CHAPTER 8

180 5 0
                                    

isang linggo na ang lumipas ay ganon pa din ang pakikitungo niya sa akin. Laging nagsusungit lalo na kapag kinukulit ko. Pero habang lumilipas ang mga araw ay lalong lumalalim ang pagtingin ko sa kanya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, hindi ko pa naman siya gaanong kilala at sa unang kita ko pa lang sa kanya ay tumibok na kaagad tong puso ko. Siya ang kauna unahang lalaking nagpatibok nitong abnormal kong puso. Minsan nagagawi ako sa med building kung saan siya nagtuturo at pinupuntahan ko din siya sa faculty pero sa labas lang ako. Masulyapan ko lang siya ay ayos na sa'kin kahit hindi ko siya makausap feeling ko buo na ang araw ko kapag nakikita siya. Masaya din ako kasi araw araw ko siyang nakikita sa school pero mas lalo akong sasaya kapag nakita ko siyang ngumiti sa akin. At heto ako ngayon papuntang Med. building ulit para masilayan siyang muli bago ako umuwi. Papunta na ako sa faculty ngayon na may ngiti sa labi dahil makikita ko na naman si doc marco. Nasa tapat na ko ng faculty at unti unting sumilip sa salamin ng pinto, pero nagulat ako sa aking nasaksihan. Yung kasamang babae ni doc marco nung minsan sa canteen parang may pinag-uusapan silang seryoso. Nakatayo sila pareho at nakaharap sa isa't isa hindi ko lang marinig ang kanilang pinag-uusapan. At ang mas ikinagulat ko ay ang pagyakap ni doc marco dun sa babae. Sa nakita ko ay parang may kumurot sa aking puso, unti unting nangingilid na ang aking mga luha na maya maya ay handa ng bumagsak. Bago pa ito bumagsak ay may humikit na sa aking braso at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ko na siya kailangan tingalain para mapagsino ito. Hinaplos niya ang aking buhok at unti unti ding tinapik ang aking likod.
"kanina pa kita hinahanap andito ka lang pala" malumanay niyang wika habang yakap pa din ako. Unti unti din naman akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya ng hindi siya tinitignan, ayoko siyang titigan baka hindi ko mapigilan ang sarili ko ay bigla na lang magsibagsakan ang aking mga luha.
"Lets go", kanina ka pa hinahanap ni kuya mazer kakatawag lang niya sa'kin sabi ko pauwi na tayo", yaya niya sa'kin. Hinawakan na niya ang kamay ko at nagsimula ng maglakad palabas ng building na yon. Habang nasa kotse kami ni JK ay ang bigat bigat ng pakiramdam ko, bakit kailangan kong makita yon? ano bang meron sila? sabagay balewala din naman kung magiging ganito ako, dahil wala akong karapatang magselos. Pero bakit ang sakit? eto na ba yung sinasabi ni kuya? Nakasandal ako sa may bintana at nakatingin lang sa aming dinaraanan habang iniisip ko ang mga bagay na yon. Nanatiling tahimik kami ni JK at hindi na siya nagtanong. Nang makarating kami sa aming bahay ay kaagad din akong bumaba ng kotse at sumunod din muna si JK para pumasok muna sa loob. Nakita kong nag-aabang si kuya sa may salas habang umiinom ng kanyang kape, kaagad naman niya kami sinalubong pagkapasok namin.
"How's my baby girl"? hinalikan naman ako ni kuya sa noo at binati si JK na nasa aking likuran.
"I'm fine kuya, walang gana kong sagot sa kanya. "Kuya akyat muna ko sa kwarto ko ah, pagod kasi ako eh.
"Ah o-okay baby girl tatawagin na lang kita kapag kakain na. "Tumango lang ako at umakyat na sa aking kwarto, hindi na ko nakapagpaalam kay JK kasi anumang oras ay babagsak na ang kanina ko pa pinipigilang luha. Nang makarating na ko sa aking kwarto ay dun na nagsimulang bumagsak ang aking mga luha napaupo na lang ako sa likod ang pinto at sinubsob ko ang mukha ko sa aking tuhod. "ganito pala kasakit".pero hindi pa din ako susuko sa kanya.
"What happened to her"? nagtatakang tanong ni mazer kay jk ng wala na si macelyn sa harap nila.
"pagod lang siya kuya mazer alam mo na ang dami nilang ginawa kanina". Paliwanag ni jk para hindi na mag-alala pa ang kuya niya, pero ang totoo ay alam niya kung ano ang dahilan. Maging siya ay nasasaktan sa nakikita kay macelyn. Maya maya ay nagpaalam na din siya na uuwi na, sinabi nito kay mazer na siya na lang ang susundo sa dalaga, pumayag din naman ito.
"Miss andrea I dont know what to say" naguguluhang sagot niya kay andrea, isa din kasi itong prof sa naturang eskwelahan. Nagconfess kasi ito kay doc marco na gusto siya nag propesor kaya laking gulat na lamang nito na bigla siyang magsalita ng ganon. Mariin naman niyang tinaggihan kaagad si andrea na siya namang ikinalungkot nito.
"Im really sorry miss andrea but I can't accept your feelings"
"Hindi mo naman kailangan sagutin kaagad yung mga sinabi ko, malay mo naman magbago yang feelings mo at madevelop ka sa'kin. Naluluhang sabi ni andrea. Nagpakawala muna ng malalim na buntong hininga si marco bago muling nagsalita.
"I'm s-sorry" iyon na lamang ang tangi niyang sinasabi kay andrea. At nang napansin niyang umiiyak na ito, niyakap na lamang niya ito para kahit doon man lang ay mapagaan niya ang kalooban nito.

JK POV

Kakatapos lang ng huling klase ko at naisipan kong tawagan si macelyn, pero nakapatay ang cellphone nito. Kaya napagpasyahan kong puntahan siya sa kanilang building, Sakto nakita ko naman ang isa nitong kaibigan na si mary at tinanong kung asan si macelyn. Sinabi nito na nasa Med. building na naman ito at balak na naman puntahan si doc marco. Mabibigat ang mga hakbang ko habang papunta sa building na yon. Kaagad ko naman siyang nakita dahil alam kong sa faculty siya pupunta. Hindi pa ako nakakalapit ng mapansin ko ang malungkot niyang mukha habang nakatingin sa harap ng pinto. Ayokong nakikita siyang ganon, sanay akong lagi siyang nakikitang masaya. Unti unti naman ang paglapit ko sa kanya ng hindi niya napapansin. Nakita ko ang pangingilid ng kanyang mga luha na anumang oras ay papatak na ito sa kanyang mga pisngi. Pero bago pa mangyari yon ay kaagad kong hinaklit ang kanyang braso at ikinulong sa aking mga bisig. Hindi ko gustong nakikita siyang umiiyak, dahil mas doble ang sakit sa'kin non. Tinignan ko naman ang salamin sa may pinto ng faculty kung saan ay kita ang loob noon. Nakita ko si doc marco na kayakap ang isang babae. Habang nasa sasakyan ay hindi ko muna siya tinanong dahil alam kong lalo lamang siyang masasaktan dahil sa nakita niya. Nakarating kami sa kanilang bahay ng hindi nag-uusap at panaka naka ko siyang tinitignan, hahayaan ko na lng muna siya. Pagkarating ko sa aking apartment ay hinubad ko kaagad ang suot kong uniform at nagtungo ka banyo para maligo. Habang nasa shower ay hinahayaan ko lang bumuhos ang tubig sa aking katawan. Hindi ko mapigilang isipin si macelyn. Sa tagal naming magkaibigan ay hindi ko man lang nakuha ang puso nito. Nagpapahiwatig ako sa kanya minsan pero iniisip niyang biro lamang ito. Mahal na mahal ko si macelyn pero hindi ako ang tinitibok ng puso niya. Kuntento na ko na napapasaya ko siya at naalagaan siya. Gagawin ko ang lahat para kay macelyn kahit na ikasasakit ko pa basta makita ko lang siyang masaya. Hindi ko namalayan na unti unti na palang pumapatak ang aking mga luha ksabay ng pagpatak ng malamig na tubig sa aking mukha.

I LOVE YOU DOCTOR (SELF PUBLISHED UNDER KPUB PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon