At Yohann's mind..
Heto ako ngayon. Kasama si Sally sa bahay. Di kasi ako mapakali lalo na't alam kong mag isa lang siya sa napakalaking bahay.
Nakaupo kami sa couch habang umiinom ng kape. Balot na balot ito ng kumot. Sobrang lamig kasi. Ang lakas ng ulan.
"Okay ka na?" Tanong ko.
"Okay na ako." Sagot niya.
Natutuwa akong pagmasdan siya. Halatang natatakot siya. Takot siya sa dilim, sa kulog, sa kidlat, lalo na sa multo.
"Nung araw na yun Sally," pag uumpisa ko. Tumingin siya sakin na naghihintay ng sunod kong sasabihin.
"Nung araw na yun...." di ko matuloy ang sasabihin ko.
"Ano sasabihin mo?" Tanong niya.
"A wala wala. Wala yun." Sagot ko.
"Okay." Sabi niya at muling uminom ng kape.
Paano ko ba itatanobg sa kanya kung bakit niya ako nagawang ipagpalit kay Bryan? Dapat ko pa bang itanong? Halata namang mahal nila ang isa't isa kaya hanggang ngayon ay di sila naghihiwalay. Pero sabi ni Cassy at Joey single siya pero sa nakikita ko may relasyon silang dalawa.
"May problema?" Tanong niya.
"Wala naman." Sagot ko.
"O ano? Kelan mo bibilhin ang bahay?" Tanong niya.
"Kung kelan mo gusto." Sagot ko na wala sa sarili.
"Okay lang ba kung ngayon na? Maaga akong aalis bukas." Sabi niya.
"Wala sakin ang pera nasa kotse." Sagot ko.
"Ibigay mo nalang sakin kapag nasa maynila ka na." Sabi niya.
"Ikaw bahala."
Di ko maiwasang titigan siya kaya medyo naiilang siya kaya di siya tumitingin sakin.
"Sally.." pagkatawag ko sa kanya lumingon siya at di ko napigilan ang sarili kong angkinin ang kanyang mapupulang labi na di naman niya tinutulan.Kinabukasan..
Nagising ako pasado alas nuebe na. Di ko alam kung panaginip lang pero pakiramdam ko hinalikan ako ni Sally. Pero pagmulat ko wala na si siya sa tabi ko. Kanina lang katabi ko pa siya bakit bigla siyang nawala?
Nagmadali akong lumabas ng kwarto at nagbihis. Hahanapin ko si Sally.
Paglabas ko hinanap ko siya sa sala, sa kusina, sa garden, sa terrace but I found nothing. Iniwan na naman niya ako.
Natawa ako.
"Until now wala pa din siyang pinagbago." Nawika ko.
Pagbalik ko sa kwarto nakita ko ang titulo ng bahay at iba pang papeles.
Habang nagkakape naglakad lakad ako sa tabing dagat.
Di ko maiwasang mapangiti kapag nagpaflashback kung ano kami kagabi.At Sally's mind..
Nasilaw ako sa sinagng araw kaya nagising ako.
Babangon na sana ako ng maramdaman kong di ako nag iisa sa kama at nakapa ko din ang kamay nitong nakayakap sakin.
"Sana nananaginip lang ako." Naibulong ko. Tatayo sana ako ng gumalaw si Yohann kaya nagkunwari akong tulog.
Hinawi nito ang buhok ko sa pisngi at hinalikan ako tapos maya maya lang parang natulog na ulet siya.
Pinatagal ko muna bago ako dahan dahang bumangon.
"Ano yung ginawa ko?" Halos maiyak na ako sa banyo.
"Sally. Bakit mo hinayaang mangyari yun? Ang tanga mo. Ang tanga tanga mo."
Nagtagal ako sa banyo ng mahigit isang oras bago ako naligo at nag ayos ng sarili.
Ayokong abutan niya ako dito. Ayokong makita niya ako.
Iniwan ko ang papeles kasama na ang titulo ng bahay.
"Sana paggising mo nakalimutan mo na ang lahat."
Bago ako umalis di ko napigilang titigan muna ang maamong mukha niya. But then, I found myself kissing him.
Pagkatapos nun. Agad na akong umalis. Tahimik na ang paligid. Wala ng ulan. Buti nalang dumating na si Manong kaya agad kaming nakaalis.
Nakatulog ako sa byahe. At ng magising ako nagbabyahe na kami papunta sa Maynila.
"Gising na po pala kayo." Sabi ni manong.
"Manong pwede po ba idiretso niyo nalang ako sa hotel. May meeting po kasi ako ngayon." Sabi ko.
"Sige po ma'am."Pagkababa ko pinauwi ko na si manong para makapagpahinga na.
"Good Morning ma'am. May appointment po ba kayo kay Sir Denis?" Tanong nung sekretarya niya.
"Oo. Pakisabi si Sally nandito." Sagot ko.
"Okay ma'am. Maupo po muna kayo at tatawagin ko lang." Pumasok ito sa opisina ng boss niya at maya maya ay lumabas din.
"Ma'am pasok na po kayo."
Lumakad na ko.
"Kumusta maganda kong pinsan?"
Nagbeso beso muna kami ni Denis. Di ko nasabi pero bakla siya.
"Sister balita ko umuwi na si Yohann?"
"Ano ka ba. Pumunta ako dito for business matter hindi jan." Sabi ko.
"Sungit naman. Naglilihi lang ang peg? O siya, heto na ang kontrata. Grabe! May restaurant na, may pinapatayong boutique tapos naghahanap pa ng investment. Ikaw na!"
"Syempre kelangan ko itong gawin para masiguro kong wala ng poproblemahin si Sally sa future niya. Tumatanda na siya." Sabi ko.
"Tumatanda na agad? Grabe. Ikaw kamo, next year 25 ka na. Wala ka bang balak mag asawa or magboyfriend man lang? Si Bryan, okay naman siya ah. Mabait at kilala mo na."
"Alam mo bakla wala pa sa isip ko ang ganyan. Si Cassy ang importanteang kinabuksa. Kaya ko sarili ko."
"Paano pagtanda mo sino mag aalaga sayo?" Tanong nito.
"Bata pa ako. Ang haba pa ng oras para sa pag aasawa."
"Baka maubusan ka, mahirap na."
" Naku bakla tigil tigilan mo ako. O sige na pirmahan kona yan ng makauwi na ako, medyo puyat sa byahe alam mo namang galing ako sa hometown. Baka din hinihintay na ako ni Cassy. Bye na sis." Paalam ko bago nakipagbeso beso atlumakad na palabas.Sa bahay.
Nagcommute ako mula sa hotel. Habang byahe nakakatulog ako.
"Baby bakit ngayon ka lang?" Salubong sakin ni Bryan pagkababa ko ng taxi.
"Kahapon pa kita tinatawagan. Napanood ko sa news na may bagyo sa mindoro kahapon kaya nag alala ako." Pagpapatuloy ni Bryan.
"Okay lang ako. Magpapahinga na muna ako Bryan medyo pagod pa sa byahe e." Sabi ko.
"Kumain ka na muna."
"Hindi na. Si Cassy?" Tanong ko.
"Nasa kwarto, di pa nababa."
"Sige akyat na ako."
Pag akyat ko pinuntahan ko ang kwarto ni Cassy.
"Cassy?" Tawag ko habang kumakatok. Maya maya ay binuksan na ni Cassy at nagulat ako ng makitang umiiyak ito.
"Anong nangyari Cassy? Bakit ka umiiyak?" Alalang tanong ko. At iniharap sakin si Cassy.
"Ate." Niyakap ako nito.
"Bakit?"
"Si Yohann."
"Si Yo-yohann? Bakit? Anong ginawa niya sayo?" Tanong ko.
"Mula pa noong isang araw di na niya sinasagot tawag ko tapos di rin siya nagpapakita sakin. At ang sabi pa nung sekretarya may kasamang babae daw." Iyak lang ito ng iyak.
Paano ko sasabihing ako ang kasama ni Yohann?
"Ate may kilala ka bang nagugustuhan ni Yohann?" Tanong niya bago nagpunas ng luha.
"Cassy... Ba-bakit mo ako tinatanong?" Tanong ko rin.
"Wala.. Nakakainis, bakit kasi naging maputi pa ako? Dapat naging ganyan nalang ako sayo ate."
"Ano bang sinasabi mo?"
"Sabi kasi ni Yohann morena, matured at simple lang ang gusto niyang babae."
"Cassy." Niyakap ko siya.
Paano ko sasabihin kay Cassy ang lahat?
BINABASA MO ANG
Sister's Love
Teen FictionPROLOGUE Isang seryoso, positibo at may pangarap sa buhay ang bente kwatro anyos na dalagang si Sally. Wala siyang ibang hiling kundi ang mapaginhawa ang buhay ng kanyang nagiisang kapatid na si Cassy. Isang pangakong kanyang binitawan bago pumana...