"Mace anong dish ang lulutuin niyo ngayon? Tanong sa'kin ni Mary habang nasa kitchen kami. Meron sariling kitchen ang school para sa mga HRM students. Kasalukuyang andito kami ngayon sa kitchen at nagpeprepare ng lulutuin namin. Hindi ko kagroup si Mary at heto siya ngayon kinukulit ako.
"Teka nga muna bakit ka ba nandito? ayon yung mga kagrupo moh oh! sabay nguso ko sa mga kagrupo niya.
"Ang sungit mo naman! nagtatanong lang eh" nakahalumbaba siya sa lababo at pinanonood akong maghugas ng mga gulay.
"Ano ba yung sa inyo? Filipino food, italian, european, chinese or what? pagpapatuloy na pangungulit ni mary.
"Filipino food sa amin"
"Hala! buti pa kayo! samin korean food, ang hirap ng amin, nakasimangot niyang sabi.
"Tirhan mo ko mace ah! tapos patikimin din kita ng luto namin.
"okay sige! nagsimula na silang magluto ng sari-sarili nilang dish. Ang sa grupo naman ni macelyn ay kare-kare dahil filipino food ang sa kanila at sa grupo naman nila mary ay korean food. Natapos na silang magluto binigyan naman ni macelyn si mary ng niluto nila. Nagtira din siya ng para kay JK at syempre kay doctor marco.
"Ang sarap naman nito mace! habang ngumunguya siya ng kare-kare.
"Syempre ako pa ba!? pagmamayabang niyang sabi sa kaibigan.
"Baka ikaw lang ang naghiwa at hindi ikaw ang nagtimpla?
"Excuse me! Ako nga lahat ang gumawa, sabay irap naman nito. Napansin naman ni mary ang dalawang tupperware sa gilid nito.
"Kanino naman to?
"Kay JK?
"At?? makahulugang tanong ni mary.
"Alam mo na"!
"aba aba aba! ako tikim lang tapos sila may pabalot pa, nagtatampong wika niya sa'kin.
"Hoy mary mas marami ka pa nga nakain kaysa sa ibinalot ko sa kanila".
"Ewan ko sayo mace unfair ka! Tumawa lang ako sa inakto ni mary.
Papunta ako ngayon sa Med building para ibigay kay Doc Marco ang niluto kong kare-kare, tamang tama ay lunch na ngayon at matitikman niya ang niluto ko. Nasa hallway na ko ng mamataan si doc marco na papunta na sa faculty, tinawag ko siya at lumingon naman kaagad.
"Doc marco!!! sigaw ko habang patakbong lumalapit sa kanya. Hinihingal pa nang makalapit na ko.
"For you doc marco! inabot ko ang isang tupperware na may lamang kare-kare.
"Tamang tama lunch na ngayon may ulam ka na, nagingiti kong wika sa kanya. Tinignan niya muna yon at saka niya kinuha.
"Nag-abala ka pa"
"eh kasi po doc may luto kami kanina sa isang subject marami din naman natira kaya naisipan kong bigyan ka"
"Well thanks!
"Masarap yan doc marco kasi may special ingredients na kasama yan., tumaas taas pa ang kilay ko habang sinasabi yun sa kanya.
"what kind of ingredients is that?
"Eh di LOVE!! napa ubo pa siya na tila ay nasamid sa pagkakasabi ko sa kanya non.
"Doc marco okay ka lang po ba? naku wala ko dalang tubig pambara lang kasi yan".
"Seriously macelyn"?
"hehehe joke lang naman doc marco"
"Okay sige salamat dito"
"sige po doc alis na ko" tumango lang siya at nauna ng maglakad. Hindi pa din siya gaano nakakalayo ay may naisip naman akong kalokohan, unti unting sumilay ang ngiti ko at muli siyang tinawag.
"Doc marco!! sigaw ko ulit sa kanya at humarap naman siya ng nakakunot ang noo.
"I LOVE YOU DOCTOR"!!!!! pagkasabi ko non ay hinugis puso ko pa ang daliri ko at tumakbo na palayo. Naiwan naman siyang nakaawang ang mga labi at nagtataka.Napabuntong hininga ako ng makaupo na ko at nakapwesto na sa aking lamesa, ibinaba ko don ang binigay ni macelyn at tinitigan ko muna. Nailing naman ako at ngumiti ng maalala ko ang ginawa niya sa hallway.
"Tsss! that annoying girl" special ingredients huh?
"Doc marco" tawag sa'kin ni peter, isa ding professor. Nakaupo siya sa harap ng aking mesa.
"one week ka na lang pala dito?
"Ah oo babalik na din ako sa ospital" mabilis na sagot ko naman sa kanya
"E bakit hindi ka na lang magfull time dito? malulungkot na niyan si Miss Andrea kapag nawala ka na dito. Sinulyapan naman niya si andrea na busy sa kanyang laptop. Hindi naman ako sumagot sa sinabi niyang yon.
"Sa susunod na araw na pala ang Foundation day kayo na lang dalawa ni miss andrea ang mag organize dito sa building natin" pagpapatuloy ni peter.
"Ha? e wala naman akong alam sa mga ganyan"
"Wag ka mag-alala aalalayan mo lang naman siya, kumbaga tutulungan mo lang siyang mag-ayos ng mga bagay bagay.
"Aaah, o-okay sige, may pag-aalinlangan kong sabi kay peter.
"Sige doc marco labas muna ko at may klase pa ko" pagkatapos ng pag-uusap naming yon ay lumabas na din siya ng faculty.
Pagkabukas ko ng condo ko ay naabutan ko si wallace sa loob at nakahiga sa mahabang sofa.
"Anong ginagawa mo dito"? ibinaba ko naman ang mga gamit ko sa center table at saka umupo. Bumangon muna siya sa pagkakahiga niya at naupo ng maayos.
"Umuwi ka daw ng bahay sabi ni tito cedric"
"Why should I"?
"Don ka daw magdinner bukas"
"Anong meron"? nagkibit balikat lang siya sa tinanong ko. Naalala ko naman yong binigay ni macelyn kanina hindi ko naman nakain dahil sa dami kong ginawa ngayong araw.
"Dito ka na magdinner may dala akong ulam hindi ko naman mauubos to" yaya ko kay wallace at naghanda na ng pagkain sa lamesa.
"Ooooh!! kare-kare mukhang masarap ah! san galing? umupo na si wallace at sumandok na ng kanin at ulam.
"Bigay ni macelyn" tipid kong sagot
"t-talaga?? wooow!! Deds na deds na sayo bro!
"Shut up wallace! tigilan mo nga yan!
"Wala naman problema bro kung magkagusto ka din sa kanya" she's cute! lovely at napaka bubbly nakaktuwa nga siya eh!
"Alam mo iisipin kong ikaw ang may gusto sa kanya"
"Bakit nagseselos ka"? nakakalokong ngiti ni wallace pagharap sa'kin.
"Bat naman ako magseselos"? naiirita kong tanong sa kanya
"Alam mo bro, Sa kanya mo na lang kaya ibaling yang love mo para kay Lyn? Tutal pareho din naman silang Lyn.
"Pagkatapos mong kumain umuwi ka na ah"! naiinis ko ng sabi sa kanya.
"Easy bro! binibiro ka lang ang init ng ulo mo" pero infairness mas bagay kayo"
Sinamaan ko naman siya ng tingin sa kadaldalan niya.Tinawanan lang niya ko, tuwang tuwa siya kapag inaasar ako. Hindi ko rin lubos maisip kung paano ko natatagalan ang kadaldalan niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/268041548-288-k81794.jpg)
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU DOCTOR (SELF PUBLISHED UNDER KPUB PH)
RomanceSi Macelyn Brilliantes ay isang college student na maiinlove sa isang doctor na sa unang kita pa lang niya ay tumibok na kaagad ang kan'yang puso. Hanggang sa pansamantala namang nagturo si Doctor Marco sa Southville University kung saan nag-aaral s...