CHAPTER 16

182 1 0
                                    

Dalawang linggo na ang nakalipas nang umalis na si Doctor Marco sa school at bumalik na sa ospital. Hindi na muna ako pumasok ng mga araw na ‘yon dahil ilang araw akong hindi pinapasok ni kuya para makapagpahinga raw muna ako. Pinilit kong hindi malungkot dahil ayokong makita nila kuya at Jk, alam kong mag-aalala na naman sila sa'kin. Nabalitaan ko naman kay Mary na hinahanap raw ko ni Doc Marco, hindi naman daw sinabi sa kan’ya kung bakit.

Napasinghap ako ng bigla akong akbayan ni Jk, kasalukuyang malalim ang iniisip ko at mag-isa lang ako rito sa malawak na field at nakaupo. Hindi kasi kami magkapareho ng schedule ni Mary sa ibang subject.

"Parang ang lalim yata ng iniisip mo?” nakangiting sabi ni Jk.  

"Iniisip ko kung paano ka magkaka- girlfriend kung parati ako ang kasama mo!” biro ko sa kan’ya

"Pag nag-kagirlfriend ako kawawa ka naman kasi maa-out of place ka at baka mainggit ka pa sa kasweetan namin,” sabay tawa na mapang-asar.

"Excuse me hindi noh! bakit kasi ayaw mong magka-girlfriend?”

"May mahal na iba ‘yong gusto ko," sabay irap naman niya sa'kin napamulagat ako sa narinig ko sa kan’ya hindi ako makapaniwala na meron pala siyang nagustuhan kaso may iba namang gusto. Bigla naman akong nalungkot. Parang ako lang, gusto ko si Doctor Marco pero hindi ako gusto. Napakagat labi ako para pigilan ang nagbabadyang luha ko.

"Natahimik ka bigla?” siko niya sa'kin na ikinabigla ko naman.

"Sino ‘yong tangang babae na ‘yon? kung tutuusin nga ang swerte-swerte niya sa’yo eh! Hindi ka lang sobrang g’wapo, sobrang bait mo pa!”

"Wow nambola ka pa ha!”

"Totoo naman eh!”

"Tsss! yaan mo na siya, basta masaya siya masaya na rin ako.” Kitang-kita ko ang lungkot sa kan’yang mga mata, nasasaktan din ako para sa bestfriend ko. Pareho pala kaming nasasaktan.

"H’wag kang mag-alala ayos lang ako"

"Are you sure?”

"Oo! basta dito ka lang sa tabi ko magiging maayos na ko”

"Sus corny mo!” sabay kurot ko sa kan’yang tagiliran na ikinangiwi naman niya.

"Mace hindi pala kita maihahatid may kailangan kasi kaming ipasang project deadline na bukas need na namin tapusin”

"Okay lang Jk magtataxi na lang ako pauwe"

"Sigurado ka ba? tawagan ko si kuya Mazer para sunduin ka"

"Ano ka ba! para naman akong bata niyan na hindi marunong umuwi eh!” kunwaring naiinis ako at tinawanan ko naman siya.

"Okay sige basta tawagan mo ‘ko kaagad kapag nakauwi ka na ha?”

"Oo na po!” nagkatawanan kaming dalawa.

"Naku naman bakit ngayon pa umulan? wala pa naman akong dalang payong,” reklamo ko habang nakasilong ako rito sa may waiting shed at naghihintay ng masasakyang taxi. Kanina pa ‘ko nag-aabang pero wala akong masakyan at medyo basa na rin ang suot kong uniporme dahil sa ampiyas at lakas ng hangin. Napapadyak na lang ako sa inis baka abutin pa ‘ko ng siyam-siyam kapag hindi pa ko nakasakay. Napansin kong may tumigil na sasakyan sa aking harapan. Parang pamilyar, pero ipinagkibit balikat ko na lang. Maya-maya pa ay lumabas ang nakasakay doon, hindi ko makilala kasi natatakpan. ‘yon ng dala niyang payong. Nang nasa tapat ‘ko na ay do’n ko lamang siya nasulyapan at nakilala.

"D-doc Marco?! a-ano pong ginagawa niyo d-dito?”

"Ako dapat ang magtanong sa’yo niyan? bakit hindi ka pa umuuwi? Wala ka bang sundo?”

I LOVE YOU DOCTOR (SELF PUBLISHED UNDER KPUB PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon