#SLHugs@Kisses

9 0 0
                                    

At Yohann's mind..
Ilang araw na mula ng malaman ko ang kasinungalingan ni Sally pero hindi pa din ako makatyempo na kausapin siya. Kung hindi niya kasama si Cassy palagi lang nasa loob ng kwarto.
"Anong problema?" Tanong ni Cassy.
"Wala naman." Sagot ko.
"Nakatingin ka sa ate ko." Sabi niya.
"Huh?"
Tumawa siya.
"Sabi ko nakatingin ka sa Ate ko. Wag mo sabihing nagkakagusto ka na sa ate ko huh? Lagot ka sakin." Tumawa lang ako.
"May hihingin sana akong pabor sayo Yohann." Si Cassy.
"Ano yun?"
"Diba school mate mo naman si Ate? Baka kasi kilala mo kung sino yung first boyfriend ni Ate." Sabi niya.
Tumingin ako kay Cassy, seryoso siya sa pagtatanong.
"Bakit gusto mong malaman?"
"Dahil gusto ko siyang makilala at dahil gusto ko ding maging masaya si Ate. Buong buhay ko kasi simula nung mamatay sila mama 6 years ago, di ko pa siya nakitang tunay na masaya. Palagi niya lang sinasabi na masaya siya pero hindi talaga. Ayaw niya lang ipakita sa akin ang tunay na laman ng puso niya. Siya yung tumayong nanay at tatay ko. Gusto kong bumawi sa kanya. Pwede mo ba akong tulungan?"
"Talaga bang gusto mong malaman kung sino ang lalaking yun?" Ako.
Tumango siya.
"Yung first boyfriend niya ay -------"
Biglang nagring yung cellphone niya.
"Ay sandali. Tumatawag yung professor ko importante to. Sagutin o muna."
"Sige." Sabi ko.
Kapag sinabi ko ba kay Cassy ang totoo magiging okay ang lahat?
("Wag kang magdedesisyon ng hindi mo kinukonsulta kay Sally.")
Naalala kong payo sa akin ni Joey.
"Tama. Kailangan ko muna siyang makausap bago ang lahat." Sabi ko.
"Pasensya na Yohann. So, sino yung lalaki?" Tanong ulet ni Cassy pagbalik.
"Hindi ko kilala." Sagot ko.
"Hindi? Pero bakit kanina may sinasabi ka?"
"Wala lang yun.wag mong isipin." Sagot ko.
"Okay. Pero kailangan ko talagang malaman kung sino siya."
"Kung gusto mong malaman kung sino talaga siya.. sana.. magibg handa ka." Sabi ko bago umalis.
"Teka.. Yohann anong sinasabi mo?" Narinig kong sigaw ni Cassy pero di na ako lumingon.
Nagdiretso ako hanggang sa garden sa likod. Di pa ko nakakalapit ng makita ko doon si Sally na nakaupo.
Pagkakataon ko na ito para makausap siya.
"Yohann... anong ginagawa mo dito?" Halatang nagulat si Sally sa pagdating ko.
"Bakit? May sinasabi bang bawal ako dito?" Tanong ko rin.
"Wala akong sinabing ganun." Sagot niya.
"Alam ko na ang totoo. Bakit hindi mo sakin sinabing buntis ka?"
Napatayo siya sa narinig.
"Sino nagsabi sayo? Si Cecil ba?" "Hindi na mahalaga kung sino ang nagsabi. Sagutin mo ang tanong ko." Tumayo rin ako.
"Ayokong pag usapan yan." Sabi niya.
Aalis na naman sana ito pero hinawakan ko siya sa wrist ng mahigpit.
"Yohann ano ba? Kapag narinig tayo ni Cassy ba--
"Natatakot ka na malaman ni Cassy ang totoo?"
"Kapatid ko si Cassy, ayaw ko siyang masaktan ng dahil lang sa nakaraan natin at dun sa walang kwentang gabi na yun."
"Walang kwenta? Ganun lang sayo yun? Napakaespesyal ng gabing yun para sa akin pero para sayo walang kwenta lang?" Ako.
"Yohann mahal ko ang kapatid ko ayaw ko siyang masaktan kaya please itigil mo na to." Tuluyan na siyang napaiyak.
"Ako Sally? Tingin mo ba di ako nasasaktan? Sa bawat pagsisinungaling mo, sa bawat araw na nakikita kitang kasama si Bryan hindi ko alam kung paano tatakasan ang sakit. Hirap na hirap na rin ako, pero dahil mahal kita kahit minsan hindi ko naisip sumuko kahit paulet ulet mong pinaparamdam sakin na wala na talaga akong halaga sayo."
"Kalimutan mo na ako Yohann." Sabi niya.
"Kalimutan? Bakit? Ganun ba kadali?" Hinila ko siya at hinarap sakin.
"Sabihin mo, hindi mo na ba ako mahal?" Tanong ko sa kanya.
Lalo lang bumilis ang pagtagas ng kanyang mga luha.
"Sagutin mo ako Sally." Sabi ko.
Umiling iling siya at napatungo. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.
"Hindi Yohann. Mali ito. Mali." Hagulgol siya.
"Anong mali?" Tinanggal ko ang kamay ko sa pisngi niya.
"Mahal pa rin kita."
Halos tumalon ang puso ko ng madinig ang sinabi niya. Hindi agad ako nakagalaw.
"To-totoo ba ang sinabi mo?"
Inangat ko ang mukha niya. Tumango siya. Sa sobrang saya ko agad ko siyang niyakap at hinalikan.
"Salamat Sally. Salamat. Yun lang ang gustoong madinig sayo. Salamat." Niyakap ko siya ng mahigpit ganun din siya sakin.
"Pero mali ito Yohann."
Bumitaw ako.
"Anong mali? Mali bang magmahalan tayo?"
"Yohann paano ang kapatid ko? Pinangakuan mo na siya ng kasal?" Siya.
"Nasabi ko yun dahil sa sobrang sama ng loob ko sayo pero wala akong balak na pakasalan siya. Alam mong ikaw ang gusto ko?" Sabi ko.
"Bakit mo ginawa yun?
"Im sorry. Nadala lang ako ng galit ko." Sabi ko.
"Kahit ano pang dahilan mo kailangan mong pakasalan ang kapatid ko." Sabi niya.
"Paano ang anak natin?" Tanong ko.
"Nagpasya na akong magpakasal kay Bryan kaya hindi mo na kailangang mag alala." Sagot niya.
"Si Bryan? Paano ako? Anak ko ang dinadala mo tingin mo ganun lang kadali para sakin ang makitang iba ang kinikilalang ama ng anak ko? Matitiis mo ba yun?" Tanong ko.
"oo. Kung para sa kapatid ko, kaya kung magsakripisyo." Sagot niya.
Hindi ko napigilang hindi umiyak.
"Yunba talaga ang gusto mo?" Tanong ko.
matagal tagal din bago siya nakasagot.
"Oo." Umiiyakpa din siya.
"Sana hindi mo pagsisihan ang naging desisyon mo. Kung jan ka magiging masaya ikaw ang bahala." Sabi ko at umalis na. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin.

At Sally's mind..
Matapos niya akong tanungin kung yun ba talaga ang gusto at magsalita ng kunti ay umalis na siya.
Napaupo ako dahil nanginginig ang tuhod ko.
Alam na niya ang lahat. Alam niyang siya ang ama ng pinagbubuntis ko at alam na niyang hanggang ngayon ay mahal ko pa siya.
Sinaktan ko ang lalaking mahal ko, sinaktan ko siya ng sobra. Patawarin mo ako Yohann, isa lang talaga ang gusto ko ang maging masaya ang kapatid ko. Wala ng iba.
"I'm sorry."
Hindi ko alam kung anong oras na, pero di pa din ako nakakatulog. Iyak lang ako iyak buong magdamag. Di mawala sa gunita ko ang mukha niya noong sinabi kong mahal ko siya, ang kanyang yakap at mga halik. Para akong nanlalambot sa tuwing makikita ko siya lalo na kapag hinahawakan niya ako.
"Mahal ko, patawarin mo ako. Kung alam mo lang kung gaano ko ginusto at pinangarap na makasama ka hanggang pagtanda ko. Ikaw lang at wala ng ibang lalaki ang minahal ko. Ikaw lang Yohann."
Habang hawak ko ang litrato niya na matagal ko nang iniingatan simula pa noong maging magboyfriend 'girlfriend kami.
Pero ngayon, kelangan na kitang bitiwan, pakawalan at kalimutan para matanggap ko na kayo ni Cassy ang para sa isa't isa.

Sister's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon