talaga ako.
Wala sa sariling bumangon ako sa kama. Mamaya na ako magpapalit. Sigurado naman ako na kung sino lang ang bisitang yun at di ko na kailangang magpaganda. Buti kung si Enzo Pineda yan, o si Daniel Padilla o kaya naman ay si Dingdong Dantes. Baka mag gown pa ako. Pero wag na pala kasi baka magbago ang isip ni Dingdong at hiwalayan si Marian e di nachismis pa ko world wide. Hay!!!
Kakasarado ko pa lang ng pintuan ng magsalita si Cassy.
"Ate anong itsura mo? Mag ayoska naman muna bago ka bumaba. Nakakahiya kay Yohann."
Kay Yohann? Idinilat ko ng malaki ang aking mata at pagtingin ko ay nakatingin din ito sa akin at palihim na tumatawa.
Napakagat labi ako at agad na papasok sa kwarto pero nakasara nga pala yun at nauntog ako sa pintuan.
"Ah..." nahawakan ko ang noo ko at ilong sa sobrang sakit at nagmadaling binuksan ang pintuan bago pumasok.
"Anong ginagawa niya dito?"
Nakakainis. Humarap ako sa salamin. At muntik na kong mapasigaw ng makita ang hitsura ko sa salamin.
Gulo gulo ang buhok ko, may morning glory sa mata at may laway pa ako sa gilid ng bibig.
"S***!"
Anong kagagahan ang ginawa ko?Nagtagal pa ako ng kulang isang oras sa kwarto ko bago nagpunta sa banyo at naligo. Sinigurado ko munang malinis na akong tingnan bago ako nagpasyang lumabas.
"Inhale. Exhale. Relax ka lang Sally. Wala kang dapat ikabahala. Okay?"
Paglabas ko ay nandoon pa din sila sa sofa at masayang nagkukwentuhan.
"Ate nasa ref yung ensaymada. Pasalubong ni Yohann. Nasabi ko kasi sa kanya na paborito mo yun." Sabi ni Cassy.
"Okay. Salamat." Sagot ko pero hindi tumitingin sa kanila.
"Nakakatuwa ka pala. Buti nalang di ka binalikan nung nakaaway mo. Ang cool mo pala." Narinig kong sabi ni Cassy.
Nagdiretso na ako sa kusina at kinuha sa ref ang tinapay.
"Galing kay Yohann? Naaalala pa kaya niyang ito ang paborito ko o dahil lang sa sinabi ni Cassy? Teka nga... Bakit ba Sally? E ano naman sayo? Tingin mo ba hanggang ngayon special ka pa din para sa kanya? Matapos ang ginawa mong pananakit may karapatan ka pa bang umasa? Ang---
Knock... knock..
"--ay palakang nahulog sa bangin!!!"
"Nagulat ba kita? Pasensya na."
Lalo lang akong nataranta dahil si Yohann pala ang kausap ko ngayon.
"Naku hindi naman.." sagot ko at ibinalik sa ref ang tinapay.
"Di ka pa rin nagbabago. Hanggang ngayon paborito mo pa din yan." Sabi niya. Paglingon ko ay nakahilig ito sa pintuan at nakapamulsa ang kamay sa suot nitong tokong.
"Hindi na sakin mababago yun." Sagot ko.
"So kumusta ka na? Mukhang mas nakabuti talaga sayo ang pakikipaghiwalay mo sakin noon ah." Nahinto ako sa ginagawa ko at napatingin sa kanya. Seryoso ang kanyang mukha pero maya maya ay tumawa ito ng marahan.
"Joke lang. Napakaseryoso mo naman. Sorry. Past is past. Di na natin dapat isipin yun. Magsimula tayong muli as friend. Wala naman sigurong mawawala kung ibabalik natin ang dati kahit pagkakaibigan lang hindi ba?"
"Huh? Ah.. oo naman. Mas mabuti nga yun." Pagsang ayon ko nalang.
"So friend?" Bahagya itong lumapit sa akin at gustong makipag kamay. Napaisip pa ako kung tutugunin ko ba ang kamay niya. Pero sa kasabikan kong muling mahawakan iyon ay nakipagkamay na ako.
Nakangiti siya ng tumingin ako. Hindi ko alam pero bigla ko nalang naramdaman ang pagngiti ng labi ko. Katulad ng dati, tingin pa lang niya nahihypnotized na agad ako at napapasunod sa kung anong sinasabi ng kanyang mata.
"Yohann nasan ka?"
Agad akong bumitaw sa kamay ni Yohann at nagmadaling inasikaso ang mga hugasin sa lababo.
"Uy Yohann nanjan ka pala." Si Cassy.
"Kumuha lang ako ng water, nauhaw kasi ako e." Sagot ni Yohann.
"Ate pwede ba kaming mamasyal ni Yohann?" Paalam niya.
"Mamasyal?"
Hindi pa ako nakakasagot ng sumingit si Bryan.
"Oo. Gusto mo bang sumama? Ikaw ate gusto mo ba? Nanjan naman sina Yaya Esme, sila na bahala sa restaurant." Sabi ni Cassy.
"Pero---"
"O sige. Sasama kami ng Baby ko sa pamamasyal niyo. Diba Baby?" Lumapit sakin si Bryan at inakbayan ako sabay kindat.
Napatingin ako kay Yohann. Tiningnan ko kung ano ang magiging reaksyon niya sa pagtawag sa akin ni Bryan ng Baby pero nakatingin lang ito sa labas at wala akong nakitang kahit anong emosyon sa mukha niya. Wala na talaga sa kanya kung ano man kami ni Bryan. Nakalimutan na talaga niya ako.
"Sige." Pinilit ko nalang na ngumiti.
BINABASA MO ANG
Sister's Love
Teen FictionPROLOGUE Isang seryoso, positibo at may pangarap sa buhay ang bente kwatro anyos na dalagang si Sally. Wala siyang ibang hiling kundi ang mapaginhawa ang buhay ng kanyang nagiisang kapatid na si Cassy. Isang pangakong kanyang binitawan bago pumana...