CHAPTER 11

186 2 0
                                    

"Lyn!!? Kasalukuyang papasok na kami ng coffee shop, Napahinto ako sa aking paglalakad at nilingon kung sino ang tumawag sa akin. Nagulat pa ako ng makilala ko kung sino ang tumawag sa'kin, dahil siya lang naman ang natatanging tumatawag sa 'kin nang Lyn.
"Tita sabel"? Niyakap ko siya ng mahigpit. Tita sabel is my mom's bestfriend, bihira na lang kami magkita dahil nagmigrate na sila sa canada, Highschool pa ko ng huli kami magkita bago pa kami maaksidente. Kumalas kaagad ako sa pagkakayakap at inaya ko muna siya pumasok sa loob ng coffee shop.
"Kelan ka dumating tita sabel"? masayang bati ko sa kanya ng makaupo na kami.
"Nung nakaaraan araw lang, actually papunta na sana ko sa inyo ngayon eh, buti nakita kita.
"Pauwi na din naman po ako kaso antayin lang namin si JK muna dito, siya nga pala tita sabel si Mary kaibigan ko po"
"Hello poh" bati ni mary
"Hello din hija" umorder muna kami saglit saka tinuloy ang aming kwentuhan.
"Si kuya mazer mo pala kumusta?
"Okay lang po tita, medyo busy din sa kumpanya"
"Ang kuya mo ba may girlfriend na" curious na tanong ni tita sabel.
"Naku tita wala! sabi ko nga sa kanya mag girlfriend na eh, matanda na siya wala pa ring jowa, nagkatawanan naman kami. Ever since hindi nagpakita ng interes sa babae si kuya, pero meron naman daw siya minahal kaso hindi niya niligawan.
"Ano ba naman yang kuya mo ang hina" naiiling na sabi ni tita sabel. ilang minuto pa kami nagkakwentuhan nang dumating na din si JK at pinakilala ko naman siya kay tita sabel. Ewan ko ba kung bakit kami tinutukso ni tita at mary,. na kesyo bagay daw kami kase parehong maganda at gwapo. Maswerte na daw ako kay JK. Tama naman sila maswerte naman ako sa kanya kasi naging bestfriend ko siya, hindi ko siguro maisip kapag nawala siya sa'kin. Sana nga natuturuan ang puso, sana nga talaga siya na lang ang gusto ko.
Maya maya pa ay nagpasya na din kami umuwi, si mary ay pinauna muna namin sumakay ng taxi. Inanyayahan ko naman si tita sabel na pumunta muna sa bahay at tiyak matutuwa si kuya kapag nakita siya, pumayag din naman siya at sumakay na kami sa kotse ni JK.
Saktong pag-uwi namin ay nandon na din ang sasakyan ni kuya. Pagkapasok namin ng bahay nakita namin si kuya na nasa salas at nanonood ng t.V. Nagulat siya ng makita si tita Sabel.
"Tita Sabel I'm glad you're back! masayang bati niya dito at niyakap ng mahigpit.
"Mas lalo ka gumwapo mazer! Hinawakan naman nito ang dalawang pisngi ni mazer.
"Gwapo nga tita pero wala pa ding jowa! tinawanan naman nila tita sabel at JK ang sinabi ko samantalang si kuya sinamaan naman ako ng tingin.
"Dapat sinabi mo tita na dadalaw ka para nakapagpaluto ako kay nana lumen"
"Naku mazer hindi na kailangan, hindi din naman ako magtatagal gusto ko lang naman kayo kumustahin ni Lyn". Naupo muna sila sa sofa at nagkwentuhan.
"Kumusta kayong magkapatid? panimula ni tita sabel ng makaupo na kami.
"Ayos naman po tita" si mazer ang sumagot. "Kayo tita kumusta?
"Heto bakasyon muna ako ng isang bwan para makauwi dito sa pilipinas" Ikaw naman Lyn, okay ka na ba? wala ka na bang nararamdamang kakaiba?
"Okay na po ako tita magaling na din po ako, basta naiinom ko lang yong mga gamot ko" nakangiti kong sabi kay tita sabel na hinawakan naman ang aking kamay.
"Okay na yan tita inlove na nga eh! nakangusong baling ni kuya mazer kay tita sabel.
"Talaga Lyn"!? gulat na tanong ni tita at maya maya ay sinulyapan si JK.
"Sabi ko na nga ba eh! si JK talaga yon! ayaw niyo pa aminin! maging kami ni JK at nagulat sa sinabi ni tita sabel kaya mabilis ko itong tinanggi.
"Tita sabel hindi po, magkaibigan lang po talaga kami"
"Yeah right tita, saka iba po ang gusto niya" mapait naman na ngumiti si JK
"Oh? sino siya Lyn? curious na tanong naman ni tita sabel.
"He's a doctor, nagtuturo din po siya sa school na pinapasukan namin kaso pansamantala lang po.
"Pakilala mo sa'kin nang makilatis namin ni kuya mo!
"Hala tita hindi pwede! I mean, ako lang naman po ang may gusto sa kanya eh, malungkot kong wika dito na ikinatahimik naman nila. Tumikhim muna si kuya bago nagsalita.
"Ah tita san ka pala tumutuloy ngayon para madalaw ka namin minsan ni mace?
"Nagcheck in muna ko sa hotel hijo bali bukas pupunta muna ko sa san mateo para dalawin yung ibang kamag-anak namin don, sasabihan na lang kita kung kailan ang balik ko"
"Sige po tita" ilang oras pa ang lumipas ay nagpaalam na din si tita sabel. Maya maya pa ay si JK naman ang nagpaalam na uuwi na, hinatid ko siya sa labas ng bahay. Papasok na sana siya ng kotse niya ng humarap sa'kin at magsalita.
"Mace?
"hmmmn? nagkatitigan muna kami saglit. Nagulat naman ako ng bigla niya na lang akong yakapin. Niyakap niya ko ng mahigpit.
"May problema ba"? tanong ko habang yakap pa rin ako.
"Please let me hug you like this for one minute and I'll be better" he said in a husky voice. Naguguluhan man ay hinayaan ko na lang siya. Makalipas ang ilang minuto ay kumalas na din siya ng pagkakayakap sa'kin at ngumiti ng matamis.
"Get inside mace, its getting cold" tumango lamang ako at hinintay ko muna siyang makaalis at saka na din ako nagpasyang pumasok.

MARCO POV

"LYN!!! nanigas ako bigla at hindi makagalaw sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang pangalang yon. Tama ba ang narinig ko?  ang dami ko naman na naririnig na tumatawag ng ganyang pangalan pero bakit ito kakaiba? Bigla na lang kumalabog ang puso ko at nilingon ko kung saan nanggaling yon nagpalinga linga pa ako ngunit wala akong makita. Saglit pa ulit akong nagpalakad lakad at hinanap kung sino ang tumawag sa pangalang yon, pero wala talaga. Baka nagkamali lang ako ng dinig, napailing na lang ako sa mga naiisip ko, at nagpasyang umalis na lang. Sa condo ko ako dumeretso, nang makarating na ako sa condo ko ay pabagsak akong naupo sa aking sofa, sumandal ako at mariing pumikit. "Nagkamali lang ba ko ng dinig kanina"? iba na naman sigurong Lyn yon,  pero bakit ganon may kung anong kumalabog sa puso ko na parang siya nga yong kilala kong Lyn?
"Fuck!! Napasabunot na lang ako sa aking buhok dahil kanina ko pa iniisip yon" kanina pa din ako hindi mapakali.
Napagpasyahan kong tawagan si wallace para yayain mag bar.
"Hello wallace" napakunot ang noo ko ng may kakaiba akong narinig sa kabilang linya, tinignan ko muna ang telepono ko kung tama ba ang tinawagan ko, nakagay naman ang pangalan ng pinsan ko.
"Ooooh shit! aaaaah…." I'm cumming hon! aaaaah…."
"What the fuck!! napamura na lang ako naririnig ko ang isang ungol ng babae. Nakikipaglaro na naman ito ng apoy. At hindi nagtagal ay narinig ko na si wallace 
"Hey bro!  hinihingal pa nitong sagot na mukhang nakaraos na. Bumuntong hininga muna ko bago nagsalita.
"Fuck wallace! hindi ba't duty ka ngayon?
"Yes bro, I'm in my office right now!
"w-whaaat?!? you mean__?? tumawa muna ito ng malakas bago ako nito sinagot.
"E sa dito ako inabutan eh, at isa pa siya naman ang pumunta dito sa opisina ko. humugot muna ko ng malalim na buntong hininga.
"Let's go to roco's bar,
"Why? is there any problem?
"I'll tell you later, antayin na lang kita don.
"Alright bro" pagkatapos kong makipagusap kay wallace ay naligo muna ko bago pumunta ng bar.

Umupo ako sa bar counter at umorder ng alak na kadalasang iniinom ko, nang maubos ko ng isang baso ay umorder pa ulit ako ng isa, inisang lagok ko lang din ito. Nang hindi pa makuntento ay umorder pa ulit ako, gawa ng nauna at pangalawa inisang lagok ko ulit ito. Tumabi naman sa'kin si roco ang kaibigan kong may-ari ng bar.
"Mukhang ang laki ng problema natin ah! nangingiti niyang baling sa'kin.
"I just want to calm myself" bago pa siya sumagot ay umorder na muna siya ng alak sa bartender. Ininom niya muna ito bago ako binalingan.
"Dont tell me pare babae na naman yan? nakangisi niyang titig sa'kin. Ngumiti lang ako dito.
"I knew it! At alam kong hindi si kristine ang dahilan kung bakit ka nandito" He already knew about Lyn. Masyado na daw akong obsessed dito. sinasabi nila na kalimutan ko na daw ang first love ko kasi malabong makita ko siya, naghired pa nga ako ng private investigator noon pero wala din akong napala, mahirap daw maghanap nang walang tiyak na pangalan ni picture at address niya wala ako. Nasa kalagitnaan kami ng pag-iinom ni roco nang bigla dumating si wallace nagtanguan lang kaming tatlo bilang pagbati at umupo din sa kalapit ko.
"Bro mukhang nakakarami ka na ah! sabay tapik nito sa aking balikat.
"Kailangan ko na ba siyang kalimutan? malungkot kong wika habang nakatingin ako sa basong hawak ko na may lamang alak. Nagkatinginan muna si roco at wallace, si roco na din ang nagsalita.
"Pare ibaling mo na lang sa iba yang pagmamahal mo, mahirap makulong sa iisang tao na kailanman hindi mo na mahanap.
"Oo nga bro, andyan naman si kristine she loves you"
"tsss! you know wallace that I didn't love her anymore.
"You didn't love her anymore or you didn't even love her because of your first love? parang biglang nawala ang pagkalasing ko ng sabihin sa'kin yon ni wallace. Masyadong patama sa'kin ang mga salitang yon. Siguro nga tama sila, kakalimutan ko na si Lyn.
Dahil sa medyo may tama na ko, si wallace na ang naghatid sa condo ko iniwan ko na lang muna ang sasakyan ko sa bar at dadaanan ko na lang bukas.
Nang maihatid na ko ni wallace ay nagpaalam na din siya kaagad, hinubad ko ang aking suot na polo shirt at khaki short nag boxer na lang ako hindi ko na kaya pang maligo, kaya bukas ko na lang ito gagawin. ilalagay ko na sana sa laundry basket ang hinubad ko nang may biglang nahulog mula sa bulsa ng aking short na suot ko lang kanina. Bracelet yon ni Lyn. Pinulot ko ito sa sahig, lagi ko itong bitbit saan man ako magpunta.
Pero this time…..Pinasya ko na lamang itong itago sa aking drawer ng study table.

I LOVE YOU DOCTOR (SELF PUBLISHED UNDER KPUB PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon