CHAPTER 31

173 2 0
                                    

Hi kuya Mazer! I'm sorry if I really have to do this, alam kong hindi ito tama. Pero hindi rin tama na iwanan mo si Macelyn. Narinig ko ang pag-uusap niyo ni Doctor Marco, pupuntahan ko sana si Mace dahil nabalitaan ko ang nangyari sa kan'ya. Hindi ko hahayaang mawala ka sa piling ni Macelyn. Mas lalo siyang masasaktan at ayoko makita siyang nagdudusa dahil nawala ang kaisa- isa niyang kapatid. Kuya Mazer salamat sa lahat. Nang dahil sa'yo nagkaroon ulit ako ng pamilya. Ikaw, si Macelyn at Nana Lumen. Kayo ang nagsilbing pamilya ko sa mahabang panahon. Naging masaya ako kasi kahit wala akong magulang at may sari-sarili na silang pamilya hindi niyo ako pinabayaan. Napaka-swerte ni Macelyn kasi napaka-mapagmahal mong kuya. Ikaw ang tumayong magulang niya. Alam kong nangako ako kay Mace na hindi ko siya iiwan at sa tabi niya lang ako. Pero mukhang hindi na matutupad 'yon. Kahit na ganoon ang nangyari mananatili naman akong nasa puso niya parang iisa na rin kami. Kuya Mazer pakiusap ko sana sa'yo na sabhin mo ang tungkol sa'kin kapag magaling na magaling na siya. Hinding-hindi ko kayo makakalimutan, ang masarap na luto ni Nana Lumen sa tuwing dadalaw ako sa inyo ang malakas mong tawa kapag nag-aasaran tayo pati na rin ang paglalambing sa'kin ni Macelyn. Ang huling hiling ko sana sa'yo kuya i-cremate mo ako at iuwi sa Pilipinas kapag nasabi mo na kay Macelyn ang tungkol sa'kin. At 'yong regalo ko sa kan'ya pag naka-graduate na siya nasa apartment ko nilagay ko siya sa side table ko. Ikaw na ang bahala magbigay kuya. Maraming maraming salamat sa lahat! And I'm sorry!

Parehong tulala kami ni Nana Lumen ngayon. Hindi namin alam kung paano sasabihin kay Macelyn kapag hinanap na niya ang kan'yang kaibigan. At lalong-lalo na kapag nalaman niyang si Jk pala ang donor niya. Alam kong sisisihin niya ang kan'yang sarili. Successful nga ang operasyon ni Macelyn, ang kapalit naman ay buhay ng mahalagang tao sa kan'ya. Alam ko naman noong una pa lang ay mahal na niya ang kapatid ko, pero ni minsan ay hindi niya pinagpilitan ang kan'yang sarili kay Macelyn. Bagkus ay nanatili ito sa kan'yang tabi, naging mabuting kaibigan ito sa kan'ya. Napabuntong hininga na lang ako at hindi ko na naman mapigilan ang hindi maiyak. Para ko na ring kapatid si Jk napaka-bait niyang bata. Hindi ko akalain na gagawin niya ito kay Macelyn. Gano'n ba niya kamahal ang kapatid ko kaya pati buhay niya ibinigay niya dito. Nasa private room na si Macelyn at hinihintay na lang namin itong magising. Tiyak magtatanong ito kay Jk at hahanapin niya ang kan'yang kaibigan. Sa ngayon kailangan ko munang magsinungaling sa kan'ya hangga't hindi pa siya tuluyang nakakarecover.

"Nana Lumen sa susunod na b'wan po uuwi muna ako ng Pilipinas para sa trabaho ko, hindi ko p'wedeng pabayaan ang kumpanya ni dad," sabi ko kay Nana Lumen habang nakaupo kami sa magkabilang kama ni Macelyn.

"Sige hijo ako na muna ang bahala kay Mace, saka magpahinga ka rin ilang araw ka ng wala masyadong tulog baka ikaw naman ang magkasakit niyan," may himig na pag- aalalang turan ni Nana Lumen.

"Don't worry Nana Lumen okay lang po ako. Saka dito po muna kayo aasikasuhin ko lang 'yong pag- cremate kay... Jk," hindi ko masabi ng maigi ang pangalan niya dahil sa tuwing maaalala siya naguiguilty ako at nasasaktan ako. Hindi ako makahinga sa tuwing iisipin ko ang ginawa niya para sa aking kapatid. Nagsisimula na namang magtubig ang aking mga mata at ganoon din si Nana Lumen.

"Hijo kung nasaan man siya ngayon masaya na siya, hindi naman siya nawala dahil nasa puso lang siya ni Macelyn at mananatili siyang tumitibok do'n" Niyakap naman ako ni Nana Lumen at hindi na namin mapigilan ang umiyak.

Naicremate na si Jk tulad nang sabi niya. Bitbit ko ang kan'yang sisidlan at mabibigat ang aking bawat hakbang. Huminto muna 'ko saglit at tinignan ito. Hinimas ko ito dahan-dahan at muling niyakap.

"Jk salamat! salamat sa lahat, alam ko huli na para sabihin ko pa 'to sa'yo, salamat sa pag-aalaga mo kay Macelyn at sa pagmamahal mo sa kan'ya. Hinding-hindi ka namin makakalimutan. Nasabi ko nalang habang yakap-yakap ang kan'yang sisidlan.

Kinabukasan, natutulog ako sa tabi ng kama ni Macelyn at nakayukyok nang maramdaman kong may humahaplos sa aking buhok. Naalimpungatan ako at unti-unting nag-angat ng mukha. Nakita ko ang maamong mukha ng aking kapatid na pilit ngumingiti sa'kin. Napabalikwas akong bigla at hinawakan siya sa kamay.

"B-baby girl you're awake! thanks god." Hinalikan ko naman ang kan'yang noo.

"Teka tatawagin ko ang doctor." Ngunit pinigilan niya ako, hinawakan nito ang aking kamay.

"Anong pakiramdam mo?"

"K-kuya, nasaan tayo?" mahina niyang wika. Hindi pa siya gaanong makapagsalita nang maayos

"Nasa ospital tayo Mace, successful ang operasyon sa'yo"

"T-talaga kuya?" tumango lamang ako sa kan'ya.

"Magpalakas ka baby girl para makauwi na tayo sa Pilipinas." Sabi ko habang nakaupo ako sa upuan na katabi ng kama niya at hinihimas ang kan'yang kamay.

"Nasaan tayo kuya?" Takang tanong ni Macelyn.

"Nasa States tayo, dinala kita dito para dito isagawa ang heart transplant mo." Saglit kaming natahimik at muli kong naalala si Marco hindi ko pa pala nasabi sa kan'ya na okay na si Mace at 'yong kay Jk ipapaliwanag ko na lang sa kan'ya kapag nakauwi na 'ko ng Pilipinas.

"Si Marco pala hindi ko pa natatawagan para malaman niya na okay ka na, sobra na siyang nag-aalala sayo." Tinitigan lang niya 'ko at umiwas nang tingin. Iba ang pakiramdam ko parang may problema pero hindi ko na muna siya tatanungin.

"Si Nana Lumen kuya?" Akala ko ang una niyang hahanapin si Marco since binanggit ko siya sa kan'ya.

"Umuwi muna siya sa Condo na tutuluyan natin. Pinagpahinga ko muna siya," tumango siya at ngumiti. Maya-maya ay nagring ang aking cellphone, nakita kong si Marco ang tumatawag. Sinulyapan ko muna si Macelyn at nakatingin din siya sa'kin. Sinagot ko ang tawag ng hindi inaalis ang tingin sa kan'ya.

"Hello Doc Marco." Nakita ko ang gulat sa mga mata ng aking kapatid. Kaya naman nag-iwas siya nang tingin sa'kin.

"Hello Mazer, how is she?"

"She's fine, at gising na rin siya." Mariing pumikit si Macelyn at muling tumingin sa'kin.

"Talaga? mabuti naman, can I talk to her?" Saglit muna 'ko natahimik at hindi alam ang sasabihin sa kan'ya alam kong may problema, hahayaan ko muna si Macelyn hangga't hindi pa siya tuluyang nakakarecover.

"Mazer?"

"Ah, I-i'm sorry, hindi pa kasi siya gaano makapagsalita eh. Kaya hindi ka pa niya gaano makakausap"

"Ganon ba?" ramdam ko ang lungkot sa kan'yang boses.

"Don't worry kapag medyo okay na siya patatawagin ko siya sa'yo," Bawi ko naman sa kan'ya.

"Sige Mazer, pakisabi na rin sa kan"ya na miss na miss ko na siya." Pagkatapos nang tawag naming 'yon ay sinulyapan ko si Macelyn na walang emosyon. Parang hindi siya naexcite noong kausap ko si Marco.

"Mace I know may hindi kayo pagkakaunawaan ni Marco pero sana kausapin mo siya dahil isa siya sa mga nag-alala sa'yo"

"Kuya saka na natin siya pag-usapan," malungkot niyang wika sa'kin.

"Sige baby girl magpahinga ka na muna," tumango lang siya at muling pumikit.

I LOVE YOU DOCTOR (SELF PUBLISHED UNDER KPUB PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon