CHAPTER 48

217 4 0
                                    

Kinabukasan maaga akong sinundo ni Doc Marco sa bahay para magpunta sa amusement park. Tahimik kaming bumabyahe at hawak nito ang kaliwang kamay ko at isang kamay naman niya ay nasa manibela. Hinahalikan naman niya ako kapag may pagkakataon na siyang ikinatuwa ko dahil sobra kong mamimiss ang mga ginagawa niya sa'kin kapag umalis na ako. Dalawang oras din ang binyahe namin bago kami nakarating. Bumili naman siya ng ticket at hinintay ko na lang siya sa isang tabi. Nakikita ko pa ang mga babaeng nagkukumpulan at panay ang titig kay Doc Marco. Napanguso naman ako na may nakita akong isang babae na tinutulak ang kasama niya na mapalapit kay Doc Marco. Nainis naman ako kaya nilapitan ko na si Doc Marco sa pila at umangkla ako sa kan'yang braso, tinignan ko naman nang masama ang mga babaeng gustong lumapit sa kan'ya. Kita ko pa sa kanila ang pag ismid at pag-irap sa'kin. Napasulyap naman ako kay Doctor Marco na pinipigilan ang pagtawa.

"Bakit?" tanong ko nang nakataas ang isang kilay.

"Don't get jealous babe, because I'm all yours"

"tsss! Anong sinasabi mo?"

"I saw you"

"Saw what?! Pagtataray ko naman sa kan'ya.

"Kita ko "yong pag-nguso at pag-irap mo do'n sa mga babae kanina," pinamulahan naman ako sa kan'yang sinabi na siyang kinangiti niya at kinuha ang kamay ko na naka-angkla sa kan'yang braso at pinagsiklop ang aming mga kamay. Umiwas naman ako ng pagkakatitig sa kan'ya.

"H'wag ka nga masyadong magpaguwapo ah!" tumawa naman siya at hinalikan ang aking kamay kaya napatingin naman ako sa kan'ya.

"I'm so sorry babe," ang mga ngiting 'yan hinding-hindi ko na makikita sa oras na umalis ako, bulong ko sa aking isipan. Pagkapasok namin sa loob ay niyaya ko kaagad siyang magrides, sumakay kami sa carousel, bumb car at ferriswheel. Nang mapagod ay umupo naman kami sa isa sa mga upuan do'n.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya sa'kin. Inipit naman niya ang takas kong buhok sa aking tainga. Pinaka titigan ko muna siya na para bang minememorya ang kan'yang g"wapong mukha.

"H"wag mong sabihing ako ang gusto mong kainin?" Napamulagat naman ako sa kan'yang sinabi at pinalo siya sa kan'yang braso, tumawa naman siya nang mahina.

"Napaka pilyo mo!"

"Binibiro lang kita, ang cute mo kasi." Maya-maya ay may dumaan sa harap namin na nanay na may kargang baby sa tantya ko ay nasa siyam na buwan na. Sinundan ko naman ito nang tingin hanggang sa makalagpas sila sa'min. Napansin naman ito ni Doc Marco.

"You want to have a baby?" Napatingin naman akong bigla sa kan'yang sinabi, seryoso rin ito habang nakatitig sa'kin.

"Ha?! Aaahm... a-ano"

"Ako rin gusto ko na rin magkaroon ng anak," napatigil naman ako at seryoso siyang tinitigan. Hindi ko na maibibigay sa kan'ya ang anak na gusto niya dahil bukas na ang huli naming pagkikita at makakasama ko siya. Gustuhin ko man siya makasama habang buhay ay hindi pup'wede.

"Gusto ko pag nagka-anak tayo do'n ka na lang sa bahay ako na lang magtatrabaho para sa'tin. Malabo nang mangyari yan Doc Marco kasi hindi mo na 'ko makikita pa.

"Pag lalaki ang magiging anak natin gusto ko ikaw ang magbibigay ng pangalan, kapag babae naman ako ang magbibigay ng pangalan," pagpapatuloy niya. Kita ko sa mga mata niya ang pagkagusto niyang magka-anak pero hindi ko na maibibigay pa sa kan'ya 'yon. Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng aking luha na siya namang pinunasan niya.

"Pangako ko sa'yo hinding-hindi ka na iiyak, umiyak ka man sisiguraduhin kong luha ng kaligayahan 'yon." Hinalikan naman niya ang aking noo at hinaplos ang aking pisngi nakatitig lang ako sa kan'ya.

I LOVE YOU DOCTOR (SELF PUBLISHED UNDER KPUB PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon