Masaya kami ni leonard na bumaba ng eroplano dahil sa wakas nakauwi din kami ng pilipinas. Iniwan muna namin ang restaurant sa isa naming mapagkakatiwalaan at naging kaibigan din namin ni leonard. Sinundo naman kami ni kuya sa airport at mahigpit ko siyang niyakap dahil sobra ko din siyang namiss. Pinakilala ko naman si leonard kay kuya. At ang bakla kilig na kilig parang bulate na binudburan ng asin. Siniko ko naman ito na ikinatawa lang ni kuya.
"Grabe kuya namiss ko talaga dito" sabi ko habang lulan na kami ng kotse at pauwi na sa bahay.
"kaya wag ka ng umalis pa dito ka na lang" malambing namang turan ni kuya habang nagmamaneho. Ako ang nasa passenger seat at si leonard naman sa likod.
"Pano yung negosyo namin don?
"don't worry ako na ang bahala don baby girl"
"but kuya___
"No buts okay? Putol ni kuya sa sasabihin ko, wala na din akong nagawa kundi ang sumunod.
"Ako na ang bahala muna don baks don't worry okay? Napatingin naman ako sa likuran at nginitian si leonard.
Nakarating kami sa bahay ng bandang alas syete na ng gabi, sinalubong kaagad kami ni nana lumen at niyakap ko naman ito ng mahigpit.
"Nana lumen namiss po kita, masayang bati ko ng kumalas na ko sa pagkakayakap.
"Ikaw talagang bata ka, ilang bwan lang naman tayong hindi nagkita, nagkatawanan naman kami. Nasa hapag na kami at masayang nagkukwentuhan nang sumeryosong bigla si kuya.
"Mace?
"Yes kuya?
"Hindi ka ba makikipagkita kay marco? Muntik na ko mabulunan sa kanyang tinanong.
"h-hindi ko pa alam kuya eh" napayuko akong bigla.
"iniisip mo yung sa magazine? Nag-angat akong bigla at tinitigan siya. What the? Alam na alam niya talaga ang iniisip ko.
"You think totoo yung nasa magazine? Hindi ako makapagsalita, pano nga kung totoo? Heto na naman ako tinatablan na naman ng takot
"Hindi ba kuya?
"Try to talk to him" para masagot na yung mga gumugulo sa isip mo. Tumango lamang ako.
THIRD PERSON POV:
"m-marco dyusko naman ang bigat mo! Hanggang kailan ka ba magiging ganito? Reklamo ni wallace na akay akay si marco papasok ng condo nito. Lasing na naman ito at ibinagsak ni wallace sa malaki nitong kama. Hingal na hingal naman itong humiga din katabi si marco.
"Nagpapaka lugmok ka na sa alak eh! Pano kung bumalik si mace na ganyan ang itsura mo? Napamulat naman ng mata si marco at tumingin sa kisame.
"Sana bumalik na siya, miss na miss ko na siya" hindi niya namalayang may tumulo na palang butil ng luha sa kanyang pisngi.
"Babalik siya I'm sure! Kaya iready mo na yang mga sasabihin mo sa kanya pag bumalik siya, lalong lalo na yung nasa magazine. Napabangon siyang bigla at naalala yung nasa magazine.
"I think she already knew dahil kalat na din yon, napatayo na din si wallace at tinapik nito ang balikat niya.
"Bro wag ka na maglalasing ah! Alam mo bang ilang bwan na kong walang sex life dahil sayo!? Lagi ka na lang wrong timing eh! Singhal naman nito kay marco
"pwede ba wallace kailan ka ba magseseryoso?
"Ayoko magseryoso dahil baka maging kagaya mo lang ako" inirapan lang siya ni marco.
"dahil nabitin ako kanina ng dahil sayo kailangan kong magbanyo! Tumayo si wallace at pupunta na ng banyo ng magsalita si marco.
"Anong gagawin mo sa banyo? Tanong ni marco na nakangisi pa.
"Makikipag-usap ako dito sa palad ko! Bwisit ka kasi kanina! Sabay sarado nito ng pinto ng banyo. Naiiling naman si marco at bumalik na sa kanyang pagkakahiga.
MACELYN POV:
"Are you sure baks ayaw mong samahan kita?
"Wag na leonard kaya ko naman eh bibisitahin ko lang yung naging doctor ko don, nakaharap ako sa salamin at nagsusuklay ng mahaba kong buhok.
"Yung doctor mo nga ba o baka si doctor handsome? May himig na pang-aasar ni leonard na siyang ikinairap ko.
"hindi no! Saka hindi din malabong magkita kami, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya kapag nagkita kami.
"alam mo baks siguro panahon na para kausapin mo siya, tama ang kuya mo" lalo ka lang mahihirapan eh, bumuntong hininga ako at tinitigan siya.
"Sige pero hindi muna sa ngayon. Malumanay kong sabi
"sige baks basta sinasabi ko sayo ayusin mo na yan dahil kung hindi maaagaw talaga yang boyfie mo! Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya
Huminga muna ko ng malalim bago pumasok sa loob ng ospital kinakabahan na baka makasalubong ko siya o di kaya si wallace. Nang makarating na ko sa opisina ni dra ramirez kumatok muna ko at narinig ko na siyang pinapapasok ako. Lumapad naman ang ngiti niya ng makita ako. Nagkwentuhan muna kami ni dra ng mga bagay bagay at nagpasya na din akong umalis, nagpalinga linga pa ko na baka makita siya, pero bigo ako. Kaya ng bumukas ang elevator ay sumakay na din ako kaagad.
~ ~ ~
"Nurse gi___ napahinto sa pagsasalita si wallace ng may mahagip siyang isang babae na pamilyar sa kanya, nanlaki pa ang kanyang mata ng makilala niya kung sino ito. Dali dali naman siyang tumakbo sa opisina ni marco na busy na pagbabasa ng mga chart ng pasyente.
"Bro! Sigaw ni wallace ng makapasok na siya sa loob. Nag-angat naman ng tingin si marco ng nakakunot ang noo.
"She's back!
"who?
"Si macelyn bumalik na siya!
"Whaaaat!? Napatayong bigla si marco sa kanyang kinauupuan. Ang babaeng mahal niya ay nagbalik na.
"palabas na siya dito sa ospital baka mahabol mo pa siya. Kaagad namang lumabas ng opisina si marco para habulin si macelyn. Hindi na niya pinansin ang pagtawag sa kanya ng nurse at dere deretso siyang umalis. Naghagdan na lamang siya para mabilis siyang makarating sa ibaba. Pagdating niya sa ground floor ay nagpalinga linga pa siya para hanapin si macelyn pero hindi niya ito mahanap. Kaya lumabas siya ng ospital pero huli na nakita niya itong nakasakay na ng taxi. Hahabulin pa sana niya ito pero mabilis na itong nakaalis.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU DOCTOR (SELF PUBLISHED UNDER KPUB PH)
RomanceSi Macelyn Brilliantes ay isang college student na maiinlove sa isang doctor na sa unang kita pa lang niya ay tumibok na kaagad ang kan'yang puso. Hanggang sa pansamantala namang nagturo si Doctor Marco sa Southville University kung saan nag-aaral s...