#SLYohann'sFeeling

21 1 0
                                    

At Yohann's mind..
"Tama ba narinig ko Yohann? Sila Sally ang may ari ng bahay na binili mo?" Tanong ni Joey.
"Oo." Sagot ko.
"Tadhana nga naman." Natatawang sabi niya.
"Joey tingin mo kaya kaya ng isang magmahal ng siya lang ang nakakaalam?"
Halatang nagulat si Joey sa tanong ko.
"Bakit?"
"Kasama ko siya buong magdamag."
Hindi nakapag salita si Joey. Nakatingin lang ito sa akin.
"Isang buong magdamag? Kayong dalawa?"
Tumango ako.
"Sabihin mo sakin may nangyari ba?"
"Magsisinungaling ako kung sasabihin kong wala."
"Pano pag nabuntis mo siya?" Tanong ni Joey.
"Isang beses lang yun." Sagot ko.
"Mahal mo ba siya?" Tanong niya.
Hindi ako nakasagot. Tumingin lang ako kay Joey.
"Sabi ko na. Di mo pa rin talaga siya nakakalimutan."
Paano ko naman makakalimutan ang babaeng bumago ng buhay ko?
"Mahal mo siya di mo lang aminin. Alam mo, hanggat maaga kumilos ka na."
"Paano si Sally?"
"Tingin mo ba papayag siyang gawin niyo ang bagay na yun kung wala na siyang nararamdaman para sayo? Mg isip ka nga."
Tama. Mahal pa ako ni Sally, naramdaman ko yun.
"Sana di pa huli ang lahat." Naisip ko.
"Good luck Yohann. Simula pa noon boto na talaga ako kay Sally." Nakangiting sabi nito.
"Salamat."
"Excuse me Sir. May naghahanap po sa inyong babae." Sabi ng sekretaya ko.
"Si Sally." Nasabi ko.
"Good Luck. Wag mo ng sayangin." Sabi ni Joey.
"Salamat." Patakbo ako lumabas sa opisina sa pag aakalang si Sally ang babaeng yun.
"Yohann."
"Ca-cassy? Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko.
Ngumiti ito at agad akong niyakap.
"Akala ko iniiwasan mo na ako. Namiss kita agad."
Pinagtinginan kami ng mga tao roon.
"Tara sa loob." Yaya ko bago tinanggal ang kamay niya at naunang lumakad.
Napakamot sa ulo si Joey ng makitang si Cassy ang kasunod ko.
"What are you doing here Cassy?" TakNg tanong ni Joey.
"Dinadalaw ko lang si Yohann. Dalawang araw ko kasi siyang di nakita e." Sagot nito.
Tumingin lang sakin si Joey.
"Paano. Mauna na ako Yohann, cassy."
Tumango lang ako.
"I heard nagpunta ka daw sa province?"
"Ah. Oo. May inasikaso lang." Sagot ko.
"Bakit di ka manlang nagsabi? Alam mo bang balik balik ako dito para lang makita ka? Tawag ako ng tawag pero di ka sumasagot."
"Pasensya na Cassy." Sabi ko.
"Okay lang. Ang mahalaga magkasama na ulet tayo ngayon." Nakangiting wika nito. Ngumiti din ako.
"By the way, pwede mo ba akong samahan sa school?" Tanong niya.
"Sa school?"
"Oo. Mag eenroll kasi ako ngayon e pagod sa byahe si Ate kaya di niya ako masasamahan." Sabi niya.
"Okay. Wala naman akong gagawin mamaya." Sagot ko.
"Okay. Thank you."
"Naglunch ka na ba?" Tanong ko.
"Di pa nga e." Sagot nito.
"Lunch tayo."

Sa restaurant..
"Pwede bang pagkatapos nating kumain diretso na tayo sa school?" Siya.
"Sige."
Pagkatapos kumain nagdiretso na kami sa school ni Cassy. Dating school ko din at ni Sally.
"Dito ka nag aral diba?" Tanong ni Cassy.
"Oo." Sagot ko.
"Nakakamiss diba?" Siya.
"Oo."
Pagkatapos mag fill up ni Cassy, nagdiretso na kami sa clinic for check up at iba pang dapat puntahan. Hapon ng matapos kami.
"Mister Escudero?" Lumingon ako.
"Ma'am Sandy?"
Adviser ko at family friend.
"What are you doing here hijo?"
"Sinamahan niya po ako. Hi ma'am I'm Cassandra "Cassy" Monasterio. Sally's younger sister." Pagpapakilala ni Cassy.
"Sally? Ah.. Yohann nagkatuluya---
"Ma'am ang dami na palang pinagbago dito." Pagputol ko sa sasabihi niya.
"Sinabi mo pa. Maganda na kumpara noon."
"Sige po ma'am Sandy tuloy na kami."
"Sige. Mag iingat kayo. Ikumusta mo ako kay Sally Yohann."
"Sige po."
Nasa kotse na kami.
"Yung sinasabi ni ma'am Sandy kanina na hindi natuloy. Ano kaya yun?" Tanong ni Cassy.
"Wala lang yun." Sagot ko.
"Hapon na di ka pa ba uuwi? Ihatid na kita." Ako.
"Gusto ko pa sanang magala e. " sabi niya.
"Di na. Baka hinahanap ka na ni Sally, di ka yata nagpaalam." Sabi ko.
"Natutulog siya nung umalis ako kaya di na ako nakapagpaalam." Sagot niya.
"Ihatid na kitasa inyo."
Di na siya umimik.

Pagdating sa bahay.
"Kuya Bryan gising na ba si Ate?" Tanong niya kay Bryan.
"Naliligo." Sagot nito.
"Pasok ka muna Yohann. Merienda ka muna bago ka umuwi o kaya dito kw na din magdinner."
Tumango lang ako.
Pagpasok namin saktong kakalabas lang ni Sally sa sa kanyang kwarto.
Tumingin ito sa akin na agad din namang nagbaba ng tingin bago nagdiretso sa kusina.
"Ate nagpaenroll na ako para sa 2nd sem. Dina kita ginising kasi alam kong puyat ka." Sabi ni Cassy.
"Okay."
Dinalhan ako ng juice ni Cassy. Naupo lang ako sa sofa. Sunod lang ako ng tingin kay Sally na halatang iniiwasan akong tingnan.
"Magbibihis muna ako." Sabi ni Cassy.
Naiwan si Sally sa kusina kaya nagpunta ako doon.
"Bakit ka umalis?" Unang tanong ko.
"Ayokong pag usapan yan Yohann." Sagot niya.
"Pero gusto ko. Bakit ka umalis?" Ulet kong tanong at hinawakan siya sa braso.
Tumingin siya sakin.
"Bakit ba Yohann? Yung kagabi, isang pagkakamali lang yun. Pwede ba kalimutan mo nalang?" Sinubukan nitong tanggalin ang pagkakahawak ko pero hinigpitan ko pa yun.
"Hindi Sally. Para sakin hindi yun isang pagkakamali. Mahal mo pa ko diba?"
Napatingin ito sa akin.
"Anongsinasabi mo Yohann? Pwede ba. Baka marinig ka ni Cassy."
"Alam ko Sally. Mahal mo pa ko, naramdaman ko yun. Sa iba pwede kang magsinungaling pero sakin hindi."
Yun lang at iniwan ko na ito sa kusina, nasalubong ko naman si Cassy.
"I have to go Cassy." Sabi ko bago lumabas. Di ko na inintay na sumagot si Cassy.

At Sally's mind..
Halos mabuwal ako sa pagkakatayo ng marinig ko ang sinabi ni Yohann.
("Alam ko Sally mahal mo pa ko. Naramdaman ko yun.)
Paano niya nasabi yun?
"Ate ano nangyari kay Yohann? Bakit bigla nalang umalis?" Tanong ni Cassy.
"I-I don't know Cassy. Baka may importanteng lakad." Sagot ko.
Pagkakuha ko ng tubig umakyat na ako sa kwarto ko.
"Alam mong mali Sally pero bakit di mo pinigilan?"
Napaiyak ako sa katangahang ginawa ko.
Paabo kung sabihin niya kay Cassy na siya ang kasama ko ng nakaraang gabi? Baka magalit sakin si Cassy.
Lalo na ngayon at lalo na siyang napapamahal kay Yohann.
Bakit koba hinayaang mahulog siya ng tuluyan?
"Ate nandito si Cecil." Sabi ni Cassy.
Maya maya lang pumasokna ito. Agad kong pinunas ang luha ko.
"Nakasalubong ko si Yohann kanina." Sabi niya.
"Hinatid niya si Cassy." Sagot ko.
"Anong problema? Umiyak ka ba?" Tanong niya.
"Ah.. hindi. Medyo sumakit lang mata ko." Sagot ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Cecil.
"Tinatawagan kita kanina pa pero di ka naman sumasagot." Sabi niya.
"Ah. Yung cellphone ko... yung cellphone ko.."
"Bakit?"
"Naiwan ko yata sa mindoro sa pagmamadali."
"Nagpunta ka ng mindori?" Tanong ni Cecil.
"Oo nung isang araw. May inasikaso lang ako." Sagot ko.
"Kaya naman pala tawag ako ng tawag di ka nasagot... teka.. si Yohann at si Cassy? Don't tell me na they're getting to know each other?"
"I don't know." Sagot ko.
"Anong di mo alam?"

Sister's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon