"Marco bumalik ka dito!" Sigaw ng aking ama habang tumatakbo ako palabas ng aming malaking gate. Tulala ako habang naglalakad sa daan at hindi alam kung saan pupunta hanggang sa makarating ako sa isang parke. Naupo ako sa swing at nakayuko habang humihikbi. Maya-maya ay may lumapit sa aking isang batang babae.
"Hey why are you crying? Are you okay?" Nanatili lang akong nakayuko at hindi siya pinapansin.
"Don't worry everything is gonna be okay, always smile and be happy," nag-angat naman ako nang tingin at tinitigan ang batang babae na sa tantya ko ay nasa anim o pitong taon, nakangiti ito sa'kin at maya-maya'y isinuot nito sa'kin ang kan'yang bracelet na may pangalang Lyn.
"Ayan, para hindi ka na mag-cry ibibigay ko na lang sa'yo 'yan. Sana magkita pa ulit tayo," at bigla na siyang tinawag ng kan'yang mommy. Tinitigan ko naman ang bracelet na sinuot niya sa'kin na may pangalan niyang Lyn.
"Magandang pangalan kasing ganda ng mukha niya," sabi ko sa aking sarili. Lumipas ang mga taon ay parati na akong nagpupunta sa park kung saan ko siya unang nakita ngunit hindi ko na siya muli pang nakita hanggang sa pumunta ako ng America para doon mag-aral ng medisina. Nag-hire pa ako ng private investigator para ipahanap si Lyn habang nasa ibang bansa ako. Ngunit hindi pa rin nila ito mahanap dahil kulang ang impormasyon na binigay ko at napaka-hirap hanapin dahil ni apelyido ay hindi ko alam. Hanggang sa bumalik ako ng Pilipinas nang makatapos na ako sa aking pag-aaral ay muli ko siyang pinahanap pero sa huling pagkakataon ay hindi ko pa rin siyang nakita.
"Bro hindi mo siya mahahanap kung Lyn lang ang tanging alam mong pangalan ni picture wala ka, saad ni Wallace at kasama ko dito sa bar ni Roco na isa rin naming kaibigan.
"Oo nga Marco paano ka magkaka-girlfriend niyan kung nakakulong ang pagmamahal mo sa first love mo na hindi mo nga masyadong kilala, wika naman ni Roco.
"Hi! Bati sa'min ng isang magandang babae na lumapit sa'min. Siya si Kristine. Naging kasintahan ko siya sa loob ng tatlong taon at nagkahiwalay din kami. Siguro dahil na din sa hindi pa ko nakaka-move on kay Lyn. Ayoko siyang paasahin at saktan sinubukan ko naman siyang mahalin pero iba ang tinitibok ng puso ko. At nakilala ko si Macelyn ang nagpabago nang tibok nitong puso ko. Halos araw-araw akong kinukulit ng magsimula na ako magturo sa Southville University, minsan nahuhuli ko pa siyang sumusilip sa faculty pero hindi ko na lang ito pinapansin.
"DOCTOR MARCO!" Sigaw nito sa'kin.
"I LOVE YOU DOCTOR!" Napaawang ang aking mga labi dahil sa sinabi nito, this girl is crazy! Sabi ko na lang sa aking sarili. Habang tumatagal ay hindi ko na alam kung ano na talaga ang nararamdaman ko kay Mace. Naiinis ako kapag nakikita kong palaging magkasama si Jk at Mace. Parati rin akong dumadaan sa Southville noong time na tapos na ako magturo doon para lang makita siya. Minsan na akong naglalagay ng red roses sa locker ni Macelyn dahil hindi ko alam kung paano sasabihin sa kan'ya ang tunay kong nararamdaman, hanggang sa si Wallace ang gumawa ng paraan para mapaamin ako. Noong una naging maayos ang relasyon namin, at dumating ang araw na kailangang dalhin si Mace sa ibang bansa para doon isagawa ang transplant niya. Tumagal ng ilang bwan ang nilagi niya doon at hindi ko man lang siya nakakausap at nalaman ko na lang kay Mazer ang dahilan. Hindi ko maintindihan kung bakit niya naisip ang mga bagay na 'yon, imposibleng magkaroon ako ng iba dahil matagal na kaming tapos ni Kristine.
Halos araw-araw akong nasa bar ni Roco at lagi namang si Wallace ang nag-uuwi sa'kin kapag nalalasing ako.
"Huwag ka na nga mag-iinom ah! Ginagawa mo akong alalay at driver mo kapag nalalasing ka eh!" Singhal ni Wallace sa'kin. Nalaman ko na lang ito nang umuwi siya galing States. Hindi ko rin naman siya masisisi kung bakit naging ganoon ang reaksyon niya. Naging okay ulit kami ni Mace at mganda naman ang naging takbo ng aming relasyon hanggang sa dumating ulit ang susubok sa aming relasyon. Hindi inaasahang naaksidente si Mace ng sundan ko siya sa airport dahil aalis ito at kagagawan 'yon ng aking ama. Halos gumuho naman ang aking mundo nang malaman kong nagdadalang tao siya. Feeling ko parang ako ang nahihirapan dahil sa kalagayan niyang iyon. Mahal na mahal ko si Lyn pati na rin ang magiging anak namin hindi ko kaya kung isa sa kanila ang mawawala. Kaya ginawa ko ang lahat para lang mailigtas ko ang mag-iina ko. Araw- araw akong nagreresearch kung ano ang mga gagawin kung sakali. Walang pahinga, walang gaanong tulog pero ayos lang basta maging okay lang sila. Nailabas na ang aming mga anak at isang buwan lang ang pagitan nito ay nagising na rin si Lyn kaya naman dali-dali akong tumungo kaagad ng ospital hindi ko na inintindi kung ano man ang suot ko ngayon basta ang mahalaga ay makita ko na kaagad ang asawa ko.
Ang siraulo kong pinsan kahit kailan gustong-gusto akong pagtripan. Pinagpanggap niya si Lyn na may temporary amnesia. Pero malaki rin ang utang na loob ko kay Wallace at habang buhay kong tatanawin 'yon. Masayang masaya na 'ko ngayon dahil buo na ang pamilya namin at nagkaayos na kami ni daddy.
Nakauwi na rin ang aming kambal sa bahay. Kita ko ang pag-aalaga ni Mace sa aming kambal, nahihirapan man siya pero hindi ko siya nakitaan ng reklamo.
"Babe tulog ka na ako naman ang magbabantay sa mga bata tutal himbing na rin naman ang tulog nila, wika ko sa aking asawa na tinatapik si Madeline sa crib.
"Hindi ba may pasok ka pa bukas?"
"Okay lang namang malate ako wala namang gaanong pasyente, gusto kong makapagpahinga ka naman"
"Sige babe, gisingin mo 'ko kapag umiyak sila ah?"
"Okay babe," hinalikan ko siya sa labi at humiga na si Mace sa aming kama at ako nama'y tinitigan ang aking dalawang anghel na himbig sa pagtulog.
"Mahal na mahal ko kayo mga anak, wala na akong hihilingin pa dahil binigay ng lahat ni lord. Sobrang mahal ko kayo ng mommy niyo. Hinalikan ko naman sa noo ang aking kambal. At muli ko namang tinitigan ang aking asawa na ngayo'y himbing na ring natutulog.
"Thank you my wife for not leaving me..."
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU DOCTOR (SELF PUBLISHED UNDER KPUB PH)
RomanceSi Macelyn Brilliantes ay isang college student na maiinlove sa isang doctor na sa unang kita pa lang niya ay tumibok na kaagad ang kan'yang puso. Hanggang sa pansamantala namang nagturo si Doctor Marco sa Southville University kung saan nag-aaral s...