#SLSurpriseDecision

6 0 0
                                    

At Sally's mind..
Makalipas ang ilang araw na pagkakaospital ni Cassy dahil sa car accident ay makakauwi na din siya ngayong araw.
Bihira akong dumalaw sa kanya kasi parang dinudurog ang puso ko tuwing makikita ko si Yohann na nagbabantay sa kanya. Isa pa, di rin ako pinapayagan ni Cecil na araw araw magbyahe baka daw maagasan ako.
"Knock.. knock.. Delivery."
Natatawa kong binuksan ang pintuan. Si Cecil yun, halos araw araw dinadalhan niya ako ng manggang hilaw dahil palagi ko yung hinahanap. Halos maghapon lang ako palagi sa bahay, ayokong lumalabas ng bahay o kahit maarawan lang. Madali din akong mainis. May kunting mali lang akong makita sa kilos ng mga katulong ay biglang umiinit ang ulo ko.
Sabi ng doctor ko dala lang daw yun ng pagbubuntis ko.
"Salamat." Nakangiting sabi ko.
"Okay lang. Basta ako ang ninang huh?" Sabi niya.
"Oo naman."
"Ang dilim naman dito, buksan natin ang kurtina." Patayo na siya.
"Wag mo buksan!" Pigil ko at hinarangan pa ang kanyang daraanan.
"Ano ka ba? Wag ka ngang magbasta basta ng kilos, baka mapano si baby." Saway niya sakin.
"Naku. Napakaprotective naman ni Ninang Cecil."
Nakakunot itong nakatingin sa akin.
"Kahapon mo pa yan suot ah. di ka naligo?" Tanong niya.
Napakamot ako.
"Hindi!" Sagot ko.
"Ano ka ba? Maligo ka nga. Padating na sila Bryan, gusto mo bang makita ka ni Yohann na ganyan ang itsura? Gulo gulo pa buhok mo."
Sumimangot ako.
"Okay sorry. Di ko na babanggitin si Yohann."
May narinig kaming busena ng kotse.
"Nan jan na sila, mag ayos ka na. Bilisan mo pero magdahan dahan ka." Sabi nito bago lumabad.
"mag madali daw tapos magdahan dahan. Niloloko yata ako nun e." Sabi ko. Sa halip na maligo ay nahiga ule ako sa kama.
"Baby, sorry huh. Kelangan kong gawin to para sa tita Cassy mo. Wag ka mag alala, di kita pababayaan. Ikaw lang ang tanging ala ala na meron ako mula sa papa mo. Mahal na mahal ko siya."
After 30 mins naligo na ako at hinanda ang sarili para sa pagbaba ko.
"Hi ate." Nakawheel chair si Cassy habang si Yohann ang nagtutulak.
Lumapit ako dito. Pero bigla niya akong hinila.
"Sally!!" Agad akong nilapitan ni Cecil.
"Okay kalang?" Tanong niya.
"Okay lang ako." Sabi ko.
"Bakit ate may sakit ka ba?" Takang tanong ni Cassy.
"Wala naman." Sagot ko.
Nakatingin lang sakin silang lahat dahil inayos ayos pa ni Cecil ang damit ko at tanong ng tanong kung diba daw ako nasaktan kaya siniko ko siya.
"Ano ka ba. Baka kung ano isipin nila." Bulong ko.
"Halika muna doon." Yaya ni Cecil. Sinundan ko ito.
"Bakit ba?" Tanong ko.
"Sigurado ka bang di natamaan ng wheel ang tiyan mo?" Tanong niya.
"Oo nga. Okay lang. Ano ka ba, baka magtaka naman sila. Di pa ko ready na malaman nila lalo na ni Yohann." Sabi ko.
"Inaalagaan lang kita." Sagot niya.
"Oo na. Salamat salamat. Okay lang ako, wag ka na mag alala."
"Basta pag sumakit ang tiyan mo tawagan mo agad ako." Sabi nito.
"Sige."
Pagbalik namin wala na sila Yohann si Bryan nalang ang nandun.
"May sakit ka ba Sally? Mukang namamayat ka tapos parang puyat ka palagi?" Tanong ni Bryan.
"Wala to. Dala lang ng pagod." Sagot ko.
"Sure ka?" Tanobg niya.
"Oo. Salamat." Sagot ko.

At Yohann's mind..
Anong problema ni Cecil at ganun nalang makapag alala kay Sally?
"Yohann pwede ba tayong mamasyal sa garden?"
Tumango ako.
Tinulak ko palabas ng bahay ang wheel chair ni Cassy.
"Last week pa daw nagsimula ang pasukan. Di na tuloy ako nakapasok." Malungkot na sabi ni Cassy.
"Gusto mo bang ihatid kita kapag gusto mo nang pumasok?" Tanong ko.
"Seryoso?"
"Oo naman. Bakit hindi?"
"Salamat. Sige." Agad ako itong niyakap.
"Yohann salamat kasi binigyan mo ako ng chance." Sabi niya habang nakayakap pa din sakin.
"Okay lang. Basta't masaya ka!" Sagot ko din.
Magkayakap pa din kami ni Cassy ng lumabas sila Sally at Bryan.
"Sweet. Sana tuloy tuloy na yan."
Naglakad ito papunta samin.
"Ate gusto ko sana mag outing ngayong sabado?" Sabi ni Cassy.
"O sige. Ipapaasikaso ko na kay manang ang dadalhin natin." Sagot ni Sally at naglakad na papunta sa kusina ng tawagin ulet siya ni Cassy.
"Teka ate... mamaya na yan. Aga aga pa. "
Bumalik si Sally at naupo sa tabi ni Bryan.
"So ano? Saan mo gusto Cassy?" Tanong ni Bryan.
"E di sa favorite na lugar ni Ate." Tumingin ako kay Sally na halatang nagulat sa sinabi ni Cassy.
"Bakit naman doon pa? Mag aouting lang tayo hindi magbabakasyon." Sagot ni Sally.
"Oo nga no.e di diretso na nating bakasyon, para makita rin ni Yohann kung saan tayo nag aral ng elementary bago tayo lumipat dito. Gusto mo ba yun Yohann?" Nakangiting tanong sa kin ni Cassy.
"Ofcourse. Dapat lang yun para malamank ko ang hometown ng future wife ko."
Napatanga silang tatlo sa sinabi ko.
"Fu-future wife? Tama ba nadinig ko?" Takang tanong ni Cassy.
"Oo. Ayaw mo ba?"
"Ofcourse not. Gusto ko. Gustong gusto." Tuwang tuwang sagot ni Cassy na kung pwede ngang magtatalon ay ginawa na niya.
"Yohann, sigurado ka na ba?" Tanong ni Bryan.
"Oo naman."
"Ito diba gusto mo Sally? Yung maging masaya si Cassy." Tumingin ako kay Sally na hindi pa rin makaimik.
"Pe-pero... napakabata pa ni Cassy." Sagot niya.
"Wala naman akong sinabing ngayon na diba? Syempre mag iintay ako ng right time kung kelan na gusto ni Cassy." Sabi ko at inakbayan ko pa si Cassy.
"Kayo ang bahala." Sabi niya sabay alis.
"Sally." Sinundan siya ni Bryan.
"Yohann totoo ba ang sinabi mo?" Masayang tanong ni Cassy.
"Ofcourse. Kelan ba ako nagsinungaling?"
"Thank you. Akala ko di na matutupad yung wish ko." Nakangiting sabi niya.
"Wish? Anong wish?" Tanong ko.
"Ang ikasal sa taong mahal ko." Nakangiting sagot niya.
Ngumitu din ako pero nagulat na ako sa sunod niyang ginawa.
Hinawakan niya ako sa pisngi ko at hinalikan ako sa labi.
Nagulat ako pero hindi ko pinahalata.
("Kung ito ang gusto mo Sally. Ikaw ang bahala. Pero sinisigurado ko sayong magiging miserable ang buhay mo hanggat nandito ako. Kasalanan mo kung bakit ko ginagawa ang mga bagay na ito.")

Sister's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon