"W-what?! sa Condo ka ni Doc Marco natulog?” Si Jk na gulat na gulat akong tinitigan, nandito kami ngayon sa gym kakatapos lang nila magbasketball. Napatigil sa pagpunas ng pawis si Jk at tinignan ako.
"Ah ano kasi eh... Huminga muna ako ng malalim at kinuwento sa kan’ya kung paano ako napunta sa Condo ni Doc Marco.
"Nagtabi kayo?” muntik ko na maibuga ang tubig na iniinom ko dahil sa tanong niya. Hindi ko p’wedeng sabihin sa kan’ya ang totoo nakakahiya baka kung ano pang isipin niya sa'kin.
"Hindi no! sa sala siya natulog," tumango lang siya. Naalala ko na naman ‘yong magkatabi kami matulog, at ‘yong mga narinig ko sa kan’ya kagabi.
"Kailan pala checkup mo?” pag-iiba niya.
"Sa susunod na araw"
"Gusto mo samahan kita?”
"H’wag na kaya ko naman saka may dadaanan din muna ko no'n"
"Okay sige daan na lang ako sa inyo kapag nakauwi ka na"
"Okay"
Palabas na ako ng gate ng school ng may tumawag sa'kin. Nilingon ko naman ito at nakita ang g’wapong Doctor, si Doctor Wallace. Pero anong ginagawa niya dito sa school?
"Ikaw pala Doc Wallace, anong ginagawa mo rito?” nakangiti kong bati sa kan’ya.
"May pinakuha lang sa'kin si Marco sa faculty may naiwan daw kasi siya eh"
"Ah!” nasabi ko na lang.
"Kung hinahanap mo siya, may surgery siya ngayon kaya hindi siya ang pumunta rito," He chuckled.
"Hindi ko naman siya hinahanap eh," nakanguso kong sabi.
"Pero ‘yon ang napapansin ko," I cleared my throat
"Pauwi ka na?”
"ah oo”
"Halika na hatid na kita"
"Ha? ay hindi na Doc Wallace nakakahiya magtataxi na lang ako," nahihiya kong baling sa kan’ya.
"Ano ka ba Macelyn okay lang, saka magkaibigan na naman tayo eh," napakamot naman siya sa kan’yang batok.
"Ah s-sige." Pinagbuksan niya ‘ko ng pinto ng kotse niya at malumanay na isinara nang makapasok na ‘ko. Dumeretso na rin siya sa driver seat.
"Kumusta si Marco noong nagtuturo pa siya sa Southville?” sinulyapan niya muna ‘ko saglit saka ibinaling ulit ang tingin sa kalsada.
"O-okay naman gano’n pa rin suplado," nangiti naman ako.
"Naku gano'n talaga yon! laging seryoso”
"Aahm, Doc Wallace p’wede magtanong?”
"Sure what is it?” Kinagat ko muna ang ibabang labi ko bago nagsalita.
"M-mahal pa rin ba niya yung f-first love niya?” nahihiya kong tanong sa kan’ya. Pumikit ako nang mariin sa sobrang hiya, baka isipin pa ni Doc Wallace sobra akong obsses kay Doc Marco.
"Actually matagal na niya hinahanap ‘yon, kaya nga kahit anong pilit ni Kristine na magbalikan silang dalawa ayaw niya kasi umaasa pa rin siya sa first love niya.” Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Siguro wala na talaga akong pag-asa sa kan’ya, kailangan ko na yata siyang kalimutan pati itong nararamdaman ko.
"Pero parang ngayon nakaka-move on na siya, kasi dati halos lagi ‘yon nagpupunta sa park kung saan niya unang nakita ‘yong first love niya, ngayon wala na, hindi na siya pumupunta don"
![](https://img.wattpad.com/cover/268041548-288-k81794.jpg)
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU DOCTOR (SELF PUBLISHED UNDER KPUB PH)
Любовные романыSi Macelyn Brilliantes ay isang college student na maiinlove sa isang doctor na sa unang kita pa lang niya ay tumibok na kaagad ang kan'yang puso. Hanggang sa pansamantala namang nagturo si Doctor Marco sa Southville University kung saan nag-aaral s...