#SLThrowbackSurprises

41 1 0
                                    

At Sally's mind.
Nagmamaneho ako papunta ng palengke ng magtext sakin si Cecil
(Cecil : Friend punta ka dito sa bahay may ichi-chika ako sayo.)
(Me : Later after sa palengke.)
(Cecil : See you.)
Ibinaba ko na ang cellphone at nagconcentrate sa pagmamaneho. Pasado alas otso na ng makarating ako sa bayan para mamili.
"Uy suki kanina pa kita hinihintay. Nakaready na yung pinatabi mo." Sabi ni Ate Cynthia. Siya yung palagi kong binibilhan ng mga gulay, karne at kung anu ano pang kakailanganin namin sa pang araw araw na lutuin sa resturant.
"Salamat po. Pakilagay na lang po sa likod ng kotse ko. Salamat." Pagkaabot ko ng bayad ay naglakad na ko papunta sa kotse ng..
"Honey My Love." Napahinto ako ng marinig ko ang salitang iyon. Hindi ko alam pero pakiramdam ko nastock yung paa ko kung saan ako nakapwesto. I don't want to look back but I just found myself looking back.
Nakita ko ang isang lalaking naglalakad papunta sa direksyon ko na may dalang flowers at teddy bear.

Flashback..
Napakaspecial ng araw na ito para sa amin ng Honey My Love ko dahil today is our first year anniversary. Niyaya niya ko ng dinner date. So romantic diba? Syempre matagal ko ng pinaghandaan ang araw na ito. Pinag ipunan ko din ang regalong ibibigay ko sa kanya which is alam ko namang magugustuhan niya.
Sinuot ko ang bagong biling dress ko. Simple lang ang damit kasi ayaw ng Honey My Love ko ng maarte gusto niya yung normal lang at komportable ako sa suot ko. Pero dahil special nga, nagheels ako kahit isinumpa ko ng di ako magsusuot nito simula nung grumaduate ako ng highschool.
Sinundo ako ng driver niya. Pagdating ko sa venue halos manlaki yung mata ko dahil pagkababang pagkababa ko ng kotse ay umilaw ang paligid.
"Sally enjoyin mo ang gabing ito. Nag effort siya para sayo." Nakangiting wika ni manong bago umalis. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang pagbuksan ako ng dalawang maid patungo sa garden. Huminto ako dahil madilim ang daanan. Nagpalinga linga. Pero maya maya may tumugtog na violin at unti unting nagliwanag ang daan. Kada hakbang ko ay may nabubuong letra sa may pinakadulong bahagi ng garden. Ng makalapit ako ay tuluyan ng nabuo ang mga salita.
"Happy First Year Anniversary Honey My Love. You are my life. My light. My everything. ILOVEYOU today, tomorrow and forever."
Hindi pa ako tuluyang nakakarecover sa mga surprises simula nung bumaba ako sa kotse ng mah magsalita mula sa likod ko.
"Honey My Love Happy First Year Anniversary." Paglingon ko ay isang dosenang roses at malaking teddy bear ang bumungad sa akin at sa likod noon ay ang lalaking dahilan g lahat ng ito.
Tuluyan akong napaiyak at nagtatakbo para yakapin siya. Sa tagal ng aming relasyon di man lang pumasok sa isip ko di lang pala puro corny jokes at basketball ang alam nito. Napakaromantic din pala niya.
"Thank you." Bulong ko sa kanya.
"Its not over Honey. There's more." Bulong din niya.
"Huh?"
Pinunasan niya ang luha sa aking pisngi.
"Stop crying. Baka maubusan ka ng luha para mamaya.. Okay lets go." Sabi niya at hinawakan ako sa kamay.

End...

"Miss excuse me." Nagulat akong may yumugyog sa balikat ko.
"Huh?" Yung lalaking may dalang bulaklak at teddy bear ang nasa harapan ko.
"Makikiraan sana ako." Sabi niya.
"Ah-h-h.. o-okay. Pasensya na."

Sister's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon