#SLCASSY'sWANT

17 1 0
                                    

At Yohann's mind..
"Sir maraming salamat po talaga. Alam niyo po kasi ang totoo, di ko talaga alam kung saan kukuha ng pambayad sa hospital. Lahat po kasi nh pera namin ay nagastos na namin. Dahil mareremata na po ang sinanla kong bahay sa probinsya."
"Bahay sa probinsya? Where?" Tanong ko.
"Sa Occidental Mindoro po. Naisanla ko kasi yun nung manganak sa sya sa pangalawang anak namin." Sagot niya.
"Pwede ko bang makita ang bahay niyo? Naghahanap kasi ako ng bahay na pwedeng ipagawa para gawing rest house, yun ay kung okay lang sayo na bilhin ko? Malapit ba yan sa dagat?"
"Opo. Kapit bahay lang po nun ang dagat. Kaso ang may ari po noon ay ang dating amo ni Cherry, pinabahala lang po sa amin yun. Naisanla ko nga po iyun ng di man lang nagpapaalam sa kanila. Kasi simula nung mamatay ang mag asawa, di na doon bumalik ang kanilang anak. Nanirahan na sa Maynila."
"E di hanapin natin.. Ang mabuti pa, isama mo ako sa probinsya niyo ng makita ko ang bahay." Ako.
"Sige ho. Kelan niyo ba gusto?" Tanong niya.
"Pag nakalabas na ng hospital ang asawa mo. Oh sige kelangan ko nang magpahinga, late na din pala. Wag ka nang pumasok bukas. Ako na bahala sa office, asikasuhin mo na muna ang asawa mo hanggang makalabas siya. Nabayaran ko na ang bill kanina, wala ka nang poproblemahin."
"Sige po sir. Maraming salamat ho."

At Sally's mind..
Pasado alas syete na ng bumangon ako. Naabutan kong nag aalmusal si Cassy.
"Bakit ang aga mo?" Tanong ko kay Cassy bago kumuha ng inumin.
"May lakad kasi ako ngayon e."sagot niya.
"Lakad? At saan naman?" Tanong ko.
"Sa office ni Yohann."
Bigla akong nabilaukan.
"Ate okay kalang?" Tanong niya.
"O-oo. Okay lang ako. Ano naman gagawin mo sa office niya?"
"Babawi lang ako ate. " sagot niya.
"Anong babawi? Bakit kelangang bumawi?"
"Basta ate. Di ka naman magagalit diba? Tsaka school mate mo siya, at mabait nama n diba? Ate matanong ko lang, may kilala ka bang naging girlfriend ni Yohann?"
Napatingin ako kay Cassy na lumipat pa ng upuan sa tabi ko.
"Bakit mo tinatanong?"
"Wala lang. Gusto ko lang malaman yung mga tipo niya. Malay natin, diba?"
"Hoy ikaw. Kabata bata mo pa ganyan na agad iniisip mo."
"Sus!! Ate naman. 18 na kaya ako, malapit na nga akong magnineten e. Tsaka parang di ko naman alam na 17 ka pa nga lang nung magkaroon ka ng boyfriend e."
"Iba yun. Tsaka matagal na yun, isa pa. Kilala nila mama yung naging boyfriend ko." Sagot ko.
"E kilala mo naman si Yohann diba? Gusto mo ipakilala ko pa siya kila mama?"
"6 years ang tanda niya sayo. Ang pangit tingnan."
"Bakit mo alam na 24 na siya?"
"Huh? A.. syempre school mate ko siya."
"Sabagay. Basta okay lang yun ate. Maganda nga yun at matured na siya, diba?"
"Cassy. Bago mo pa nga lang yun nakikilala." Ako.
"Kaya nga kikilalanin ate. O sige na magpaaganda pa ko e. Bye ate, love you." Hinalikan pa ko nito at niyakap bago nagpunta sa kanyang kwarto.
Napailing nalang ako.
"Bakit siya pa yung nagustuhan ni Cassy?"
Mali ito. Dapat ko na talagang putulin ang ugnayan nila.

At Yohann's mind..
"Sino ung tumawag?" Tanong ni Joey.
"Si Sally." Ako.
"Talaga? Bakit daw?"
"Kung pwede daw akong makausap." Sagot ko.
"Really?"
"Mukha ba kong nagsisinungaling?"
"Excited ka no? Makakapag one on one na kayo." Siya.
"Sabi ko naman sayo diba? Madali lang siyang paikutin. Teka, bakit sabi mo sakin single siya?" Tanong ko.
"Bakit hindi ba? Sabi sakin ni Cassy dati single daw ate niya."
"Baby nga tawgan nila ni Bryan."
"O tapos selos ka?" Pang asar na tiningnan ako nito.
"Ako? For what?"
"Sus. Denial King. Anong oras pala kayo magkikita?"
"Maya maya lang aalis na ko"
"Pare enjoy huh." Sabi nito bago naglakad paalis.
"Enjoyin mo muka mo." Sagot ko at binato ito ng bote. Buti nalang nasalo niya dahil ipapalinis ko muna sa kanya yun bago siya umalis.
"Babye na. Kwentuhan mo nalang ako." Bubuksan palang ni Joey ang pinto ng bumukas ito at pumasok si Cassy.
"Cassy? Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ni Joey.
"Cassy?" Ako.
"Hi Kuya Joey, hi Yohann." Nakangiting bati nito.
"What are you doing here?" Tanong ko habang palapit sa kanila.
"Gusto lang kitang dalawin." Sagot niya.
"Dalawin? Wala naman akong sakit ah?" Tanong ko ulet at napatingin kay Joey na nakatingin din pala sakin.
"Gusto lang kiyq makita." Sagot niya.
"Ammmm... Yohann alis na ako. Bye Cassy!" Paalam ni Joey at tiningnan ako ng Lagot-ka looks niya.
"Bye Kuya."
"Upo ka muna Cassy. Kuha lang ako ng juice." Sabi ko.
"Okay. Thank you."
Anong ginagawa niya dito? Paano ko mapupuntahan si Sally kung andito siya?
"Here's your juice Sally." Sabi ko bago naupo sa kabilang couch.
"Thank you. Ang laki naman ng office mo. Nakita ko sa court yung mga batang nagbabasketball." Sabi niya.
"Talaga?"
"Yeah. Ang daming batang gustong matuto." Dagdag niya.
"Oo nga e. Buti nalang at iyon ang naisipan kong gawing business. Nga pala, bakit ang aga mo dito?"
"Diba sabi ko gusto kita makita?"
"Sorry. Paulet ulet pala ako."
"Okay lang." Sagot niya.
"Baka hinahanap ka na ng Ate mo? Nagpaalam ka ba?" Tanong ko.
"Oo."
Kung alam pala ni Sally na pupunta dito si Cassy bakit ngayon pa niya ako gustong kausapin?
"Free ka ba mamaya?" Tanong ni Cassy.
"I'll check mg schedule." Tinawag ko ang sekretarya ko at tinanong ang schedule ko for the whole day.
"Yes sir. After po ng meeting niyo ng 4pm free time niyo na po."
"Okay salamat."
"So libre ka nga. Dinner tayo mamaya?" Tanong niya.
"A.. okay. Saan?" Tanong ko.
"Sa restaurant namin, gusto mo? Sabi kasi ng ate k bago palang daw kita nakikilala kaya parang medyo ayaw pa niya sayo kaya patutunayan natin sa kanya na mabait ka talaga." Sagot niya.
"Sabi ng ate mo?" Natatawa kong tanong.
"Oo. Ang weird nun. Si Bryqn nalang yata ang pinagkakatiwalaan niyang lalaki after mamatay ni Papa... ay meron pa pala, yung ex boyfriend niya na never kung nakita nung 17 palang siya."
"Ex ng ate mo?" Ako.
"Oo. Nagkabf siya nung 17 palang siya. Swerte nga ni Ate kasi kilala nila papa at mama yung lalaki. Tapos ako di pa nagkakaboyfriend kasi bata pa daw ako."
"So.. punta nalang ako sa inyo mamaya. What time?"

Sister's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon