CHAPTER 3

252 6 0
                                    

"Doctor Marco"! napalingon ako ng marinig ko ang malakas na tawag saken ni Wallace, tumatakbo itong papunta sa kinaroroonan ko. Pinsan ko siya sa side ng daddy ko, Surgeon din siya katulad ko matanda lang siya sa'kin ng dalawang taon. At isa siyang Playboy, hindi napipirmi sa isang babae one week lang ang tinatagal non sa kanya at after that iba na naman, yon lang ang pinagkaiba naming dalawa. Gwapo kasi kaya malakas ang loob mambabae.
"San ka galing"? hinihingal nyang sabi ng makalapit na sa'kin. Nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa aking opisina.
"Sa E.R. may emergency kasi saka isa lang ang doctor na naka duty don kaya pinatawag muna ko saglit. Pipihitin ko na sana ang seradura ng pinto ng aking opisina ng muling magsalita si wallace.
"Nagpunta nga pala kanina dito si Kristine, Napatigil ako at nilingon ko siya na nasa aking likuran.
"Bakit daw"? Nagkibit balikat lamang siya. Pumasok na kami sa aking opisina, naupo ako sa aking mesa itinukod ko ang dalawang siko ko at ang dalawang kamay ko sa aking baba na pinagsiklop ko. Si Wallace naman sa harapan ko nakaupo at prenteng nakasandal.
"Mahal ka pa rin hanggang ngayon ni Kristine" simula ni Wallace. "ano ba kasing pumasok sa isip mo bakit hiniwalayan mo na lng ng ganon si kristine"? bumuntong hininga muna ko bago ko siya sinagot.
"We have no time for each other, and she's always busy".
"Bro, yun lang?! gulat niyang tanong na ikinailing niya, kahit na ganon siya kababaero at medyo maloko concern pa din naman siya sa mga taong nakapaligid sa kanya. "Bro three years din kayong magkasintahan tpos ganon lang ang dahilan? Alam mo naman kung ano ang trabaho niya di ba?
"Yes I know! kahit ako nagiging busy din naman, wala na talaga kaming time sa isat isa para ngang hindi na kami magkasintahan eh, kasi bihira na lang din kami magkita, Sumandal ako sa aking swivel chair at hinilot ang aking sintido.
Kristine is my ex girlfriend, nagkakilala kami sa isang bar kung saan kaibigan ko din ang may-ari. She's the one who approach me first. At first I'm not interested in her, siguro dahil wala pa sa plano ko ang magka girlfriend, dahil meron akong ibang gusto simula pa lang nung bata ako, pero till now hindi ko pa siya nahahanap sa tinagal ng panahon. I really dont know her full name or san siya nakatira. Hanggang sa unti unti kong nagustuhan si Kristine, nawala sa isip ko yung babaeng gusto ko at nabaling sa kanya ang atensyon ko. She's pretty I admit that, Halos lahat siguro ng lalaki nagkakagusto sa kanya. She's also an international fashion designer, niligawan ko siya ng ilang bwan at kalauna'y sinagot din ako. Tumagal ng tatlong taon ang relasyon namin, pero matagal ko ng iniisip kung talaga bang mahal ko siya o baka dahil naaattract lng ako kay kristine. Nakipaghiwalay ako sa kanya dahil isang beses lang sa isang bwan kung magkita kami at lilipad na ulit siya papuntang ibang bansa, bihira din kami magkausap sa telepono or magkachat man lang, busy siya at busy din ako hindi magkatugma ang schedule namin pareho kaya nagpasya na lang ako makipaghiwalay, noong una ayaw niya mahal na mahal daw niya ako at hindi niya kayang mawala ako. Mabuti na. lamang at naintindihan din naman niya ako at pumayag na din siya sa gusto ko. We ramained friends at paminsan minsan ay nagkakausap naman kami.
"I understand you bro" kaya nga ayoko ng commitment eh, tama na sa'kin ang 1 week, ayoko sumakit ang ulo ko at mamroblema" Natatawang sabi nito
"Ok na rin na ganito kami, maging magkaibigan na lang"
"Or baka naman bro hindi ka pa nakakamove on sa first love mo kaya ayaw mo na rin makipagbalikan kay Kristine"? Natahimik ako bigla sa sinabing yun ni wallace, "hindi pa nga ba talaga ko nakakamove on"? "its been 15 years already. "bata pa ko non pero bakit ganito na kagad ang nararamdaman ko sa kanya? hindi siya mapalitan nino man sa puso ko"?
"I knew it! bro, pano mo siya hahanapin,? ni hindi mo nga alam ang totoo niyang pangalan at kung san siya nakatira. Mahirap maghanap na iisang pangalan lang ang alam mo". Tama din sila wallace pano ko siya hahanapin kung apelyido niya ay hindi ko alam? Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niyang yon.
"Baka nga may boyfriend na yon o di kaya asawa" dagdag pa niya. Hindi ko na namalayan na nagpaalam na pala si wallace at lumabas na ng aking opisina masyado na palang malalim ang iniisip ko dahil sa sinabi sa'kin ni wallace. Kinuha ko sa drawer ko ang isang bracelet, pinakatitigan ko ito. "ano na kaya ang buhay mo ngayon? "may boyfriend ka na kaya? napapikit ako ng mariin at muling sumandal sa aking swivel chair. "San kita pwedeng mahanap LYN"?

"Grabe ka Mace ang lakas mo namang kumain mauubos mo bang lahat yan!? Reklamo ni JK sa'kin. Nandito kasi kami ngayon sa isang restaurant umorder lang naman ako ng sangkatutak na pagkain at si JK ang pinagbayad ko. Ganito talaga ako kapag may PMS. Kaya minsan ayaw niya ko kasama kasi masyado daw akong malakas kumain pero hindi naman daw tumataba. Pero kahit ganon naman, hinahayaan lang niya ako basta daw masaya ako. "Sa gutom ako eh"! pagkatapos ay nilantakan ko kaagad ang paborito ko pizza at carbonara".
"Masarap namang magluto si nana lumen ah hindi ka naman pinapabayaan sa pagkain pero bakit parang gutom ka pa rin"? Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at derecho lang ako sa pagsubo.
"Ah alam ko na may___ hindi ko na pinatapos ang sunod niya pang sasabihin ng pigilan ko siya.
"Oo na! pinandilatan ko siya ng mata at natawa naman siya sa ginawa ko.
"Sige na kumain ka lang ng kumain" sinandukan pa niya ko ng carbonara at pinaglagay ng juice sa aking baso. Napaka sweet niya talaga, ang swerte ko kasi siya ang bestfriend ko. Ang swerte ng babaeng magugustuhan niya, kasi bukod sa napaka gwapo na sobra pang maalalahanin at napaka bait. Kung pwede nga lang mahalin ko siya ng higit pa sa kaibigan, eh ang kaso kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya, at ganon din naman siya sa akin.
Natapos na kaming kumain ni JK at palabas na din kami ng restaurant, ng may nakabangga akong matangkad na lalaki na ikinahulog ng cellphone.
"My god ang cellphone ko! kaagad ko tong kinuha at binalingan ang lalaki. Laking gulat ko na lamang ng makilala ko siya. Eto na naman ang puso ko kung makatibok wagas, para akong hihimatayin sa sobrang kaba at saya dahil nakita ko siyang muli.
"I'm sorry miss, wika niya sa'kin na hindi pa rin naaalis ang pagkakatitig ko sa kanya. Ang gwapo niya sa malapitan, mala adonis ang itsura. Kulay abo ang mga mata, makapal na kilay, ang mga labi na manipis at mapupula. At higit sa lahat napaka kisig niya.
"Are you done checking on me"? masungit niyang sabi sa akin na ikinapahiya ko.
"I-i'm sorry" nasabi ko na lang at yumuko sa pagkapahiya "bat naman kasi ganon ang pagkakatitig ko sa kanya nakakahiya tuloy, masyado naman akong obvious"!
"Hey Marco what are you doing there"? tawag sa kanya ng kasama niya na nauna nang umupo sa loob ng restaurant. Tumingin muna siya sa'kin saglit at saka tumalikod na.
"Sino yung kausap mo kanina? Nakasakay na kami ni JK sa kotse niya ng magtanong siya. "Ah wala nabangga ko lang kanina. Tumango lamang si JK at tinuon muli ang tingin niya sa kalsada. "Marco pala ang pangalan niya, pati pangalan ang gwapo" nakangiti habang naiisip ko yon.

PASENSYA NA POH SA PAISA ISANG UPDATE, GINAGAWA KO DIN KASI UNG ISANG STORY KO. BUKAS PO UPDATE KO TO ULIT.. HAPPY READING??

I LOVE YOU DOCTOR (SELF PUBLISHED UNDER KPUB PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon