CHAPTER 18

190 3 0
                                    

MARCO POV

Kasalukuyang nandito ako sa aking opisina at may tinatapos sa aking laptop ng may biglang kumatok.

"Yes come in," nasa laptop pa rin ang aking atensyon. Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay saka lamang ako nag-angat nang tingin.

"M-miss Andrea, a-anong ginagawa mo rito?” tumayo ako sa aking swivel chair at pinaupo ko siya sa upuang kaharap ng aking lamesa.

"M-may s-sasabihin sana ako sa’yo,” kinakabahang turan ng propesor.

"Ano ‘yon Miss Andrea?”

"Aaahm,” lumunok muna siya bago nagpatuloy. "P-pupunta na kasi ako ng london.” Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Why? Magreresign ka na sa school? Hindi na ba maayos ang palakad nila do’n?” Sunod-sunod kong tanong sa kan’ya na ikinangiti niya.

"Ah, hindi! May maganda kasing offer do'n, pero p’wede rin akong hindi matuloy kapag__ kapag__” tumingin muna siya sa’kin ng deretso at nagpatuloy sa kan’yang sasabihin. "Wala ba talaga akong pag-asa Doctor Marco?” Malungkot niyang wika na ikinaawang naman ng bibig ko sa pagkabigla. Tumikhim muna ‘ko saka siya muling hinarap.

"M-miss Andrea__” Then she cut me off.

"Siya ba ‘yong girlfriend mo? ‘yong nagpunta sa school?”

"Si Kristine?”

"Ahh o-oo"

"Actually she's my ex. Wala nang namamagitan sa'min”

"Then why?”

"What do you mean why?”

"M-may iba na bang nagpapatibok ng puso mo?” mataman lang siyang nakatitig sa'kin at hinihintay ang isasagot ko. Bumuntong hininga muna ako.

"I dont know if, if, if I l-love her already," pumikit muna ‘ko nang mariin saka siya muling tinitigan. "Pinipigilan ko pero habang pinipigilan ko ako lang din ang nasasaktan. Gusto ko siyang makita pero hindi ko magawa. At saka kapag nakikita ko siya hindi ko maintindihan ‘yong pakiramdam ko.” Natawa siya nang pagak na ikinataka ko.

"You're inlove Doctor Marco,” nakangiti niyang sabi na may halong lungkot. “She's so lucky, kasi siya ‘yong mahal mo”

"Is that so?” Tumango lang siya. Nagpasya na siyang umalis at hinatid ko naman siya sa labas ng aking opisina.

"Paano Doc Marco, sana hindi pa ito ang huli nating pagkikita. Dapat pagbalik ko may asawa ka na dahil kung hindi liligawan na talaga kita.” Nagkatawanan naman kami. Maya-maya ay nagpaalam na siya. Papunta sana ako sa opisina ni Wallace nang mamataan ko si Macelyn at Wallace sa may tapat ng elevator. Nakita ko pang may binigay si Macelyn na dalawang box sa pinsan ko. At matamis naman siyang ngumiti sa pinsan ko. Teka bakit parang nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang ngumingiti sa iba?

"No this can't be! tama ba ‘yong sinasabi ni Miss Andrea?” Sabi ko na lang sa aking isip. Ilang minuto pa ay nakita kong hinila ni Wallace si Macelyn papunta sa kan’yang opisina. Kaya't wala akong pag-aalinlangan na sinundan ‘yong dalawa. Kilala ko ang pinsan ko, baka kung ano pa ang kagaguhan ang gawin niya. Huminga muna ‘ko ng malalim bago buksan ang pinto, hindi na ako kumatok. Nakita ko pang nakangiti si Macelyn habang si Wallace naman ay sarap na sarap sa kinakain niyang cookies. Alam ko na ang mga tingin at ngiti ng loko, mukhang may binabalak na naman.

"Aaahm...doc wallace alis na ko p-pupunta pa kasi si Jk sa bahay eh,” biglang sabi ni Macelyn.

"Ihahatid na kita"

I LOVE YOU DOCTOR (SELF PUBLISHED UNDER KPUB PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon