#SLBryanVSYohann

5 0 0
                                    

At Yohann's mind..
Akala ko ba wala kang nararamdaman sakin? Pero bakit ganun nalang ang reaksyon mo?
"Kuya Bryan ano ba nangyayari kay Ate? Ngayon lang siya naging ganyan ah?" Tanong ni Cassy kay Bryan.
"Dala lang siguro ng pagod." Sagot niya.
"Puntahan ko muna si Ate." Sabi ni Cassy.
"Samahan na kita." Sabi ko.
"Hindi na. Ako nalang, mag usap na lang kayo ni Kuya Bryan." Sabi niya bago umalis.
"So, bakit mo ginagawa ito?" Tanong ni Bryan.
"What do you mean?" Pagkukunwari ko.
"I know you know what I'm talking about Yohann." Sabi niya na titig na titig sakin.
"Don't look at me like that baka maya maya pati ikaw magkagusto na rin sakin." Sabi ko.
"Pwede ba Yohann. Di ako nakikipaglokohan dito." Galit na sabi nito.
"Okay okay. Linawin mo kasi, ang alin ba ang tinatanong mo?"
"Bakit mo siya pakakasalan?" Tanong niya.
"Dahil yun ang gusto ni Sally. Ayaw mo bang maging masaya si Sally? O baka naman ayaw mong makitang nasasaktan si Sally habang magkasama kami ni Cassy?" Ako.
"Wala ng gusto sayo si Sally. Alam mo, ikakasal na din naman kami at magkakaanak na."
Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin ako dito.
"Kung gusto mo, gawin nating double wedding? Maganda yun diba? Sayo ang bunso, akin ang panganay." Nakangiting sabi niya.
Ikakasal? Magkakaanak? Hindi pwede.
"Sabagay. Maganda nga yun." Sagot ko.
Nabalot ng katahimikan ang paligid. Nagtitigan lang kami na parehong may galit na nararamdaman.
"Ehem.."
Binaling ko ang tingin ko sa tao.
"Manang." Ako.
"Mukhang may kakaibang atmosphere akong nararamdaman." Natatawang sabi ni Manang.
"May lahi ka pong manghuhula?" Tanong ko.
"Wala. Ano ka ba, si Sir Yohann talaga."
"Sir Yohann? Kilala mo siya Manang?" Takang tanong ni Bryan.
"Syempre naman po. E siya yung kasama ni Ma'am Sally nung umuwi dito, siya rin ang nakabili ng bahay. Di niyo po ba alam yun?"
Tumingin sakin si Bryan. Nginitian ko pa siya. Inilihim sa kanya ni Sally ang totoo.
"Ganun po ba? Sige manang magluto na kayo." Sabi niya.
"Sige po." Umalis na si Manang.
"Ikaw ang kasama ni Sally dito?" Tanong niya.
"Narinig mo naman ang sinabi ni Manang diba?" Sabi ko.
"Sinadya mo ang lahat diba?"
"Anong sinasabi mo?" Ako.
"Sinadya mo ang lahat. Sinadya mong mapalapit kay Cassy para magamit mo siya."
"Alam mo Bryan, wala akong pakialam kung ano man ang isipin mo. Bahala kang mabaliw kakaisip. Mauna na ako, ang mabuti pa asikasuhin niyo nalang ang kasal nating apat." Nakangiting sabi ko at iniwan siyang mag isa.
Naglakad lakad ako sa tabing aplaya.
"Ikakasal na din naman kami at magkakaanak na."
Walang sinabing ganun sakin si Sally pati na rin si Cassy. Hindi ako papayag na makasal silang dalawa. Hindi ako makakapayag.
"Bryan.." tawag ni Cassy mula sa malayo.
Ngumiti ako at nilapitan siya.
"Gusto kong maligo." Sabi niya.
"Kaya mo ba?" Tanong ko sa kanya.
"Oo naman. Nagpaalam na ako kay Ate." Sagot niya.
"O sige." Sagot ko. Tinulak ko ang wheel chair niya hanggang sa tabing aplaya. Tinulungan ko siyang tumayo. Naglakad lakad lang siya ng kunti at umupo na sa natatagwakan ng tubig.
"Yohann, seryoso ka ba talagang pakakasalan mo ako?" Tanong niya.
"Bakit tinatanong mo?" Ako.
"Kasi baka napipilitan kalang. Paano naman yung taong gusto mo?" Tanong niya. Tumigil ako at sandaling nag isip.
"Ayaw mo ba?"
"Hindi naman. Gusto kong magpakasal sayo. Pero gusto ko din sanang malaman kung sino yung babae?" Siya.
"Bakit gusto mong makilala?" Tanong ko.
"Gusto ko siyang pasalamatan kasi di ka niya inagaw sakin." Nakangiting sabi niya.
"Hindi na mahalaga kung sino siya." Sagot ko.
"Pero.... mahal mo pa ba siya?" Tanong niya.
"Alam mo Cassy, hindi madaling kalimutan ang taong mahal mo." Sabi ko.
"Mahal mo pa talaga siya." Malungkot na sabi niya.
"Di ka pa ba nilalamig?" Pag iiba ko ng usapan.
"Nilalamig na ako." Sagot niya.

Pagkahapon, naglalakad lakad ako sa tabing aplaya ng makita kong palapit sa akin si Sally.
"Bakit mo ginawa yun?" Agad niyang tanong.
"Ang alin?" Tanong ko.
"Bakit sinabi mong pakakasalan mo si Cassy?"
"Bakit hindi? Diba yun naman ang gusto mo?"
"Sabi ko bigyan mo siya ng chance hindi pakasalan. Paano kapag umasa sayo ang kapatid ko?"
"Hindi ko siya paasahin. Totoo sinasabi ko."
"Mahal moba siya?" Tanong niya.
"Madali lang siyang pag--
"Bakit mo siya pakakasalan ng hindi mo naman mahal?"
"Kug ganun, bakit ka magpapakasal kay Bryan?" Tumaas din ang tono ng boses ko.
"A-ano?" Takang tanong niya.
"Wag ka na magmaang maangan. Alam ko nang magpapakasal na kayo ni Bryan at magkakaanak na din."
"Ano? Sinabi niya sayo?" Takang tanong niya.
"Oo. Bakit? Ayaw mong malaman ko? O baka naman ginagamit mo lang si Bryan para ---
Bigla niya akong sinampal.
"Hindi ako nanggagamit ng tao." Galit na sabi niya.
"Bakit mo ba ako kinausap?" Ako.
"Dahil ayaw kong masaktan ang kapatid ko. Kung ginagamit mo lang siya para makaganti sakin wag mo nang ituloy."
"Kinausap mo ako para bigyan siya ng pagkakataon. Tapos ngayong ginagawa ko na ang gusto mo pinagdududahan mo pa ako?"
"Siguraduhin mo lang Yohann, dahil oras na malaman ko mananagot ka sakin." Sabi niya at agad na umalis.
Kahit anong pilit ko sa sarili kong kasuklaman ka di ko magawa. Bakit ganito ang nararamdaman ko sayo? Galit na galit ako ng malaman kong ikakasal ka na at buntis ka pa. Gusto ko mang isipin na anak ko ang pinagbubuntis mo pero pano mangyayari yun kung halos araw araw si Bryan ang kasama mo? Isa pa, hindi yan aakuin ni Bryan kung walang nangyari sa inyong dalawa.
Di pa siya nakakalayo ng makita ko itong biglang natumba kaya napatakbo ako papunta sa kanya.
"Sally?" Niyugyog ko ang balikat niya. Pero ng hindi siya umiimik ay binuhat ko na siya at dinala sa bahay.
"Anong nangyari kay Ate?" Takang tanong ni Cassy.
"Bigla nalang siyang nahimatay." Sabi ko pagkababa sa kanya.
"Anong ginawa mo kay Sally?" Galit na kinuwelyuhan ako ni Bryan.
"Kuya Bryan ano ba? Wala siyang kasalanan, nahimatay lang si Ate."
"Oras na may mangyari sa kanya Yohann. Tandaan mo, mananagot ka." Pagbabanta niya bago ako binitawan at nilapitan si Sally.
Maya maya dumating si Cecil.
"Anobg nangyari kay Sally, Yohann?" Si Cecil.
"Nahimatay siya kanina."
Alalang nakatingin sakin si Cecil bago siya nagpunta kay Sally na binuhat ni Bryqn para dalhin sa kwarto nito.
Lumapit sakin si Cassy.
"Okay kalang? Ano ba problema ni Kuya Bryan at ganun nalang siya kung magalit sayo? Wala ka namang ginagawa ah?"
Paano pag may nangyari nga? Buntis pa naman siya. Baka mapano siya at ang baby. Kung di ko siguro siya ginalit hindi siya mahihimatay.

Sister's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon