CHAPTER 7

227 5 0
                                    

"hoy nakita niyo ba bagong prof sa medical building? my gosh! ang hot!
"oo nga! balita ko dati daw nag-aaral yon dito.
"Tara tignan natin dali!
Mga naririnig kong usap usapan ng mga estudyante dito sa loob ng campus. Yung iba pa nakikita kong panay pahid ng mapupulang lipstick sa kanilang mga labi. "Anong meron"? tanong ko sa isang. estudyante ng makasalubong ko sa hallway.
"May gwapong prof daw sa med. building kaya ayon nag-uunahan sila papunta don para makita lang.
"Talaga"? curious man pero hindi na ko nag-abala pang tignan kasi mag-sisimula na ang unang klase ko. "gwapo daw? tsss! baka mas gwapo pa don si doc marco" bigla naman akong namula nang maisip ko si doc marco.
"Good morning students! I'm Doctor Marco Mendez, and im your temporary prof ni biophysics for 1 month.
"Good morning doctor marco! masayang Bati ng mga estudyante, mas marami ang mga estudyante ngayon sa klase niya at karamihan ay panay babae. Napansin naman yon ni marco kung kaya't gumawa siya ng paraan para masiguro na estudyante ang iba don. Dahil ang pagkakasabi sa kanya ni doctor galvez ay 20 students lang ang bilang ng estudyante sa klase niya, kaya nagtaka siya bakit sobra sa bente ang estudyante na naroroon.
"When I call your name please stand up okay? para alam ko na isa kayo sa mga estudyante dito sa klase ko."when I didn't call your name it means you're not belong in this class, so you better leave! istriktong wika niya sa mga estudyante, dahil sa sinabing yon ni marco dali daling lumabas ang iba at hindi na hinayang magtawag pa siya. Pagkatapos lumabas ng iba ay nag-attendance na siya kaagad.

"Hi mace! tara sa canteen! yaya ni JK sa'kin pagkalabas ko sa aking classroom. Kakatapos lang ng klase ko at pinuntahan niya ko dito sa aming building. Magkaiba kami ng course minsan hindi kami nagkakasabay ng breaktime kaya ibang kaibigan ko ang kasama ko kapag wala siya. He's an engineering student, medyo malayo ang building niya sa'min pero matyaga pa rin niya kong pinupuntahan kapag libre siya.
"wala ka na bang klase? tanong ko habang naglalakad kami papunta canteen na siya din namang nakaakbay sa'kin.
"Mamaya pa naman, bakit ayaw mo na ba ko kasabay? nagtatampong wika sa'kin ni JK na nakanguso pa.
"Ano ka ba! wala naman akong sinasabi tinatanong ko lang naman" sabay irap ko dito. "Nga pla JK meron daw bagong prof sa med building? ang pogi daw! kinikilig kong sabi.
"Kelan ka pa naging interesado sa pogi?
ako nga hindi umobra sayo eh" natahimik ako sandali sa kanyang sinabi at binalingan siya.
"Nagwapuhan naman ako sayo noon ah!
"Pero never mo ko naging crush! Natameme akong bigla, totoo naman kasi ang sinabi niyang yon. Nagwapuhan naman talaga ako sa kanya noong una ko siyang makilala nung high school kami pero never ko siya naging crush.
Pumipili kami ni JK ng oorderin namin habang hawak niya ang isang kamay ko, wala namang malisya ang ginagawa namin na yon kasi simula pa lang noon ay ganon na kami akala pa ng iba ay magkasintahan kami dahil sobra daw kaming sweet. Tapos na kami umorder at uupo na sana kami sa aming mesa ng mapansin ko ang katabing mesa namin sa kanan. Nagulat ako ng makilala siya, at nanlaki din ang kanyang mga mata sa gulat ng mapadako ang tingin niya sa'kin.
"Doctor marco"?!! Napatingin din si JK sa kanya na tila may pagtataka.
"You're a student here? Bungad ni marco na nakataas ang isang kilay. Don ko lang din napansin ang kasama niya, maganda ito at maputi maikli ang buhok at balingkinitan ang katawan.
"ah yes po doc marco" so, ikaw pala yung sinasabi ng mga estudyante na bagong prof?
"Yes! tipid niyang sagot.
"But just for a month only" hindi din ako magtatagal dito.
"Good! hindi ko na need pumunta ng ospital para makita ka! prangkang sabi ko na ikinagulat nilang lahat. Tumikhim muna si marco bago ulit nagsalita.
"Will you please eat first?
"Ah s-sorry" nangingiti kong sabi. "haaay! kahit kailan talaga napaka sungit. Kailan ko kaya siya makikitang ngumiti man lang sa'kin?

"Kumusta ang first day bro"? bungad sa'kin ni wallace pagkauwi ko ng bahay at nasa salas kasama ang aking ama.
"Okay lang, hindi naman ganon kahirap magturo" sabay pabagsak kong upo sa couch.
"maraming chicks"? tinitigan ko naman ito ng matalim at mukhang nagpipigil naman siya ng tawa.
"Siya nga pala hijo pumunta kanina dito si kristine at hinahanap ka, sabi ko nagtuturo ka muna sa southville university, sabay higop naman nito ng kape.
"Why did you tell her dad"?
"Hijo she wants to make up to you"
"We're done already"
"because tito she loves someone else"! sabat naman ni wallace na ikinahilot ng sintido ko. Mainis man ako sa kanya wala namang saysay dahil hindi ko naman mapipigilan ang kanyang kadaldalan.
"Really hijo"? But___
"Dad I'm tired I just want to rest" putol ko sa anumang sasabihin pa niya, alam kong ipipilit na naman niya sa'kin si kristine. Umakyat na ko sa aking kwarto hinubad ko ang suot kong long sleeve at pantalon, at pumasok sa banyo para maligo. Kakatapos ko lang din maligo at tinutuyo ko ang aking buhok ng tuwalya ng may biglang kumatok. Pinagbuksan ko ito at bumungad si Wallace, pumasok naman kaagad ito sa loob at naupo sa gilid ng aking kama.
"Bat hindi ka pa umuuwi? duty ka pa bukas di ba? patuloy pa rin ang pagpatuyo ko ng aking buhok.
"Tito cedric wants me to convince you"
"Convince what? tanong ko kay wallace na alam ko na ang ibig niyang ipahiwatig.
"Gusto niyang makipagbalikan ka kay kristine" bumuntong hininga muna ko bago sumagot
"Why?
"Gusto ka na niya magsettle down at mabigyan daw siya ng apo. Nangingiti niyang sabi habang nakatitig sa'kin at tinitignan ang magiging reaksyon ko.
"Wala akong balak" umupo naman ako sa study table ko malapit sa aking kama.
"I know, saka sabi ko sa kanya hindi kita kayang pilitin. At sinabi ko na din sa kanya ang totoo. Nagulat naman ako sa sinabi niyang iyon at nagpatuloy pa rin siya sa kanyang pagsasalita.
"Alam mo naman si tito desperado ng magka apo" naiiling niyang sabi habang natatawa pa.
"Nagkita na naman ulit kami"
"who?
"That annoying girl" I smirked
"Really?! nanlaki pa ang mata niya sa gulat at tumayo sa harapan ko habang nakaupo ako sa aking study table.
"I knew it bro siya talaga ang susi mo"
"Shut up wallace"! saway ko sa kanya.
"Malay mo bro kasi lagi kayo pinagtatagpo"
"that was a coinsidence"
"Hindi ka ba nagtataka? Her name is Macelyn, hindi kaya siya na yong hinahanap mong Lyn? Matagal ko siyang tinitigan binabasa kung seryoso ba siya sa sinasabi niya.
"That's impossible wallace! ikaw na din ang nagsabi na maraming pangalang Lyn.
"Malay mo naman bro, pag siya nga yon___ I cut him off.
"Umuwi ka na nga! inaantok na ko, sabay tayo ko at tinutulak tulak ko na si wallace palabas ng aking kwarto, wala na siyang nagawa kundi magpadala. Nang makalabas na siya ng kwarto humiga na ako sa aking kama at saglit na nakatitig sa kisame. "what if she is?? bumuntong hininga ako sa isiping iyon at pumikit ng mariin. Kalaunay dinalaw na din ako ng antok.

I LOVE YOU DOCTOR (SELF PUBLISHED UNDER KPUB PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon