"Mace hurry up! you're going to be late"
tawag ni kuya mazer niya mula sa ibaba at nkatingala sa kanilang mahabang hagdan na kanina pa naghihintay sa pagbaba ng kanyang kapatid.
"Im coming kuya! sagot naman ni macelyn mula sa kanyang kwarto, sinukbit na niya sa likod ang kanyang maliit na backpack pagkatapos ng mahabang oras niyang pagaayos. Nagmamadali na siyang bumaba dahil tiyak nakakunot na naman ang noo ng kanyang kuya dahil pinaghintay na naman niya ito ng matagal. Nasa 4th year college na siya at HRM ang kanyang kurso dahil hilig nito ang pagluluto, namana niya kasi ito sa kanyang namayapang ina.
Nakita ni mazer ang pagmamadaling pagbaba ng kanyang kapatid at sinaway niya agad ito. Pero huli na dahil nakababa na ito at nakalapit na sa kanya
"Macelyn Brilliantes, please be careful when you go down! alam mo namang bawal sayo ang mapagod! alam ni macelyn na galit na ang kuya niya dahil tinawag siya nito ng buong pangalan. Ganun ang kanyang kuya kapag nagagalit tinatawag siya nito sa buong pangalan.
"Hello kuya! hindi naman masyadong nakakapagod ang pagbaba ng hagdan, ang OA naman nito, sabay irap nito at nakapamewang naman ang kanyang kuya. Sa halip na magsalita pa ang kuya niya, lumapit kaagad si macelyn dito at niyakap niya ito.
"Happy birthday kuya" buong pagmamahal na bati niya. Niyakap din siya ni mazer pabalik.
"Thank you baby girl, and I'm sorry, alam mo namang iniingatan lang kita. Hinalikan nito ang kanyang buhok at kumalas sa pagkakayakap.
"Ikaw na lang ang meron ako, and this is also the day that our parents died" malungkot na wika ni mazer na nakatitig sa kanyang kapatid.
"I know kuya, saka wala kang dapat ikatakot kasi hindi naman kita iiwan at isa pa, magaling na ko di ba? napatango naman si mazer at sabay ngiti nito sa kanyang kapatid.
"Promise hmmm"?
"Promise kuya, itinaas pa nito ang kanyang kamay na parang nanunumpa,
"pero ipangako mo din kuya na hindi mo na ko tatawaging baby girl" sabay nguso nito dito.
"I can't promise you that" wika nitong nakangisi.
"Hindi na ko bata kuya okay? 21 years old na ko hello!
"But your always be my baby girl" saka ginulo nito ang kanyang buhok.
"Alam mo kuya kaya wala ding nanliligaw sa'kin eh kase tinatawag mo ko laging baby girl tapos yung iba akala pa nila boyfriend kita kasi lagi mo ko hinahatid at sinusundo" pagrereklamong sabi niya dito.
"E d maganda para hindi na lumala yang sakit mo, natatawang sabi naman ni mazer.
"Ewan ko sayo kuya abnormal ka! Aalis na sana sila ng tawagin ni nana lumen si macelyn.
"macelyn hija" ang baon mo, makakalimutan mo pa, bitbit ni nana lumen ang hinanda niyang baon para sa dalaga at iniabot dito.
"Salamat po nana lumen,
"Nandyan na din ang mga gamot mo at vitamins mo nilagyan ko na din kung anong oras mo iinumin wag na wag mong kakalimutan ha hija? saglit na natahimik si macelyn at yumuko, napansin ni mazer na humihikbi na ito kaya bigla siyang nagalala sa kanyang kapatid.
"Hey baby girl are you okay"? nag-angat siya ng tingin at niyakap nito ng mahigpit si nana lumen.
"Salamat po nana lumen" salamat kasi nandito ka pa din kasama namin ni kuya at hindi mo kami pinabayaan. Pagkasabi non ay kumalas si nana lumen sa pagkakayakap ni macelyn at pinunasan naman ang kanyang mga luha.
"Hija para ko na kayong anak ni kuya mazer mo, ako na ang nagpalaki sa inyo kaya nga hindi na ako nakapag asawa kasi hindi ko kayo kayang iwan napamahal na kayo sa akin. Ngumiti naman si nana lumen kay macelyn at mazer na naluluha na din.
"O siya sige na umalis na kayong dalawa at baka mahuli pa kayo sa eskwela at trabaho. "Siya nga pala mazer happy birthday" at death anniversary din pala ng inyong mga magulang, malungkot na bati ni nana lumen. Ngumiti naman ng mapait si mazer. "Thank you nana lumen"
"Umuwe kayo ng maaga at sabay sabay tayong maghapunan okay?
"Sige po nana lumen, dadaan po muna kami ni macelyn sa sementeryo mamaya, tumango lamang si nana lumen,. Pagkuway umalis na din si macelyn at mazer.Nasa library ako at gumagawa ng reviewer dahil malapit na ang aming exam. Abala ako sa aking pagsusulat ng may bumungad sa harap ko na isang white rose, kilala ko kung sino ang nagbigay nito, inangat ko ang aking tingin para sulyapan siya, isang nakangiting JK ang nakita ko at umupo siya sa aking tabi. Si JK ang aking bestfriend, magkaibigan na kami since high school at kilala na namin ang isat isa, pati ang sakit ko alam din niya kaya todo alaga din siya sakin. Ang daming mga naiingit kasi naman halos hindi na kami mapaghiwalay at yung mga admirers niya palagi na lang masama kung makatingin sa"kin. Ang gwapo ba naman niya kasi kaya halos ata lahat ng babae dito sa campus may gusto sa kanya. Ako lang ata ang hindi nagkagusto sa kanya kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya, Ewan ko ba abnormal na ata tong puso ko kung bakit hindi ko siya magustuhan bilang isang lalaki. Mahal ko siya pero bilang isang kaibigan lang. "Salamat dito. ah"
"Hindi ka ba busy? tinuloy ko ulit ang aking pagsusulat pagkasabi ko non.
Nakatingin lang siya sa 'kin at hindi sinagot ang tanong ko sa kanya. Sinulyapan ko ulit siya, nang hindi siya sumasagot pinisil ko ang kanyang ilong para itigil niya ang pagtitig sa'kin.
"Kung ice cream lang ako kanina pa ko natunaw" nakangiting biro ko sa kanya at hinimas ang kanyang ilong na pinisil ko.
"Ang ganda mo kasi kaya hindi ko mapigilang hindi ka tignan"
"Tseee"!! matagal ko ng alam yun! Inlab na inlab ka na naman sa'kin! biro ko sa kanya na natatawa pa, at biglang nahinto ang aking pagsusulat ng magsalita ulit siya
"Oo matagal na kong in love sayo, hindi mo lang napapansin" Unti unti akong napatingin sa kanya, nakita ko sa mata niya ang pagkaseryoso. Napakurap kurap ako at hindi ko malaman ang aking isasagot sa kanya. Hindi nagtagal bigla siyang natawa ng mahina at kinurot ang dalawang pisngi ko, "Ang cute cute mo talagang lokohin" pinalo ko naman siya sa kaliwang braso niya at inirapan siya.
"Pano nga kaya kung totoong inlove ako sayo"? nakahalumbaba siya at nakangiting nakatitig sa 'kin.
"Kung totoo man yan marami ng galit sa'kin, ngayon pa nga lang mas mamamatay ata ko sa mga masasamang tingin ng mga admirers mo kaysa sa sakit ko" naiiling kong sabi sa kanya habang nililigpit ko na ang mga gamit ko.
"Tss! wala akong type ni isa kanila mukha kaya silang clown sa kapal ng make up nila, saka ang iigsi ng mga palda parang gusto magpasilip, sana nagpanty na lang sila" nakasimangot naman niyang sabi at ako naman ay natatawa habang sinasabi niya yon.
"Siyanga pala JK punta ka mamaya sa bahay birthday kasi ni kuya at death anniversary nina mama at papa" malungkot kong wika kay JK napansin naman niya ito at hinawakan ang kanang kamay ko na nakapatong sa mesa.
"Wag ka ng malungkot, kung nasan man sila ngayon tiyak masaya na sila kasi nakikita nilang bumubuti na ang lagay mo. At isa pa andyan si kuya mazer at nana lumen at higit sa lahat andito ako, hindi ka namin iiwan tandaan mo yan"
"Salamat JK ah, noon hanggang ngayon nasa tabi kita palagi" Seryoso kong sabi sa kanya at niyakap ko siya na ikinagulat naman niya. Niyakap naman niya ko pabalik.
"Ang sarap mo talagang yakapin" bigla ko na lang siyang naitulak pagkasabi nyang yon.
"ikaw ah"! duro ko sa kanya
"Bakit ako? ikaw nga tong tsansing sa kin eh! nakangising sabi ni JK
"ewan ko sayo JK! dyan ka na nga! tumayo na ko at naglakad palabas ng library, sumunod na rin siya sa akin at inakbayan ako, "Eto naman binibiro ka lang eh" Wag ka na magalit libre na lang kita" nagningning kagad ang aking mga mata at tinignan siya.
"Call" Nangingiti kong wika. At nagpunta kami sa aming paboritong kainan.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU DOCTOR (SELF PUBLISHED UNDER KPUB PH)
RomanceSi Macelyn Brilliantes ay isang college student na maiinlove sa isang doctor na sa unang kita pa lang niya ay tumibok na kaagad ang kan'yang puso. Hanggang sa pansamantala namang nagturo si Doctor Marco sa Southville University kung saan nag-aaral s...