CHAPTER 37

176 1 0
                                    

Bagsak ang balikat kong bumalik sa loob ng ospital. Nagbalik na nga si Mace pero bakit hindi niya ako pinuntahan? Anong ginagawa niya rito? Shit! Ang sakit ng ulo ko kakaisip. Nakasalubong ko pa si Wallace na matamang nakatitig sa'kin tinanong kaagad ako nang makalapit na ako.

"Bro, nagkausap kayo?" Umiling lang ako.

"Nakasakay na siya ng taxi nang makita ko siya"

"Puntahan mo sa kanila, 'wag ka na magsayang ng oras pa"

"Sige pupuntahan ko na siya ngayon," maglalakad na sana ako papunta sa aking opisina nang mag-ring ang cellphone ko. Nakita kong si dad ang tumatawag napapikit muna ako bago sinagot.

"Dad," walang gana kong sagot.

"Marco umuwi ka dito mamaya," utos ni dad. Panigurado mag-uusisa siya tungkol sa nabasa niya sa magazine.

"Dad kung tungkol ito sa nakalagay sa magazine, well that's not true!" Inunahan ko na siya alam kong ipipilit na naman niya ang gusto niya.

"Ano pa bang inaayawan mo sa kan'ya ha Marco? Professional, maganda, matalino. Si Kristine inayawan mo rin. Sino bang gusto mo 'yong basta-basta lang babae?!

"Dad wala akong panahong makipagtalo sa'yo! At isa pa she's back! At siya lang ang babaeng pakakasalan ko wala ng iba!" Sa inis ko pinatay ko na ang tawag at napahilot na lang ako sa aking sentido. Nakalimutan kong nasa tapat pala kami ni Wallace ng nurse station at nakatingin na pala sa'kin ang ibang nurse. Umalis na kaagad ako at naglakad na papunta sa aking opisina.

THIRD PERSON POV:

"Doctor Wallace totoo bang nagbalik na 'yong nagpamaligno kay Doc Marco?" Masayang bungad ni Nurse Gina at nakahalumbaba pang nakatingin sa doctor.

"Yes she's back! At hindi na niya kayo susungitan pa," nakangisi niyang sagot.

"Mabuti naman para matigil na ang kahibangan ni Dra. Trixie kay Doc Marco," sabay irap naman nito. Tumawa lang si Wallace at pagkuwa'y dumating naman si Doctor Cristobal at kinausap si Wallace.

"Good morning Doctor Cristobal!" Bati ng mga nurse nang makalapit na ang doctor.

"Good morning din," bati naman pabalik ng doctor

"Si Doctor Marco?" Tanong nito kay Wallace.

"Nasa opisina niya doc, bakit po?"

"May seminar kasi sa Cebu at siya ang naatasan kong ipadala at si Dra. Trixie," natahimik naman silang bigla pati na ang mga nurse.

"Kailan po ba 'yan doc?"

"Bukas ng umaga ang seminar at mamayang gabi dapat makaalis na sila. And it's a one week seminar"

"That early?" Gulat na saad ni Wallace na nanlaki ang mga mata.

"Yes Doc Wallace pakisabi na lang kay Doc Marco, I'll go ahead." Pagkasabi no'n ay umalis na rin si Doctor Cristobal.

"Naku kasama pa nga ang bruha!" Naiinis na wika naman ni Nurse Yvette.

"Siguro siya lang din nag-suggest na si Doc Marco ang isama. Biruin mo one week niya masosolo si Doc Marco ah!" Si Nurse Gina naman ang nagsalita habang nagsusulat sa lamesa.

"Mukhang posponed na naman ang pagpunta ni Marco kanila Mace ah," bulong ni Wallace sa kan'yang sarili.

"Hey bro!" Bungad ni Wallace nang makapasok na siya sa loob ng opisina ni Marco.

"What? I'm busy." Habang inaayos niya ang mga folders niya sa lamesa na siya namang paglapit ni Wallace.

"Mukhang hindi ka matutuloy kila Mace," nahinto naman si Marco at hinarap ang kan'yang pinsan.

I LOVE YOU DOCTOR (SELF PUBLISHED UNDER KPUB PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon