THIRD PERSON POV:
Pumasok na kaagad si Wallace sa loob ng opisina ni Marco at nakita niya itong nakaupo sa kan'yang swivel chair at nagtitipa sa kan'yang cellphone nahuli niya pa itong nakangiti.
"Tama nga ang sabi ng mga nurse namaligno ka na nga!"
Nag-angat naman nang tingin si Marco at sinamaan niya nang tingin ang kan'yang pinsan. Umupo naman si Wallace sa harap nito.
"Ano bro nasabi mo na ba?" nakangising baling niya kay Marco.
"Yes! I told her everything," sumandal naman si Marco sa kan'yang swivel chair at hinarap si Wallace.
"Kung hindi ka pa namin bubwisitin ni Roco wala ka talagang balak magtapat sa kan'ya"
"Wallace may balak naman ako, dapat nga ngayon ako pupunta sa kanila, e ang kaso dahil sa kagagawan niyo ___" Pinutol ni Wallace ang susunod niyang sasabihin at nagsalita.
"Dahil sa kagagawan namin napaganda ang plano mo right?" saad ni Wallace na may halong nakakalokong ngiti. Bumuntong hininga naman si Marco.
"Saan mo pala siya dinala kagabi?" Hindi pa rin naaalis kay Wallace ang ngisi nito.
"Sa Condo ko"
"And then?"
"What do you mean and then?"
"I mean ano pang ginawa niyo?"
"Kumain s'yempre at natulog 'yon lang!" may halong inis na sagot niya sa pinsan alam kasi niya ang ibig nitong sabihin.
"Hindi ka man lang nagpaputok?! Nanlaki naman ang mata ni Marco sa sinabi ni Wallace. Kahit kailan talaga hindi matinong kausap ang pinsan niyacat tuwang-tuwa pa siya kapag inaasar siya.
"What?!
"Diyos ko Marco need mo yata ng seminar!"
"Tigilan mo ko Wallace! hindi ako katulad mo"
"Marco mahal mo naman si Mace, at isa pa kailangan mong pagpawisan!" Hindi na mapigilan ni Wallace ang humagalpak nang tawa dahil sa reaksyon ni Marco.
"Alam mo pareho kayo ni Mace, tawang tawa kayo pag inaasar ako eh!" Irap nito sa pinsan.
"O 'di ba I told you she's bubbly"
"Yeah right! pero ayokong lapit ka nang lapit sa kan'ya"
"Bakit naman? nagseselos ka?" Asar ulit niya kay Marco.
"Bro ano ka ba wala akong gusto kay Macelyn, kaya lang ako napalapit sa kan'ya dahil sa'yo kung hindi ako gagawa ng paraan tuluyan siyang mawawala sa'yo. Masyado kang torpe, hindi ka naman pangit, mas guwapo lang ako sa'yo." Tinaasan lang siya ng kilay ni Marco na ikinangiti naman ni Wallace.
"kumusta pala siya?" sumeryoso naman ang itsura ni Marco at napansin ito ni Wallace. "May problema?"
"Yes, kanina kasi nanikip na naman 'yong dibdib niya and I was scared. Ewan ko iba 'yong pakiramdam ko, I need to talk to Dra. Ramirez"
"Sa tingin mo sasabihin sa'yo 'yon ni Dra. Ramirez? that was personal Marco, at alam mo 'yon"
"Yes I know, nag-aalala lang ako para kay Mace"
"Try to ask her bro," tumango lamang siya sa sinabi ni Wallace.
JK POV
Hindi ko maiwasang hindi mamiss si Macelyn, tatlong araw ko na siyang hindi nakikita. Umuwi muna ako rito sa Batangas kung saan nakatira ang tita ko na kapatid ni mama. Isang linggo akong magbabakasyon dito. Lumayo muna ako para kahit papano maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Narito ako sa tabing dagat at nakaupo, gustong- gusto ko ang amoy ng dagat, naaalala ko si Mace noong dinala ko siya sa may tabing dagat at kitang-kita ko ang kan'yang matatamis na ngiti. Ang dami kong naiisp na kung nagtapat kaya ako sa kan'ya posible bang magustuhan niya ako? Kaso hindi eh, una pa lang nararamdaman kong kaibigan lang talaga ang turing niya sa'kin at hindi na hihigit pa do'n. Kaya naman ayos lang sa'kin basta nasa tabi ko lang siya at naiiparamdam sa kan'ya kung gaano siya kaimportante sa'kin. Kaso mukhang mag-iiba na ang sitwasyon namin. Meron na siyang Marco na mag-aalaga sa kan'ya at lagi na sa tabi niya. Masaya ako para kay Macelyn kasi sa mag oras na ito alam kong masaya na rin siya. Sana pagbalik ko at makita siya wala na ang sakit na nararamdaman ko. Ang hangad ko lang sa kan'ya ay ang kaligayahan niya. Hindi ko namalayang may luha na pa lang dumaloy sa aking pisngi.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU DOCTOR (SELF PUBLISHED UNDER KPUB PH)
RomantikSi Macelyn Brilliantes ay isang college student na maiinlove sa isang doctor na sa unang kita pa lang niya ay tumibok na kaagad ang kan'yang puso. Hanggang sa pansamantala namang nagturo si Doctor Marco sa Southville University kung saan nag-aaral s...