Mahigit tatlong b'wan na ang lumipas ay hindi pa rin nagigising si Macelyn. Medyo nahahalata na rin ang umbok sa t'yan nito at oras- oras ay sinusuri silang mag-iina. Maayos naman ang kalagayan nila sa ngayon ngunit hindi pa rin sila ligtas dahil kailangan bawat oras ay nababantayan sila sapagkat hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay si Macelyn.
Naayos na rin sa wakas ni Mazer ang problema sa kan'yang kumpanya at nagawan na ito ng paraan, kaya't excited na rin siyang magising ang kapatid para sabihin ang magandang balita. Si Nana Lumen at Leonard ang nagbabantay kay Mace sa umaga at si Marco naman ang sa gabi. Halos naging bahay na niya ang ospital dahil pagkatapos ng duty nito ay dederetso na siya kaagad sa k'warto ni Mace para bantayan at alagaan ito. Hindi na rin siya nakakapagpahinga ng maayos dahil mas gusto niyang asikasuhin si Mace at ang magiging mga anak nila, lagi niyang sinisiguro ang kaligtasan ng kan'yang mag-iina.
"Marco magpahinga ka naman, baka ikaw naman ang magkasakit niyan sa ginagawa mong yan" bungad ni Wallace pagkapasok nito sa kuwarto ni Mace. Si Marco naman ay pinupunasan ang braso at kamay ni Mace.
"Ayos lang ako, mas gusto kong alagaan si Lyn at magiging anak namin"
"Pero dapat nagpapahinga ka rin. Ilang oras na lang ba ang tinutulog mo?" Bumuntong hininga lang si Marco at hinarap si Wallace.
"Nakakatulog naman ako kahit papaano," umiling lang si Wallace. "Siyanga pala Wallace naayos ko na 'yong magiging kasal namin ni Mace bukas. Gusto ko sanang makasal kami bago pa mailabas iyong mga anak namin," nanlaki naman ang mga mata ni Wallace sa narinig sa kan'yang pinsan hindi siya makapaniwala na gano'n niya kabilis naayos ang kasal nila.
"Ang bilis mo naman yata naayos "yon?"
"Gusto ko kasi na legal na kaming mag-asawa ni Mace dahil mag-kakaanak na rin kami.
"Alam na ba ni Mazer ang plano mo?"
"Sasabihin ko sa kan'ya mamaya pagdating niya"
"Okay ikaw ang bahala, basta sinasabi ko sayo bro__" putol ni Wallace sa kan'yang sasabihin.
"Ano yun?"
"Hindi ako p'wedeng mawalang ninong ng kambal mo ah!" Natatawang turan ni Wallace kaya napangiti naman si Marco.
"Nasa listahan ka na kaagad!" Natahimik naman silang pareho pagkuwa'y nagsalita si Marco.
"Salamat Wallace," seryosong wika niya sa kan'yang pinsan na inaayos naman ang dextrose ni Mace.
"For what?"
"For everything, dahil sa'yo naamin ko kung ano talaga 'yong totoong nararamdaman ko kay Mace, noong una ayokong aminin sa sarili ko na nahuhulog na 'ko sa kan'ya hangga't nakakaramdam na ako nang selos 'yong tipong gusto ko sa'kin lang siya." Napahawak naman si Wallace sa kan'yang baba at tinitigan siya nang nakangiti.
"Alam ko naman noon na nagkakagusto ka na rin sa kan'ya ayon nga lang masyado kang nakulong sa pagmamahal mo kay Lyn kaya ayaw mong maamin sa sarili mong mahal mo na siya. At mabuti na lang si Lyn at Macelyn ay iisa lang"
"Oo nga, bilog talaga ang mundo," tinapik naman ni Wallace si Marco sa kan'yang braso.
"Paano ba 'yan bro goodluck bukas! Sana magising na si Mace," pagkasabi niyang 'yon ay lumabas na si Wallace. Umupo naman si Marco sa tabi ng kama ni Mace at kinuha ang bracelet na bigay nito sa kan'ya noong mga bata pa lang sila.
"Naaalala mo pa to babe?" Tukoy niya sa bracelet na hawak niya. "Binigay mo 'to sa'kin sa park noong nakita mo akong umiiyak, para tumigil ako sa pag-iyak sinuot mo 'to sa'kin. Ikaw 'yong unang nagsabi sa'kin na everything is gonna be okay. Always smile and be happy. Biruin mo ang bata mo pa no'n pero kahit papano napasaya mo 'ko kahit sa simpleng kataga mong 'yon. Kaya binabalik ko na 'to, ako naman ang magsusuot nito sa'yo at sasabihing, everything is gonna be okay, I'll wait for you Lyn maghihintay ulit ako kahit gaano ka pa katagal magising basta 'wag ka lang bibitaw, kayo ng mga anak natin, 'wag na 'wag mo na akong iiwan ulit," sinuot naman ni Marco ang bracelet kay Lyn at marahan itong hinaplos. "I'm sorry kung pakakasalan kita bukas ng hindi mo alam, tutal pumayag ka na naman eh. H'wag kang mag-alala kapag nagising ka na kahit saang simbahan mo gusto pakakasalan kita." Tumayo si Marco at hinalikan ang noo ni Mace at bumulong.
"I LOVE YOU BABE"
"Hindi naman ako tutol Marco, alam kong mahal na mahal mo ang kapatid ko at ipagkakatiwala ko na siya sa'yo," wika ni Mazer ng nasa loob sila ng opisina ni Marco at magkatapat silang nakaupo sa sofa.
"Salamat Mazer, sana lang kapag nagising na si Lyn hindi siya magalit sa agaran kong pagpapakasal sa kan'ya," natawa naman si Mazer sa sinabi ni Marco.
"H'wag kang mag-alala hindi magagalit 'yon, matutuwa "yon paggising niya lalo na kapag nakita niya 'yong kambal niyo"
"Excited na 'ko makita 'yong mga anak ko. Sana lumabas silang malusog, alam kong kailangan siyang i-emergency CS kapag hindi pa nagising si Lyn. Maging okay sana ang paglabas nila"
"Don't worry Marco, Mace is brave and also my nephew. Kakayanin nila "yon." Nasa gitna sila ng kanilang pag-uusap ng may biglang kumatok at bumungad si Dra. Trixie na ikinagulat nilang pareho.
"Marco puntahan ko muna si Mace, maiwan ko na muna kayo," paalam ni Mazer at sinulyapan si Trixie bago lumabas ng opisina ni Marco.
"Ano pang ginagawa mo dito?" Tanong ni Marco kay Trixie na nanatiling nakayuko. Simula nang maaksidente si Macelyn ay hindi na nakausap ni Trixie si Marco at ilang araw ay nagpasya itong magresign sa mismong ospital. "Gusto ko sanang makausap ka at humingi nang tawad sa'yo lalong- lalo na kay Mace. Patawarin niyo sana ako Marco," mataman siyang nakatitig kay Marco, samantalang si Marco ay tinatantya niya kung totoo ba ang mga sinasabi ni Trixie sa kan'ya.
"Sa ngayon hindi pa kita kayang patawarin hangga't hindi pa nagigising si Mace at hindi pa sigurado kung mabubuhay ang mga anak ko"
"N-naiintindihan kita Marco, s-sige aalis na 'ko," tumango lang si Marco saka lumabas na ng opisina si Trixie.
~~~~~~~
Araw na ng kasal ni Marco at Macelyn, iilang bisita lang ang kanilang inimbita. Kabilang na sina Doctor Wallace, Nurse Yvette, Nurse Gina, Mazer, Nana Lumen, Alexandra na mama ni Doc Marco, Roco, Leonard at Kristine. Sinuotan din nila ng wedding gown si Mace at nilagyan ng palamuti ang kuwarto. Nag-umpisa na ang seremonyas at nagbigay ng wedding vow si Doc Marco kay Macelyn.
"Babe," sabay hawak nito sa kanang kamay ni Mace. "You know how much I love you right? Kahit ilang araw, b'wan o taon maghihintay ako sa'yo, basta 'wag lang ka lang bumitaw kayo ng mga anak natin. Kayo ang pinaka magandang regalo na binigay sa'kin ni Lord. Kaya sana babe lumaban kayo. Mahal na mahal ko kayo sobra! Ikaw ang naging dahilan kung bakit araw-araw akong ngumingiti. Ikaw din ang dahilan kung bakit matatag pa rin ako, sana ganoon ka rin babe," habang sinasabi ni Marco ang mga katagang iyon ay panay naman ang luha ng mga tao sa loob ng kuwarto na nakapaligid sa kanila. Sinuot na ni Marco ang singsing at hinalikan ang kamay ni Mace at in-announce na ng pari na sila ay mag-asawa na.
"Halikan mo na bro baka magising na si Mace kasi hinalikan na siya ng prince charming niya!" Biro ni Wallace na ikinatawa ng lahat. Dinampian naman ng halik ni Marco si Mace sa labi at hinaplos ang pisngi nito.
"I love you MRS. MACELYN MENDEZ"
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU DOCTOR (SELF PUBLISHED UNDER KPUB PH)
RomanceSi Macelyn Brilliantes ay isang college student na maiinlove sa isang doctor na sa unang kita pa lang niya ay tumibok na kaagad ang kan'yang puso. Hanggang sa pansamantala namang nagturo si Doctor Marco sa Southville University kung saan nag-aaral s...