Pagkagaling ko ng ospital ay pumunta ako kaagad sa apartment ni Jk. Noon ko pa sana gustong puntahan ang apartment niya kaso hindi ko pa kaya makita ang dati niyang tinutuluyan. Mayroon kaming ala-ala do'n at nasasaktan pa rin ako sa nangyari. Isang taon na rin ang nakalipas pero hanggang ngayon nandito pa rin ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing maaalala ko siya. Nang makarating ako sa apartment niya ay kinuha ko ang susi sa nangangalaga no'n. Bumuntong hininga muna ako bago ko binuksan ang kan'yang dating tinutuluyan. Binuksan ko ang mga ilaw no'n. Tumambad sa'kin ang napaka-linis niyang bahay, meron siyang tiga-linis kaya hindi na rin kataka-taka. Ang mga gamit ay gano'n pa rin ang ayos at tila walang nagalaw. Inilapag ko sa center table ang dala kong strawberry cheesecake at binuksan ito. Nilagyan ko ng kandila sa gitna at sinindihan ko.
"Happy birthday Jk, dinalhan kita ng paborito mong strawberry cheesecake, naaalala mo pa ba na ito 'yong lagi natin kinakain tuwing birthday mo? Sabi mo pa sa'kin okay lang kahit wala kang handa basta may strawberry cheesecake ka. Sa susunod pag-aaralan ko ng gawin 'to para sa susunod mong birthday," tumingala muna ako para pigilan ang aking mga luha. "Naalala mo ba na lagi ka sa bahay nag-cecelebrate tuwing birthday mo? Ako, si Nana Lumen at kuya Mazer, pasensya ka na kung hindi ko sila naisama dito, gusto ko kasi na tayo munang dalawa ang mag- moment. Nakakatawa no? Wala ka naman dito pero heto at hawak ko na lang ang puso mo," sabay hawak ko sa aking dibdib.
"Sobrang miss na kita Jk! Hindi ko na napigilan ang sarili kong humagulgol dahil sa pagkamiss ko sa aking matalik na kaibigan. Pinunasan ko naman ang aking mga luha at sinimulan ko siyang kantahan ng happy birthday at hinipan ko ang kandilang nakatusok sa cake.
"Happy birthday Jk." Tumayo ako sa aking pagkakaupo sa sofa at tinungo ko muna ang kan'yang k'warto. Maayos ang kama at nakalagay pa rin do'n ang kan'yang paboritong kulay ng bedsheet naghalo ang itim at puti. Umupo ako sa gilid ng kama at marahang hinaplos ito. Dumako naman ang tingin ko sa kan'yang study table malapit sa may bintana at umupi muna doon. Nakita ko pa ang mga litrato namin noong high school pa lang kami at nang maka-graduate ng high school. Ang umagaw ng atensyon ko ay ang nag-iisa kong litrato na mukhang stolen shot pa ito nakaupo ako sa isang bench at naka-side view. May nakalagay sa gilid ng frame na sticky note. Kinuha ko ito at binasa.
"My favorite baby and my girl." Napatutop ako ng aking bibig at nagsimula na namang pumatak ang aking mga luha.
"I'm so sorry Jk, hindi ko alam," mga salitang binitawan ko habang hawak ko pa rin ang aking picture. Sorry kasi hindi ko alam na gano'n na pala kalalim ang nararamdaman mo para sa'kin. Minahal mo 'ko ng sobra pero hindi ko man lang napansin o naramdaman yon. Akala ko okay na 'ko, na tanggap ko na kasi nasa akin naman ang puso niya, pero hindi pa pala. Naririto pa rin ang sakit at pangungulila sa aking kaibigan. Maya-maya ay may napansin naman akong parang kumikinang sa side table ng kama niya. Nilapitan ko ito at nakita ang isang kuwintas at ang pendant nito ay puso. May sulat din akong nakita sa ibabaw nito at binasa ko.
"To Mace,
This is my graduation gift for you. Hope you like it. Sorry kung late na, at hindi na ako ang magbibigay nito sa'yo, ingatan mo sana. Kung matanggap mo man ito, siguro sa mga oras na ito ay wala na 'ko sa tabi mo. Pero ito ang tatandaan mo, wala man ako sa tabi mo, nand'yan lang ako sa puso mo at lagi kitang binabantayan. I LOVE YOU MACE! MY FAVORITE BABY!" Napaupo ako sa gilid ng kama at hawak-hawak ang kuwintas. Nabalot naman ng aking hagulgol ang buong k'warto. Sa gitna ng aking pag-iyak ay humiga ako at yakap ang kan'yang unan. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
******
Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog, tinignan ko ang orasan sa side table ni Jk alas-sais na pala ng hapon kaya bumangon na ako at nag-ayos. Akmang tatayo ako sa kama ng biglang nakaramdam na naman ako ng hilo, ilang beses ko na nararamdaman ito nitong mga nakaraang araw. Kinabahan akong bigla baka bumabalik na naman ang sakit ko, pero wala naman akong nararamdamang kakaiba bukod sa pagkahilo at laging pagod kahit wala naman ako masyadong ginagawa. Tinignan ko ang aking cellphone at may text si Doc Marco napangiti naman ako nang mabasa ang kan'yang mensahe. Nagpasya akong umalis na sa apartment ni Jk, bago ako lumabas ng pinto ay pinasadahan ko muna tignan ang kabuuan nito at ngumiti ng mapait saka tuluyan ko nang nilisan.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU DOCTOR (SELF PUBLISHED UNDER KPUB PH)
RomansaSi Macelyn Brilliantes ay isang college student na maiinlove sa isang doctor na sa unang kita pa lang niya ay tumibok na kaagad ang kan'yang puso. Hanggang sa pansamantala namang nagturo si Doctor Marco sa Southville University kung saan nag-aaral s...