At Sally's mind..
Mula pagdating ko sa bahay hindi na nawala ang hilo ko.
"Manang.. Manang.." tawag ko.
"Bakit po ma'am?"
"Padala po ng breakfast. Dito nalang ako kakain." Sabi ko.
"Sige po."
Pagkatapos kumain, nakatulog ako sa kakaisip ng problema.
Inabot na ako ng tanghali na nakahiga lang ako sa kama.
"Sally.." narinig kong tinatawag ako ni Bryan.
"Bakit?" Tanong ko.
"Si Cassy ba bumaba na?" Tanong niya.
"Si Cassy? Hindi ko napansin. Sandali at pupuntahan ko." Sabi ko at nagpunta na sa kwarto ni Cassy.
"Cassy.. Cassy.."
Walang umiimik.
"Manang bumaba na po ba si Cassy? Tanong ko.
"Hindi po siya umuwi kagabi. Nagpaalam po kasi siya sakin na may kikitain siyang tao." Sagot niya.
"Bakit kaya di umuwi yun?sandali at tatawagan ko si Thea baka nandun." Sabi ko.
Pagkakausap ko kay Thea,
"Ano? Asan daw?" Tanong ni Bryan.
"Nandun nga, kelangan kong puntahan. Magdamag daw nag iiyak." Sabi ko at nagmadaling bumaba.
"Samahan na kita." Sabi ni Bryan.
"Sige."Pagdating ko sa bahay sinalubong ako ni Thea.
"Where's Cassy?" Tanong ko.
"Nasa may garden po, kanina pa umiiyak. Di ko mapigilan, di ko alam kung ano nangyari. Lasing nga po ng dumating kagabi, di ko naman kayo makontak." Sabi ni Thea habang papunta kami sa garden.
Nakita ko si Cassy na nakaupo, nakahilig ang ulo nito sa sandalan ng upuan at iyak ng iyak.
Agad ko siyang nilapitan.
"Ano nangyari?" Tanong ko.
Pagkakita niya sakin, tinitigan muna niya ako bago ako niyakap.
"Ate!!" Patuloy lang ito sa pag iyak.
"What happened?" Tanong ni Bryan.
Hinintay muna namin na tumigil si Cassy sa pag iyak bago ule namin tinanong.
"Ayaw niya sakin. Marami pa daw dyang iba." Mahinang sagot niya.
Nagtaka si Bryan dahil hindi naman niya alam ang nangyayari.
"Sino?" Takang tanong ni Bryan.
"Ate pls. Kausapin mo siya, sabihin mo sa kanyang bigyan niya ako ng chance." Nagmamakaawang sabi niya.
"Anong sinasabi ni Cassy, Sally?"tanong ni Bryan.
"Nagtapat siya kay Yohann Bryan." Mahinang sagot ko.
"Kay Yohann? At nireject siya?"
Di ko nasinagot si Bryan. Niyakap ko nalang ulet si Cassy.
Paano ko ba tutuparin ang hiling ni Cassy?
"Anong plano mo?" Tanong ni Bryan.
Nakauwi na kami sa bahay. Nagkulong na ulet sa kwarto si Cassy umiiyakpa rin siya.
"Hindi ko alam." Sagot ko.
"Ako kakausap kay Yohann, sasabihin ko sa kanya ang kalagayan ni Cassy."
"Hindi Bryan. Ayokong ng dahil sa awa magpanggap siyang mahal niya si Cassy." Sagot ko.
"Kung yun ang makakapagpasaya kay Cassu bakit hindi?"
"Bryan, hayaan mong kausapin ko muna si Cassy bago ako magdedesisyon." Pagkasabi ko ay iniwan ko na siya at nagpunta da kusina para kumuha ng pagkain para dalhin kay Cassy.
Pagpasok ko nakahiga lang yun sa kama. Umiiyak pa din.
Naaawa na ako sa kanya. Hanggang kelan siya magiging ganito?
"Cassy kain ka na. Niluto ni manang yung favorite mong giniling." Pinilit kong maging masaya ang tono ng pananalita ko.
"Wala akong gana ate." Sagot niya.
"Cassy kumain ka na muna. Baka magkasakit ka."
"Mabuti pa ngang magkasakit ako baka sakaling maawa sakin si Yohann."
"Cassy."
"Ate diba sabi mo susubukan mo siyang kausapin? Bakit ayaw niya pa dinsakin? Di mo siguro siya kinausap. Ayaw mo akong maging masaya." Alam kong nagtatampo si Cassy sakin. Paano ko naman gagawin yung gusto niya? Kung dahil lang sa awa, magiging masaya kaya siya?
"Sige na kumain ka na. Paano ka magugustuhan ni Yohann kung papangit ka?"
"Payag ka na ba?" Tanong niya.
"Kung siya lang talaga ang magpapasaya sayo e di payag na ako. Kakausapin ko na siya, basta't para sayo Cassy I will do anything. I will never break my promise."
Ngumiti ito at agad akong niyakap.
"Salamat ate."
Pinigil kong umiyaksa harap ni Cassy kaya nung pakiramdam ko ay hindi ko na kaya nagpaalam ako sa kanyang magbabanyo lang. At doon ko ibinuhos ang lahat ng sakit. Namaga na ang mata ko kakaiyak kaya dumiretso na ako sa kwarto ko.
Buo na desisyon ko. Kahit alam kong mali ito, maging masaya lang si Cassy handa akong masaktan.Maaga akong umalis ng bahay para makausap si Yohann. Gabi palang ihinanda ko na ang sarili ko sa paghaharap namin.
"Yohann..si Sally."
Nagtaka si Joey ng makita ako sa may pintuan ng office ni Yohann.
"Sally."
"I need to talk to you." Sabi ko lang.
"Joey mamaya na tayo mag usap." Si Yohann.
"Okay. "Umalis na si Joey. Naiwan kami ni Yohann.
Pagpasok sa loob inalok niya ako ng tea.
"Alam mo ba kung ano ka para sa kapatid ko?" Ako. Pilit kong itinatago ang tunay kong nararamdaman.
"Oo. Sinabi niya sakin." Mahinang sagot nito.
"Bakit mo ginawa yun Yohann? Bakit mo siya nireject? Alam mo ba buong buhay ko isa lang ang gusto ko? Ang maging masaya siya. Peri dahil sayo bumalik na naman yung lungkot niya." ,
"Ano gusto mon gawin ko? Ang magsinungaling para maging masaya siya? Sabihing gusto ko din siya kahit di naman yun ang totoo? Kung kaya mong gawin yun ako hindi."
"Ganun ba kahirap pagbigyan ang gusto ng kapatid ko? Madali lang siyang mahalin, Yohann. Sana di mo siya tinangggihan!!" Medyo tumaas ang boses ko.
"Kahit anong sabihin mo hindi ko siya mahal. Ikaw Sally, ikaw lang ang mahal ko."
Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya hanggang sa lumapit siya sakin.
"Sally, ikaw ang gusto ko at hindi ang kapatid mo. Intindihin mo naman sana ako." Sabi niya.
"Nagpunta ako dito para makiusap sayo na...bigyan mo ng pagkakataon si Cassy. Ikaw lang ang makakapagpasaya sa kanya."
"E ako? Paano ako? Ikaw ang magpapasaya sakin."
"Yohann ano ba? Isa lang ang mahalaga sakin, yun ay ang kligayahan ng kapatid ko. Kung talagang mahal mo ko, gagawin ml ang gusto ko."
"Sabihin mo sakin Sally, mahal mo pa rin ako diba? Nung gabing yun, naramdaman kong mahal mo pa din ako. Yun lang ang gusto kong madinig mula sayo."
"Puntahan mo siya sa bahay dahil naghihintay siya sayo." Naglakad na ako paalis ng opisina niya ng bigla niya akong hinabol at niyakap.
Pakiramdam ko nanlambot ang tuhod ko. Itong mga yakap na ito ang pinapangarap ko, yakap mula sa taong mahal ko.
BINABASA MO ANG
Sister's Love
Teen FictionPROLOGUE Isang seryoso, positibo at may pangarap sa buhay ang bente kwatro anyos na dalagang si Sally. Wala siyang ibang hiling kundi ang mapaginhawa ang buhay ng kanyang nagiisang kapatid na si Cassy. Isang pangakong kanyang binitawan bago pumana...