CHAPTER 23

192 3 0
                                    

Nasa labas na kami ng bar nang hilahin ko ang aking kamay na hawak niya at hinarap siya.

"Ano bang problema mo ha?! Singhal ko sa kan’ya. "Hindi na kita maintindihan Doctor Marco eh! ‘Di ba hindi mo ako gusto? ano ‘yong sinasabi mo kanina ha?!

"I never told you that I didn't like you Mace!”

"Hindi mo nga sinasabi pero pinaparamdam mo sa'kin na hindi mo ako gusto. Tapos kanina bigla mo na lang akong hahalikan sa elevator. Para ano ha?! Hindi ko na napigilan at pumatak na ang mga luha ko sa sobrang sama ng loob.

"Mace wala akong sinabing hindi kita gusto. Sa t’wing tatanungin mo ‘ko kung gusto kita hindi kita sinasagot kasi hindi ko pa alam ang sagot sa tanong mo. Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko sa’yo ng mga panahon na ‘yon. Dahil ayoko ng magkamali, gusto ko sigurado na ako sa nararamdaman ko sa’yo. Until one day nang umalis ako sa school at bumalik na ‘ko sa ospital. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko sa’yo. Araw-araw akong dumadaan sa school mo para lang makita ka. Tapos nakita kitang basa ng ulan noon at naghihintay ng masasakyan. Kaya iyon na ‘yong pagkakataon kong kausapin ka kaya dinala kita sa Condo ko. Kaya lang hindi ko nasabi sa’yo ‘yong mga dapat kong sabihin, I was confused that time. But this time, alam ko na kung ano ang nararamdaman ko sa’yo," dahan-dahan siyang lumapit sa’kin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "I was damn in love with you Mace. Mahal na mahal kita.” Sa sinabi niyang ‘yon ay doon na ako humagulgol, kaya niyakap niya ako ng mahigpit.

"Sshh...don't cry please, i'm sorry if I hurt you that way, I promise I won’t hurt you anymore," pagkasabi niyang ‘yon ay humiwalay siya nang yakap sa'kin at tinitigan ako. Pinunasan niya ang aking mga luha gamit ang kan’yang hinlalaki at hinalikan ang aking noo.

"I'm so sorry, will you forgive me?” Tumango lamang ako at muli niya akong niyakap at hinalikan ang buhok ko. Sobrang saya ko dahil hindi ko akalain na mahal na ako ni Doctor Marco na pinapangarap ko lang noon. Simula noong araw nang una ko siyang makita hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago ang tibok nitong puso ko tanging si Doctor Marco pa rin ang siyang tinitibok nito.

"Lets go!” yaya niya sa'kin nang kumalas siya sa pagkakayakap.

"Saan tayo pupunta?”

"Sa Condo ko"

"Ha?! b-bakit do’n?” kinakabahan kong tanong sa kan’ya.

"Remember birthday ko ngayon?”

"Ah oo nga pala"

"And I just want to spend the night with you," seryoso niyang sabi sa'kin. Tumango na lang ako at ngumiti. Ito ‘yong pangalawang beses na makakasama ko ulit siya. Sumakay na kami sa sasakyan niya at mabilis na umalis. Habang bumabyahe kami hawak niya ang kaliwang kamay ko at ang isang kamay niya naman ay nasa manibela. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa aking kamay na tila ayaw nang bitawan. Lihim naman akong napapangiti kasi may ganitong side pala si Doctor Marco. Hindi ko akalain na mangyayari mismo sa'kin ‘to, sobra- sobra ang saya na nararamdaman ko ngayon na ayoko nang matapos. Nang makarating na kami sa Condo niya pinark niya ang kan’yang sasakyan at naunang bumaba sa'kin, pinagbuksan niya ‘ko ng pinto at inalalayan makababa. Hawak pa rin niya ang aking kamay hanggang sa makarating sa elevator, pakiramdam ko mahihimatay ako sa sobrang kilig. Hindi ko maintindihan parang tinatambol ang puso ko ngayon.

Nang makapasok na kami sa loob ng Condo niya hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Dumeretso kami sa sala niya at naupo. Hinapit niya ang bewang ko at niyakap, napasinghap naman ako sa kan’yang ginawa. Pakiramdam ko malalagutan na ‘ko ng hininga sa mga oras na ito.

"Let"s stay like this for a while"

"Pagod ka?”

"Hmn.. pero ngayon hindi na, yakapin lang kita ayos na ko.” Lihim akong napangiti. Sana hindi lang ito panaginip, kasi kung panaginip lang ‘to ayoko nang magising. Maya-maya ay kumalas naman siya nang pagkakayakap sa'kin at hinarap ako.

I LOVE YOU DOCTOR (SELF PUBLISHED UNDER KPUB PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon