At Yohann's mind..
Ng makita ko siyang palabas ng opisina ko di ko napigilang habulin siya at yakapin.
"Hayaan mong pag isipan ko muna ang gusto mo. Pero tandaan mo, mahal pa rin kita." Sabi ko.
"Kelangan ko ng umalis. Hinihintay na ako ni Bryan."
Bumitaw ako ng marinig ko ang sinabi niya.
"Si Bryan. Di naman kayo diba?" Tanong ko.
"Di na mahalaga kung kami man o hindi."
"Pero gusto kong malaman, gusto kong malaman kung niloko mo ba talaga ako?"
"Ang tagal na nun Yohann, hanggang ngayon di mo pa din makalimutan?"
"Kung ikaw madali mong nakalimutan ang ginawa mong panloloko sakin ako hindi. Pinagdusahan ko ang ginawa mo sakin." Tumataas ang tono ng pananalita ko.
"Kung matatahimik ka ng dahil dun, sige sasabihin ko ang totoo. Basta ipangako mo sakin na pupuntahan mo si Cassy." Sabi niya.
"Kung yun ang magpapasaya sayo." Sagot ko.
"Tama ka. Kami nga ni Bryan, simula noon hanggang ngayon. At tama ka rin, totoong niloko lang kita. Bakit ko ginawa yun? E patay na patay ka sakin nun, choosy pa ba ako? Mayaman ka, gwapo at mahal na mahal ako. Sinagot kita dahil mapakikinabangan ko ang kabaliwan mo, pero nung nalaman ngmommy mo ang sekreto ko nagpasya akong hiwalayan ka nalang. Tutal wala na naman akong makukuha sayo. Tsaka sinabi sakin ni Bryan na itigil ko na kasi baka mahulog ako sayo kaya yun ang ginawa ko. Sorry! Pero yun ang totoo, ngayong alam mo na sana tigilan mo na ako dahil wala akong pakialam sa nararamdaman mo. Yung gabing yun? Wala lang yun sakin. Natakot lang akong iwan mo akong mag isa kaya ako pumayag. Diba pag gising mo wala na ako? Kasi ---
"Umalis ka na." Hindi ko na kaya yung mga pinagsasasabi niya.
"Nangako kang pu---
"Umalis ka na!!!" Napasigaw na ako. Sobrang sakit ng mga nalaman ko.
Tumalikod na ako, napaiyak ako sa sobrang sama ng loob.
Narinig kong sumara ang pinto.
Nanginginig ako sa galit kaya lahat ng mahawakan ko ay di ko mapigilang hindi maibasal.
"Magbabayad sila. Magbabayad siya. Isinusumpa kong pagsisisihan niya ang ginawa niya sakin."At Sally's mind..
Ito na yata ang pinakamasakit na ginawa ko sa buong buhay ko. Ang hilingin sa taong mahal ko na mahalin ang kapatid ko at ang magsinungaling sa kanya sa totoong nangyari.
Pero kung ito ang makakapagpasaya sa kapatid ko handa akong tanggapin. Handa akong kasuklaman ng taong pinakamamahal ko kung ang kapalit naman nito ay kaligayahan ni Cassy.
"Ma'am okay lang po kayo?"
Nagulay ako ng biglang may tumapik sa balikat ko.
"Huh?"
"Okay lang po kayo? Kanina pa kasi kayo tulala tapos umiiyak pa kayo baka mapano kayo niyan." Sabi ng driver ng taxi na nasakyan ko.
"Okaylang po. Sige itigil niyo na jan sa tabi." Sabi ko at inabot ang bayad bago bumaba.
Nakababa ako sa tapat ng amusement park. Pumasok ako para malibang ang sarili ko.
Pero kahit anong gawin ko di pa din mawala sa isip ko si Yohann. Wala sa sariling naglalakad ako. Bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Hindi pa ko tumatagal sa paglalakad ng makaramdam na naman ako ng hilo."Ano po nangyari sa kaibigan ko?" Naalimpungatan ako ng parang marinig ko ang boses ni Cecil. Pagmulat ko di ko alam kung nasaan ako.
"Cecil?" Tawag ko.
"Sally? Okay kalang? Anong nangyari? Bakit naman lumalakad ka ng masama ang pakiramdam mo? Sana tinawagan mo ako." Sunod sunod na sabi ni Cecil.
"Okay lang ako. Medyo nahilo lang. Lika na uwi na tayo, hinihintay na ako ni Cassy." Sagot ko at sinubukang tumayo pero nanghihina pa ang katawan ko.
Maya maya may pumasok na doctor at nurse.
"Misis wag po muna kayong tumayo di po yan makabubuti sa inyo." Sabi ng doctor.
"misis? Mukha po bang may asawa na ang kaibigan ko? Problemado lang pero wala pa yang asawa."sagot ni Cecil.
"Okay po, Miss."
"Yan. Mas bagay."
"Doc kelangan ko na pong umalis," sabi ko.
"Miss di po makabubuti sa inyo ng baby mo ang pagkilos kilos. Ang mabuti pa po, magstay muna kay---
"Teka.. teka.. teka.. Pakiulet nga ng sinabi mo? Baby? Tama ba nadinig ko?"
"Yes miss. You're 2 weeks pregnant."
Parang di ko kakayanin ang narinig kong sinabi ng doctor.
("You're 2 weeks pregnant.")
"Ohmygod!! Sally.."
Nakatingin lang ako kay Cecil. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"Maiwan ko na po kayo miss. Alagaan niyo ang baby niyo, congratulation."
Narinig kong sabi ng doctor bago ito lumabas.
"Naglihim ka sakin?" Tanong ni Cecil.
Umiling ako.
"Hindi ko alam Cecil, hindi ko rin alam." Napaiyak ako.
Naramdaman kong niyakap ako ni Cecil, umiiyak din siya.Kagaya ng sinabi ng doctor nagstay ako sa hospital. Dahil din di ako pinayagan ni Cecil na umalis doon.
"So tell me, who?" Seryoso ang mukha ni Cecil ng humarap siya sakin.
"Cecil..."
"Si Bryan ba o si Yohann?" Tanong ulet niya.
Hindi ako nakasagot.
"O yung lalaking kasama mo sa Mindoro? Sino ba yun? Wag mo sabihing pumatol ka sa lalaking hindi mo pa gaanong kilala? Des--
"Hindi Cecil. Si Yohann at ang lalaking kasama ko sa Mindoro ay iisa!"
Gulat na gulat si Cecil sa sinabi ko.
"Si Yohann ang bumili ng bahay niyo?"
Tumango ako.
"Kelangang malaman ni Yohann to." Tatawagan na sana ni Cecil siYohann pero pinigil ko siya.
"Wag Cecil. Pag ginawa mo yan, mawawalan ng saysay ang mga sinabi ko sa kanya." Sabi ko.
"Anong mga sinabi?"
"Hiniling ko na bigyan niya g pagkakataon si Cassy. Sinabi ko rin sa kanya na ginamit ko lang siya at niloko noon. Penerahan, pinaikot, pinakinabangan. Sinabi ko ding kami ni Bryan simula pa noon. Baka kung ano lang ang isipin niya kapag nalaman niyang buntis ako." Paliwanag ko.
"So anong plano mo? Itatago mk sa tunay na ama ng bata? "
"Para sa kaligayahan ni Cassy, ang lahat ng ito ay para kay Cassy."
"Cassy. Cassy. Cassy. Puro nalang Cassy. Isipin mo naman ang kaligayahan mo, paano ka matatahimik kung kakainin ka ng kasinungalingan mo? Simula pa noon puro si Cassy nalang ang iniisip mo. Paano ka?"
BINABASA MO ANG
Sister's Love
Teen FictionPROLOGUE Isang seryoso, positibo at may pangarap sa buhay ang bente kwatro anyos na dalagang si Sally. Wala siyang ibang hiling kundi ang mapaginhawa ang buhay ng kanyang nagiisang kapatid na si Cassy. Isang pangakong kanyang binitawan bago pumana...