Papunta na ko sa parking lot ng eskwelahan para umuwi ng biglang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito mula sa aking bulsa. Si dad ang tumatawag, nagpakawala muna ko ng malalim na buntong hininga at saka ito sinagot.
"yes dad"?
"please be here at seven, let's have dinner together"
"okay dad"
pagkatapos namin mag-usap ay tinungo ko na ang aking sasakyan kung saan ito nakaparada. At mabilis akong umalis uuwi muna ko sa aking condo para makapagpalit ng damit.
Nakarating na ko sa bahay at pinarada ko ang aking sasakyan ng mapansin ko ang kotse ni wallace at isa pang pamilyar na sasakyan katabi nito. Pumasok na ko sa loob at dumeretso kaagad sa dining area, naabutan ko si Dad, wallace at si kristine na masayang nagkukwentuhan. Nagulat ako at hindi muna umupo, si kristine inimbitahan ni dad. "Kaya ba niyaya ako magdinner dito sa bahay". Ano na naman kaya ang binabalak ni dad?
"Umupo ka na marco" utos ni dad. Naupo ako sa katabi ni wallace, kaharap ko naman si kristine.
Tahimik kaming kumakain at tanging mga kubyertos lamang ang naririnig. Nang matapos na kami maghapunan ay nagsalita na si dad.
"Kristine hija, hindi ka na ba talaga babalik ng italy? uminom muna ng tubig si kristine bago nito sagutin.
"Yes po tito cedric, dito na po ako nagpalipat sa pilipinas tinapos ko lang po ang kontrata ko don".
"Good! dahil gusto ko sanang ayusin niyo na ang relasyon niyo ni marco.
"What!? baling ko sa aking ama na para bang balewala lang dito.
"Hijo, hindi ba kaya kayo naghiwalay na dalawa dahil malayo kayo sa isa't isa? nandito na si kristine magkakasama na ulit kau"
"You dont understand dad!
"You're the one who dont understand marco! Sigaw sa'kin ng aking ama na tila nawawalan na ng pasensya.
"You can't manipulate me anymore! tumayo na ko at maglalakad na sana ng muling magsalita ang aking ama.
"Parehong pareho kayo ng iyong ina!
"Wag mong idadamay ang mommy ko dito! don na tumayo si wallace para pigilan ako. Nanatili pa ding nakaupo ang aking ama at si kristine na hindi naaalis ang tingin sa'kin.
"Ikaw ang dahilan kung bakit umalis si mommy"! you doesn't care about her! you manipulate her like you did to me right now!
"How dare you say that to me! Saka na din tumayo ang aking ama para harapin ako. Ngumiti ako ng pilit.
"Masakit bang malaman ang katotohanan dad? Simula noong bata pa lang ako ikaw na ang nagdedesisyon para sa sarili ko. Naging doctor ako dahil sa kagustuhan mo! Lahat sinunod ko kahit ayaw ko. Kaya nga iniwan ka ni mommy di ba?
"Pero this time dad hindi mo na ko pwedeng kontrolin, pagkasabi kong yon ay lumabas na ko kasunod ko na si wallace. Naririnig ko pang tinawag ako ni kristine ngunit hindi ko na ito nilingon.
"Bro. sandali lang"! tawag sakin ni wallace nang nasa labas na kami.
"Alam mo ba to wallace"?
"Wala akong alam sa plano ni tito cedric pinatawagan lang niya sa'kin si kristine at pinapunta dito, wag ko daw sabihin sayo na pupunta siya".Bumuntong hininga ako at sinuklay ang aking buhok gamit ang aking mga daliri. Maya maya pa ay lumabas din si kristine at tinungo ang kinaroroonan namin.
"Sige bro maiwan ko na muna kayo" paalam ni wallace at bumalik ulit sa loob ng mansyon".
"Hindi ka pa ba napapagod ha? kristine baling ko sa kanya ng makaalis na si wallace.
"Ikaw marco hindi ka pa ba napapagod na hanapin siya!? Nangingilid na ang kanyang mga luha ng harapin ko siya.
"Nandito ako Marco! ako ang nagmamahal sayo!
"Gusto mong magkabalikan tayo pero wala na kong pagmamahal sayo ganon ba ang gusto mo? mahirap pilitin ang puso kristine,.
"Sa tingin mo ba pag nagkita kayo, at sinabi mong mahal mo siya, mahal ka din niya!? Natigilan ako sa sinabi niyang yon.
"Nagdecide ako na itigil na ang paghahanap sa kanya, tutal wala na rin namang pag-asang makita ko siya, pero hindi ibig sabihin ay kailangan na kitang balikan. Ayokong lokohin ang sarili ko kristine. Don na nagsimulang pumatak ang kanyang mga luha. Gusto ko siyang aluin pero hindi ko magawa, ayoko siyang saktan."Tara JK dito tayo maupo malapit kila doc marco para nakikita ko siya" Kasama ko si Jk dito sa auditorium dahil foundation day at may gaganaping program ngayon dito.
"Gusto mong makita si doc marco? ayon oh kasama si miss andrea! turo niya sa pamamagitan ng pagnguso. Nasa unahan sila nakapwesto at katapat lang namin sila kaya kita din sa pwesto namin kapag lilingon siya. kasama niya ang ilang mga faculty members, napaka gwapo niya sa suot niyang red polo shirt at faded jeans na tinernuhan ng white rubber shoes. Nawala ang pagkakangiti ko ng biglang humilig si miss andrea sa kanyang balikat at mukhang kilig na kilig pa. Hindi naman ito pinansin ni doc marco at hinayaan lang siya.
"Grabe makahilig akala mo naman jowa niya! tsansing lang yan eh! naiinis kong sabi habang nakatingin sa kanila.
"Bakit ka nagseselos? wala ka din namang karapatan kasi hindi ka din jowa! Pang-aasar naman sa'kin ni JK na kanina pa natatawa sa itsura ko. Pinagpapalo ko naman ang braso nito habang pinagtatawanan ako. Pagkaharap ko sa kanila nakita kong nakatitig sa gawi namin si doc marco. Nagkatitigan kami saglit at biglang tumingin siya sa ibang direksyo. "my gosh! ang mga tinging yon! kahit seryoso ang itsura napapabilis niya ang tibok ng puso ko, pano pa kaya kung higit don!? Nasabi ko na lang sa aking isipan. Nagsimula na ang program at ibat ibang department ay nagparticipate sa programang yon.
"And now we have a special number from HRM student! May we call on Miss Macelyn Brilliantes! tawag ng MC. Nagulat pa ko at hindi makatayo, "tama ba ang narinig ko? tinawag ang pangalan ko? Nang hindi pa ako tumatayo ay muli akong tinawag ng MC na nasa stage.
"Miss Macelyn Brilliantes are you here"?
"Ah y-yes po! sabay tayo ko sa aking kinauupuan. Napatingin naman ako kay doc marco na nakatingin din sa gawi namin.
"Goodluck mace! Pagkakataon mo na para maimpress si doctor marco! Wika naman ni JK sa'kin.
"Kantahin mo yung kinanta mo noong highschool tayo. Tumango lamang ako at pumunta na sa stage. Nangangatog ang aking mga tuhod ng umakyat dahil ngayon lang ulit ako kakanta pagkatapos kong maoperahan sa puso. Nahihiya ako dahil sa dami ding tao ang nanunuod iba't ibang department ang naroroon, at higit sa lahat nandito si doc marco at matamang nakatitig sa akin.
"Gooooo Mace!!!! sigaw ni JK na halatang inaalis lang ang kaba ko. Nagcheer na din ibang HRM students, st sinabi ko na din sa MC kung ano ang kakantahin ko, mahigpit ang pagkakahawak ko sa Mic hanggang sa narinig ko na ang intro ng aking kakantahin.From this moment life has begun
From this moment you are the one
Right beside you is where I belong
From this moment onFrom this moment, I have been blessed
I live only, for your happiness
And for your love, I give my last breath
From this moment onI give my hand to you with all my heart
I can't wait to live my life with you I can't wait to start
You and I will never be apart
My dreams came true because of youHabang kinakanta ko yon ay naaalala ko pa yung una ko siyang makita at una ding nagpabilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko masabi kung ano ang ibig sabihin non. Dahil siya lang ang unang nagpatibok nitong abnormal kong puso. Hanggang sa ilang beses ko na siya nakikita pero hindi pa din ngbabago ang tibok nito. Kaya dun ko na rin nakumpirma kung ano talaga ang nararamdaman ko. Nalove at first sight ako kay doc marco pero habang tumatagal ay patindi ng patindi ang nararamdaman ko para sa kanya.
From this moment, as long as I live
I will love you, I promise you this
There is nothing, I wouldn't give
From this moment onYou're the reason I believe in love
And you're the answer to my prayers from up aboveAll we need is just the two of us
My dreams came true because of you
From this moment, as long as I liveI will love you, I promise you this
There is nothing, I wouldn't give
From this moment, I will love you
As long as I live from this moment onNang matapos ko ang kanta ay nagsipalakpakan naman sila ng may kasamang hiyawan. Napasulyap akong muli sa kinaroroonan ni Doc marco, at nakita kong papalabas na siya ng auditorium kaya mabilis na din akong bumaba ng stage para sundan siya.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU DOCTOR (SELF PUBLISHED UNDER KPUB PH)
RomanceSi Macelyn Brilliantes ay isang college student na maiinlove sa isang doctor na sa unang kita pa lang niya ay tumibok na kaagad ang kan'yang puso. Hanggang sa pansamantala namang nagturo si Doctor Marco sa Southville University kung saan nag-aaral s...