CHAPTER 27

183 3 0
                                    

Nagbabasa ako ng mga files ng pasyente ko dito sa aking opisina ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa bulsa ng aking pantalon, nakita ko ang pangalan ni mama sa screen kaya naman napangiti ako. Tumayo ako sa aking swivel chair at humarap sa bintana sa likod ng aking mesa at sinagot ang tawag ni mama.

"Hello mom!" masayang bati ko sa kabilang linya.

"Hello Marco anak kumusta ka na? Namiss ko ang boses ni mama it's been one month ng huli kaming mag-usap at matagal na rin kaming hindi nagkikita ni mama simula nang umalis siya ng bahay. Panay tawag at videocall lang kami. She's now ni New York at meron siyang business do'n. Nagtayo siya ng boutique at nagkaro'n na rin ng branch sa iba't ibang lugar.

"I'm okay mom! how are you? kailan ka uuwi dito?"

"I dont know hijo, marami pa rin kasi akong inaasikaso dito eh"

"Iniisip mo ba si dad kung bakit hindi ka pa umuuwi ng pilipinas?" malungkot kong tugon sa aking ina. Narinig ko pa siyang bumuntong hininga bago siya muling nagsalita.

"Uuwi ako anak pero hindi ko pa alam kung kailan"

"Don't worry mom I understand" may gusto sana kong ipakilala sa'yo kapag nakauwi ka na"

"Sino hijo? girlfriend ba yan?" May himig nang tuwa sa boses ni mama. Napangiti naman ako.

"Yes mom!"

"Congrats anak masaya ako para sa'yo"

"Thanks mom kaya umuwi ka na para makilala mo na siya," nakangiti kong saad sa aking ina.

"I will hijo, I miss you anak"

"I miss you too, you take care okay?"

"Yes anak see you soon!"

"I love you!"

"I love you too anak." Pinatay ko na kagad ang tawag at inilagay sa bulsa ko ang aking cellphone. Maya-maya ay naalala ko si Macelyn, kaya kinuha ko itong muli at dinial ang number niya. Ngunit hindi nito sinasagot kaya naisip ko baka busy siya at tatawagan na lang siya mamaya.

MACELYN POV:

Limang araw na simula ng umalis si Jk at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako tinatawagan, huli pa kaming nag-usap ay noong tinawagan ko siya na nasa batangas na pala siya. Pagkatapos non ay hindi na niya ko tinawagan o tinext man lang. Nagbebake ako ng brownies ngayon para kay Doctor Marco, wala na kaming klase ngayon kasi sembreak na at may time akong makita si Doc Marco. Nag-ring ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa, dali-dali ko itong kinuha sa pag-aakalang si Jk ang tumatawag miss na miss ko na ang bestfriend ko. Pero nakita kong si kuya ang tumatawag kaya sinagot ko kaagad.

"Hello kuya!" Nakangiti kong bungad sa kan'ya.

"Hi baby girl! kumusta ka na? hindi ka ba pasaway kay Nana Lumen?" umirap naman ako na animo'y nakikita niya.

"Ano ako kuya bata para maging pasaway?" Narinig ko pang tumawa si kuya.

"Siyanga pala maya-maya nand'yan na rin ako, pauwi na 'ko ngayon"

"Talaga kuya!? sigaw ko naman, dahil miss ko na rin si kuya.

"yes baby girl I'm on way"

"Okay kuya at may sasabihin din ako sa'yo mamaya"

"What is it?"

"Mamaya na lang pag-uwi mo 'wag excited!" natatawa ko namang wika sa kan'ya.

"Alright! see you later baby girl!"

"Okay kuya ingat!" Pagkatapos nang pag-uusap namin ni kuya ay hinanda ko na ang brownies na binake ko para kay Doc Marco. At pag-uwi naman mamaya ni kuya ay sasabihin ko na sa kan'ya ang tungkol sa'min ni Doc Marco, at paniguradong matutuwa siya. Nagsuot lang ako ng faded jeans at simpleng white shirt at sandals. Nagpaalam ako kay Nana Lumen na aalis muna at pupunta kay Doc Marco, alam na rin niya ang sa'min ni Doc Marco dahil naikuwento ko na rin sa kan'ya kaya naman tuwang-tuwa si Nana Lumen nang malaman niya, at pag-uwi naman ni kuya ay sasabihin ko na rin sa kan'ya. Nasa ospital na ako at papunta sa opisina ni Doc Marco bitbit ang binake kong brownies, excited na akong makita siya. Nakita ko namang medyo nakaawang ang pinto ni Doc Marco kaya hindi na ako nag-abala pang kumatok. Itutulak ko na sana ang pinto nang marinig kong may kausap siya, kaya hindi muna 'ko pumasok baka makaistorbo pa ako. Pero hindi ko kinaya ang narinig sa kan'ya.

I LOVE YOU DOCTOR (SELF PUBLISHED UNDER KPUB PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon