At Sally's mind.
Hindi ako makatulog. Pasado alas dose na pero gising na gisingpa din ang diwa ko.
"Diwata ng antok nasaan ka na? Please dalawin mo na ako. Maaga pa akong gigising bukas." Nawika ko.
Sino kaya nag iisip sa akin? Ang sabi kasi ng lola ko kapag di ka makatulog sa gabi ibig sabihin lang nun tumatakbo ka sa isip ng isang tao.
"Hay naku. Papatayin kita kung sino ka man." Naggigigil na sabi ko.
Nabuburyong na ko sa kwarto ko kaya nagpasya akong bumaba sa sala. Kalat ang center table.
"Nagkalat na naman ang batang yun." Binuksan ko ang ilaw sa sala at niligpit ang gamit ni Cassy. Habang pinapasok ko sa bag ang mga libro may nakita akong card, invitation card I think. Kinuha ko iyon at binasa.
"Want to Learn our basketball unique techniques? Come and Join. Visit Gerrero's Basketball Court for Kids. Opening will be on Nov.16'2014."
'Gerrero's Basketball court for kids? Kelan pa nagkainteres si Cassy sa basketball?" May nakapaloob na litrato sa likod ng card kaya tiningnan ko iyon at halos tumalon palabas yung puso ko ng makita ang pamilyar na mukha sa litrato.
"Yohann?" Naibulong ko. Naalala ko ang sinabisa akin ni Cecil kanina. Bukas ang grand opening ng business ni Yohann.
"Bakit meron nito si Cassy?"("At dahil napakaespesyal ng araw na ito para sa nakapaespesyal na tao sa buhay ko would you mind beautiful lady if I ask you for a dance?"
Napangiti si Sally ng magmukhasiyang prinsesa sa paraan ng pang aalok sa kanya ng sayaw ni Yohann. Inabot niyq ang kamay ng binata at nagsayaw sila sa ilalim ng mga naggagandahang bulaklak.
Noong gabi ding iyon nangako sila sa isa't isa na wala kahit sino ang makakapaghiwalay sa kanilang dalawa.
Langit ang kanilang pakiramdam sa tuwing magtatagpo ang kanilang mga mata. Noong mga oras na iyon ay tanging tibok lamang ng kanilang masayang puso ang kanilang naririnig. )At Yohann's mind.
"Senyorito. Senyorito." Naalimpungatan ako ng may tumapik sa akin.
"Gising na po. Mukhang napakaganda ng inyong panaginip at nakangiti pa kayo habangnatutulog." Wika ni Yaya Carmen.
"Nakangiti ho ako?" Takang tanong ko.
"Opo. Hanggang tenga ho. Sana pala'y kinuhaan ko kayo ng litrato para makita mo kaso'y hindi nga pala ako marunong magpipindot sa tatskrin mong telepono."
Natawa ako sa sinabi ni yaya. Hindi nagbabago. Hanggang ngayon ay joker pa rin.
"Anong oras na po ba yaya?" Tanong ko.
"Pasado ala siyete na po." Sagot niya.
Lagot na. May ilang minuto nalang ako para mag prepare at makarating on time sa opening ng Gerrero's Basketball Court for kids.
BINABASA MO ANG
Sister's Love
Teen FictionPROLOGUE Isang seryoso, positibo at may pangarap sa buhay ang bente kwatro anyos na dalagang si Sally. Wala siyang ibang hiling kundi ang mapaginhawa ang buhay ng kanyang nagiisang kapatid na si Cassy. Isang pangakong kanyang binitawan bago pumana...