CHAPTER 29

190 3 0
                                    

MACELYN POV: 

Hindi ko alam kung saang lugar ako naroroon. Ang alam ko lang ay nasa isang napaka-gandang lugar ako. Maraming bulaklak sa paligid at mga ibon din akong nakikita. Pumitas ako ng isang red rose at inamoy ito. Parang pamilyar sa akin ang pulang rosas. Pero ang alam ko ay wala pa namang nagbibigay sa akin nito. Naglibot muna ako sandali at ninamnam ang magandang lugar sa aking paglalakad ay mayroon akong nakitang dagat. Napamangha ako kasi napaka-ganda nito at malinaw ang tubig. Sandali muna akong nagtampisaw. Habang ako'y nagtatampisaw sa dagat ay may narinig akong tunawag sa'kin na pamilyar ang mga boses.

"Macelyn." Lumingon ako at hinanap kung sino ang tumawag sa'kin, ngunit hindi ko ito makita. Naglakad-lakad ako para hanapin kung sino ang tumatawag sa'kin. Nakita ko ang isang babaeng nakaputi at hindi ko maaninag ang kan'yang mukha kaya nagpasya akong mas lalo pang lumapit sa kan'yang kinaroroonan. Nanlaki ang mga mata ko ng nakilala ko kung sino siya.

"M-mommy? mom its that you?"Lumawak ang pagkaka-ngiti niya sa'kin at hindi ko na napigilang takbuhin siya. Niyakap ko nang mahigpit si mommy at hindi ko na napigilan pa ang umiyak. Sobrang miss na miss ko na ang mommy ko. Ang yakap niya, ang mga haplos niya, ang amoy niya. Lahat-lahat namiss ko sa kan'ya.

"Baby girl dalagang-dalaga ka na at ang ganda-ganda mo," puri sa'kin ni mommy nang maghiwalay na kami sa pagkakayakap.

"Namiss po kita mom"

"Ako rin baby girl miss na miss kita," sabi niya sa'kin habang hinahaplos ang aking mga pisngi.

"Ako ba anak hindi mo namiss?" Sabay kaming napalingon ni mommy sa lalaking nagsalita. Nagulat ako nang makita ko ang aking ama na nakatayo sa 'di kalayuan at ang lapad ng ngiti.

"D-daddy?"

"Yes its me baby girl!" Muli akong tumakbo sa kinaroroonan niya at niyakap siya. Sobrang saya ko dahil nakita kong muli ang aking mga magulang.

"I miss you so much dad!"

"miss din kita anak, miss na miss." Lumapit sa'min si mommy at pareho na nila akong niyakap. Naupo kaming tatlo sa buhangin at nakaharap sa dagat. Nasa gitna ako at hawak ko pareho ang kanilang kamay na para bang ayaw ko na silang mawala.

"Ang ganda dito no?" saad ko habang nakatitig sa malawak na karagatan. Tinignan ako ni mommy at ngumiti.

"Gusto mo ba dito baby girl?" seryosong tanong sa'kin ni daddy.

"Opo dad gustong-gusto ko dito, saka makakasama ko na kayo. Hinding hindi na tayo magkakahiwalay." Nagkatinginan naman sila ni mommy na para bang may mali.

"Anak." Mariing pinisil ni mommy ang isang palad ko at seryosong tumingin sa'kin.

"Hindi ka nababagay dito, hindi ka pa namin p'wedeng makasama. Kailangan mong bumalik," nagtaka ako sa sinabing iyon ni mommy

"Bumalik ka anak, hindi ka pa namin p'wedeng makasama, kailangan ka ng kuya mo."

Oo nga pala si kuya, nasaan pala si kuya bakit wala siya dito?

"Baby girl maraming naghihintay sa'yo, si Nana Lumen ang kuya mo at ang lalaking mahal na mahal mo, masasaktan sila anak." Lalo akong naguluhan sa sinabi ni daddy. Lalaking mahal na mahal ko? sino yon?

"Babe please dont leave me!" Narinig kong boses ng lalaki. Kaya nagpalinga-linga ako kung saan nanggaling ang boses na 'yon.

"Mom, Dad sino 'yon?" Ngumiti lamang sila sa'kin.

"Hinihintay ka na niya anak," nakangiting wika ni mommy

"S-sino po?"

"Iyong lalaking unang nagpatibok niyang puso mo"

"Baby girl!!!!

"Boses 'yon ni kuya di ba?"

"Oo anak, kaya bumalik ka na dahil hinihintay ka na nila, at para hindi na malungkot ang kuya mo." Marahang hinaplos ni daddy ang aking buhok at saka matamis na ngumiti sa'kin.

"Pero paano po kayo?" Naiiyak kong sabi. Dahil alam kong mahihiwalay na naman sila sa'kin. Gusto ko pa silang makasama pero may mga taong naghihintay sa'kin. At lalong-lalo na 'yong sinasabi nilang mahal na mahal ko raw.

"H'wag mo kaming alalahanin anak kahit na hindi mo na kami nakakasama ng mommy mo, lagi mong tatandaan mahal na mahal ka namin at lagi kang nasa puso namin ng mommy mo. At palagi rin kaming nand'yan sa puso mo"

"Hindi mo pa oras anak, marami ka pang kailangan gawin" nakangiting sabi ni mommy sa'kin at kitang kita ko sa mga mata niya ang pamumuo ng kan'yang mga luha. Niyakap ko sila nang mahigpit dahil sa mga oras na 'to ay hindi ko na sila muling mayayakap pa. Unti-unti akong kumalas sa pagkakayakap sa kanila at tinitigan ang aking mga magulang. Kita ko ang tuwa nila ng muli akong makita at mayakap kahit sa sandaling oras lamang.

"Mommy, daddy mahal na mahal ko kayo sobra! Habang binibigkas ko ang mga katagang 'yon ay siya namang paghagulgol ko.

"Mahal na mahal ka rin namin anak. Pakisabi kay kuya Mazer mo mahal na mahal din namin siya ng daddy mo at miss na miss na namin siya. I'm sorry baby girl kung iniwan namin kayo ng maaga.

"No mom its not your fault. Masayang masaya ako kasi kayo ang naging magulang namin ni kuya Mazer.

"Sige na anak umalis ka na, pagkasabing 'yon ni daddy ay hinalikan niya ko sa aking noo at nginitian. Lumakad naman ako palayo sa kanila at nakita ko pa silang kumaway at unti-unti na rin sila nawawala sa aking paningin. May nakita naman akong liwanag at sinundan ito.

MARCO POV:

"Time of death.....

Natigilan kaming lahat nang marinig namin ang ECG machine na nagbalik na ang heartbeat ni Macelyn. Mabilis na lumapit si Dra. Ramirez at pinulsuhan siya, sinuri rin niya ang kan'yang paghinga gamit ang stetoscope. Tinignan din nito ang magkabilang mata niya.

"It's a miracle!" Nasabi na lamang ni Dra. Ramirez. Mabilis kong hinawakan ang isang kamay niya, at ganoon din si Mazer sa kabila. Nagkatinginan pa kaming dalawa na kapwa hindi makapaniwala at parehong mapula na rin ang mga mata.

"Baby girl you're alive! hindi mo kami iniwan, thank you baby girl!" At hinalikan ni Mazer ang noo ni Macelyn.

"Babe don't worry makakahanap tayo ng donor mo okay? basta 'wag kang bibitaw ha?" saad ko habang hinahaplos ang kan'yang buhok.

"Grabe Mace pinakaba mo kami lalo na 'tong boyfriend mo, 'wag mo nang uulitin 'yon ah," naiiling na sabi ni Wallace na ikinangiti namin.

"Mr. Brilliantes puntahan mo 'ko mamaya sa opisina ko may kailangan pala akong sabihin sa'yo. Seryosong baling ni Dra. Ramirez kay Mazer.

"Sige po Dra. susunod ho ako"

"Sige mauna na kami sa inyo," paalam ng doctor.

"Doctor Marco," tawag sa'kin ni Mazer, saglit muna siyang natahimik saka muling nagsalita.

"Hindi ko na patatagalin pa 'to, kailangan na namin umalis bukas na bukas din. Aasikasuhin ko na ngayon ang mga kakailanganin namin." Saglit akong natahimik saka siya muling hinarap.

"Kung ano ang makakabuti sa kan'ya Mazer"

"Salamat dahil alam kong mas madali kaming makakahanap do'n ng donor niya," tumango lang ako sa kan'ya. At maya-maya'y nagpaalam siyang pupuntahan si Dra. Ramirez bigla na naman akong kinabahan.

I LOVE YOU DOCTOR (SELF PUBLISHED UNDER KPUB PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon