"Parang ang saya ata ng kapatid ko ah, anong meron"? Tanong sakin ni kuya mazer habang lulan kame ng kotse para ihatid niya ko sa eskwela. Ganito kami araw araw ihahatid niya ko tapos susunduin naman niya, pero minsan si Jk ang naghahatid sa akin dahil may mga business meetings din na dinadaluhan si kuya at minsan ginagabi ng uwi. "Wala naman kuya. Kailangan ba may dahilan para maging masaya?
"Iba kasi yung ngiti mo ngayon baby girl" it's something like you're in love". Pinamulahan naman ako sa sinabing yun ni kuya at hindi ako makatingin ng deretso sa kanya. "I-inlove? A-no bang sinasabi mo dyan kuya"?
"See? you can't speak properly" Sa daan pa rin siya nakatingin habang nagsasalita siya. "Masyado na ba akong obvious"? Naman!! Napatapik ako sa aking noo.
"Who is he"? Siya ba yung doctor na nagpatibok ng puso mo? Bigla akong napatingin sa kanya na nakaawang ang aking mga labi sa pagkagulat.
"P-pano mo nalaman kuya"?
"it's because I'm your brother and I know everything about you" nakangiti niyang sabi sa'kin.
"Nung time na nagpunta tayo ng ospital nakita kitang napatigil bigla tpos tinignan ko kung sino yung tinititigan mo kaya ayon nalaman ko.
"Hindi ka galit kuya"?
"Bakit naman ako magagalit"? "Natutuwa nga ko kasi ang baby girl ko nagkaka crush na" sabay ngisi niya sa'kin
"Kuya naman! hindi na ko bata ano ka ba! inirapan ko naman siya at kunwari'y naiinis sa kanya.
"E kasi naman ngayon lang kita nakitang ngumiti ng ganyan, hindi ka naman ganyan saken o kaya kay JK, Mace I know you" tulad ng sinabi ko im your brother kaya alam ko kung malungkot ka or inlove ka. Wala ka maitatago sa'kin mace kasi hindi ka ganon kagaling magtago ng nararamdaman. "my goodness! nag-aral ata to ng psychology eh.
"Pano bang malalaman kuya na inlove ka na nga"?
"When your heart beats faster when he's around", at palagi mo siyang gusto makita at makasama, lagi mo siyang naiisip at higit sa lahat hindi mo malalaman na mahal mo na ang isang tao kapag hindi ka nasasaktan. "Bigla akong nalungkot sa huling sinabi sa'kin ni kuya, paano nga kung masaktan ako kakayanin ko kaya ang sakit? nawala ang mga isipin kong yun ng makarating na kami sa school. "Wag mo na ko sunduin kuya mamaya magpapahatid na lang ako kay JK.
"Ok sige mag-iingat kayo ah" pagkasabi niyang yon ay bumaba na rin ako ng kotse at pumasok na sa gate ng aming school. Nakita ko naman si JK na nakatayo sa hindi kalayuan pagkapasok ko ng gate sinalubong niya agad ako ng nakangiti.
"Hi! bati niya kaagad sa'kin ng makalapit na siya.
"Hi! kanina ka pa?
"Nope! kararating ko" sabay akbay naman niya sa'kin. Sanay na ko sa mga paganyan ganyan niya dahil sanay na din kame pareho sa isa't isa. Para ko na nga siyang boyfriend kung umasta siya, todo asikaso.
"Uminom ka na ba ng vitamins mo? "yung gamot mo hindi mo ba nakakalimutang inumin?
"Tapos na po okay, para ka namang sila kuya eh.
"We're just concern about your health"
"I know JK, I know. At saka sasabihin ko naman sa inyo if ever may kakaiba ko nararamdaman. Wait! speaking of nararamdaman. "Nga pala JK may sasabihin ako sayo".
"What is it"? Nakakunot niyang tanong sa'kin.
"Pwede mo ba kong samahan mamaya sa ospital after class"? napahinto siya saglit sa paglalakad at hinarap ako.
"Bakit? may masakit ba sayo? Anong pakiramdam mo? hindi mo ata iniinom mga gamot mo eh! wait tawagan ko si kuya mazer.. Natatarantang sabi niya, pinigilan ko naman siya ng tatawagan na niya si kuya.
"Ano ka ba JK ang OA mo naman! Wala ko sakit okay. May gusto lang ako makita nakangiti kong wika sa kanya.
"Sino naman?
"Si doctor marco"
"Doctor mo? Sa pagkakaalam ko babae ang doctor mo.
"Hindi ko siya doctor", siya lang naman yung ano---napahinto ako sa aking sasabihin dahil hindi ko alam kung pano ko ipapaliwanag sa kanya, at isa pa hindi ko pa naman alam kung ano ang nararamdaman kong ito.
"Siya lang naman yung ano mo? Dugtong niya sa naputol kong sasabihin.
"Basta! sasabihin ko na lang sayo mamaya, tara na nga at malelate na tayo" hila ko sa kanyang kamay."Marco please talk to me"
"Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo kristine"? di ba nag-usap na tayo at nagkaintindihan naman tayo? Naupo ako sa aking swivel chair at bumuntong hininga. Nasa harap ko siya at nakatayo na nakatitig sa akin na may pagsusumamo. Kakarating lang niya dito sa pilipinas galing italy, at heto pinuntahan ako at kinukulit na naman na makipagbalikan sa kanya.
"Oo marco tinanggap ko ang desisyon mo na makipaghiwalay sa'kin because we're both busy and we don't have much time to each other. Pero ngayon nandito na ko, umuwi na ko at hindi na babalik don, nagpalipat na ako dito sa pilipinas for good dahil sayo. At dahil ayokong mawala ka, because I love you marco" And I know you love me too as much as I love you. Ang mahabang niyang litanya siya 'kin.
"Look Kristine----Pinutol niya ang sasabihin ko ng magsalita siyang muli.
"Please marco, magsimula tayo ulit. Kung ano tayo dati.
"Kristine, pwede naman tayong maging magkaibigan na lang. Yon na lang ang kaya kong ibigay sayo.
"Hindi mo na ba ko mahal"? natigilan ako sandali, kinakapa ko kung ano ang sasabihin ko sa kanya. "Mahal ko pa ba siya? Or minahal ko nga ba siya? God! What's this feeling?! hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako sigurado?
"I dont know Kristine" yumuko ako para hindi ko makita ang mga mata niyang nangungusap. Naaawa ko pero hindi ko pwedeng lokohin ang sarili ko.
"I'm not going to give up marco! Ibabalik ko ang pagmamahal mo sa'kin. And I'm really sure of it! Pagkasabi niyang yon ay lumabas na din siya ng aking opisina. Tumayo ako sa aking upuan at pumunta sa may bintana at pinagmamasdan ang mga building doon. Dahil sa lalim ng aking iniisip hindi ko namalayan na nakapasok na pala si wallace.
"DOCTOR MARCO MENDEZ! Napalingon kaagad ako sa aking likuran at nakita si Wallace na nakasandal sa may pintuan ng aking opisina at ang dalawang kamay ay nasa kanyang bulsa.
"Mukhang ang lalim ng iniisip mo bro ah" kanina pa kasi kita tinatawag hindi mo ko pinapansin"
"I-Im sorry" umupo ako sa sofa malapit sa aking mesa at umupo din siya sa pang isahan upuan.
"Nakita ko si kristine na lumabas dito at umiiyak" Napahilamos muna ko sa aking mukha at hinarap siyang muli.
"Gusto niyang magkabalikan ulit kami"
"And then"?
"Sabi ko hindi na kami pwede"
"Why"? hindi kaagad ako nakasagot, ang totoo nyan hindi ko din alam. Sa halip na sagutin siya tumayo na ko sa pagkakaupo para lumabas ng aking opisina. Hindi ko pa nabubuksan ang pinto ng muli siyang magsalita.
"Because you didn't love her anymore? Or should I ask minahal mo nga ba talaga siya? Napamaang ako sa kanyang mga sinabi. Lumapit siya sa'kin at tinapik lamang ako sa balikat.
"It's okay bro, mas maigi pang sabihin mo na sa kanya kung ano talaga yang nararamdaman mo, alam kong naguguluhan ka pa dahil isinara mo yang puso mo dahil lang sa iisang tao lang ang gusto mong papasukin dyan sa puso mo. "yeah wallace is right!
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU DOCTOR (SELF PUBLISHED UNDER KPUB PH)
RomanceSi Macelyn Brilliantes ay isang college student na maiinlove sa isang doctor na sa unang kita pa lang niya ay tumibok na kaagad ang kan'yang puso. Hanggang sa pansamantala namang nagturo si Doctor Marco sa Southville University kung saan nag-aaral s...