Maaga akong gumising kahit puyat ako ng nakaraang gabi.
"Ano bang problema Sally? Hindi na tayo nakapagpaalamsa kanila?" Si Bryan. Maaga palang ay niyaya ko na siyang lumuwas na kami ng maynila.
"Ayoko munang makipag usap Bryan. Gusto kong magpahinga."sagot ko.
Hindi na nga siya nagsalita. Pinilit kong matulog para makabawi sa puyat.
Nagising ako pababa na kami ng barko pero natulog ulet ako.
Ng makarating na kami sa bahay ay ginising na ako ni Bryan.
Kumain muna kami dahil pasado alas otso na ng makarating kami sa bahay.
"Sally ano bang problema? Magtataka sila dahil bigla na lang tayo umalis." Sabi ni Bryan habang kumakain kami.
"Gusto ko nang magpahinga." Sagot ko bago pumunta sa kwarto ko.
Wala pa akong lakas para magkwento. Hindi ko rin alam ang isasagot ko kapag nagtanong siyang ulet tungkol sa kasal.At Yohann's mind..
Nagising ako ng wala ba si Sally at Bryan. Maaga daw silang umalis sabi ni manang.
Paglabas ko, nakaupo lang sila Cecil at Cassy. Tahimik rin lang sila. Walang umiimik. Naupo ako.
"Good Morning." Bati ni Cassy.
"Good Morning." Sagot ko.
"Umalis na sila ate at Bryan." Sabi niya. Hindi ako sumagot.
"Bryan diba sabi mo pakakasalan mo ako kung kelan ko gusto?"
Nakita kong tumingin si Cecil sa akin at nagtaad ng kilay. Tumingin muna ako dito bago kay Cassy.
"Gusto kitang ipakilala sa mga kamag anak namin bilang official kong fiancee."
"Teka Cassy, sigurado ka na ba jan?" Takang tanong ko.
"Oo. Bakit hindi? Ganun din naman yun. Iaannounce din naman natin, mas maaga mas maganda." Sabi nito bago umalis.
Hahabulin ko sana ito.
"Hayaan mo siya." Si Cecil.
"Pero paano kung matuloy ang kasal?" Tanong ko.
"Wala ka ng magagawa. Kasalanan mo yan. Pinangakuan mo siya ng kasal kaya panindigan mo. Sinubukan kong kausapin si Sally para pigilan ang plano niyang pagpayag sa alok ni Bryan pero nababaliw na ang kaibigan ko kaya wala na akong magagawa. Tapusin mo nalang ang nasimulan mo."
"Hindi ko siya mahal." Sabi ko.
"Pwes ngayon palang pag aralan mo na siyang mahalin. Wala na tayong magagawa, parehong disidido ang magkapatid sa kanilang mga desisyon. Lalo lang magagalit sayo si Sally kapag pinaiyak mo ang kapatid niya kaya kung ayaw mong may mangyaring masama sa anak niyo wag mo siyang gagalitin." Sabi ni Cecil.
"Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Mababaliw na ako." Sabi ko.
Kinahapunan din ay umalis na kami para bumalik sa maynila.
Umaga na kami nakarating. Sarado ang restaurant atwalang tao sa labas.
Maya maya dumating si Bryan.
"Narito na pala kayo."
"Kakarating lang." Sagot ni Cassy.
"Si Sally nasa taas, tulog pa yata. Ayaw bumaba ayaw ding pabuksan ang restaurant." Sabi niya.
"Sige akyat na ako." Paalam ni Cassy bago nagdiretso sa loob.
"Una na rin ako." Si Cecil.
"Alis na ako." Sabi ko.
Pagdating ko sa bahay sinalubong ako ni Joey.
"Ano nangyari? Nagkaayos ba kayo ni Sally?"
Umupo ako sa sofa.
"Hindi." Sagot ko.
"Ano ba yan. Akala ko ba aayusn mo na ang lahat sa inyo?" Siya.
"Ayoko munang pag usapan yan. Magpapahinga na muna ako." Sabi ko at umakyat na. Ang daming nangyari, hindi pa ako nakakarecover sa lahat. Naguguluhan pa ako kailangan kong magpahinga.At Cassy's mind..
Paano ako nagawang lokohin ni ate ng ganun? Pinagmukha niya akong tanga. Pinaniwala sa kasinungalingan nila.
Nung gabing nag usap sila ni Yohann, nadinig ko ang lahat. Nung gabing may nangyari sa kanila kaya ngayon ay buntis si ate. Isa pa yun sa di ko matanggap, magkakaanak na pala sila ni Yohann pero wala siyang balak na sabihin sakin.
Dahil sa galit ko nagawa kong sabihin kay Yohann na ipapakilala ko na siya sa mga kaibigan at kamag anak namin. Dahil sa panloloko nila sa akin kaya ko nagagawa ito.
Pinaasikaso ko kay Ate Sandy, pinsan namin, ang engagement party. Guato kong mapadali ang lahat.
Ilang araw na ang nakalipas mula ng bumalik kami mula sa Mindoro. Alam ko na din na si Yohann ang bumili ng bahay dahil nabasa ko an sinulat ni manang kay Ate nung gabing yun dahil naiwan naman sa upuan ang pinagsulatan niyang bond paper.
"Hi Cassy." si Ate Sandy. Nagpubta siya sa bahay.
Nagulat si Ate ng makita siya.
"Anong ginagawa mo dito ate Sandy? Napadalaw ka yata." si ate.
"hindi mo ba sinasabi sa kanya Cassy ang ginagawa natin?" takang tanong niya.
"ang totoo hindi pa nga e, gusto ko sana siyang surpresahin kasi kung hindi dahil sa kanya hindi ito mangyayari." sabi ko.
"teka.. Ano ba yun? Bakit hindi ko alam?" tanong ni Ate.
Hinarap ko siya.
"ate naisip ko kasi na ito ang makakapagpasaya sayo kaya nagplano ako na ipakilala na si Yohann sa mga relatives and friends natin as my official fianceé. Maganda yun diba ate?"
Halatang nagulat siya.
"teka Cassy bakit nagdedesisyon ka ng hindi ko alam?" siya.
"hindi ka ba natutuwa? Akala ko kadi magiging masaya ka sa plano ko."
"Hindi naman sa hindi ako natutuwa, nabigla lang ako." Sagot niya.
"Sorry ate. Pero masaya ka naman diba?"
"O-oo. Oo naman, masaya ako para sayo."
"Salamat." Niyakap ko siya.
Mahal ko ang ate ko at alam kong ganun din siya sa akin. Pero paano kung magbago ang isip niya at agawinsa akin si Yohann? Paano na ako? Kahit hindi sila ang magkatuluyan ni Yohann, nanjan naman si Bryan handang akuin ang magiging anak nila ni Yohann. Patawarin mo ako Ate pero ito lang ang alam kong paraan para hindi ako iwan ni Yohann. Kelangang makasal na agad kami sa lalo't madaling panahon.
"Bakit hindi mo sinabi sa ate mo Cassy?" Takang tanong ni Ate Sandy.
"Gusto ko lang siyang surpresahin." Sagot ko.
"Ang ate mo bakit hindi pa mag asawa? Namamayat pa ang ate mo. Ano bang naguayari jan? Parang naglilihi." Sabi niya.
"Pagod lang po si ate, sige na balitaan niyo nalang ako." Sabi ko.
Ihinatid kk siya hanggangsa kotse niya.
Papasok na ako ng bahay ng makita ko si Cecil.
"Bakit?" Tanong ko.
"Pwede ba tayong magusap?" Tanong niya.
"Bakit? Para saan?" Tanong ko.
"Tungkol kay Sally."
BINABASA MO ANG
Sister's Love
Teen FictionPROLOGUE Isang seryoso, positibo at may pangarap sa buhay ang bente kwatro anyos na dalagang si Sally. Wala siyang ibang hiling kundi ang mapaginhawa ang buhay ng kanyang nagiisang kapatid na si Cassy. Isang pangakong kanyang binitawan bago pumana...