CHAPTER 20

210 2 0
                                    

"Bro are you okay?” tanong ni Wallace nang makarating na kami sa parking lot ng mall.

"What's that ha wallace?! Inis na tinignan ko ang pinsan ko, pero tinawanan lamang ako nito.

"What do you mean what's that?  Bro alam mo napaghahalataan ka eh!” naiiling na saad niya sa akin.

"Pinagsasabi mo?! sumandal ako  sa nguso ng aking kotse at naka ekis ang aking mga braso.

"If you really do like her why don’t you tell her right away?”

"W-what?!

"Alam mo Marco basang-basa na kita base sa mga kilos mo, action speaks louder than words bro," natatawang saad niya naman sa'kin. Hindi ako makapagsalita sa sinabing ‘yon ni Wallace. Mahal ko na nga ba si Macelyn? Hindi ko naman maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong ikumpirma ito kung tunay nga ba talaga ang nararamdaman ko para kay Macelyn. Naguguluhan ako kung paano. Huminga muna ako ng malalim at mariing pumikit.

"Bro mahal mo na ba talaga si Macelyn? or baka naman ‘yang nararamdaman mo is awa lang?” Natigilan akong bigla at seryosong tinitigan si Wallace. "Tatanungin ulit kita Marco, mahal mo na ba si Macelyn or sadyang awa lang ang nararamdaman mo? kasi kung awa lang ‘yan bro, itigil mo ‘yan. She deserve to be loved. H’wag mo siyang gamitin para lang makalimutan mo si Lyn. Mahalin mo siya dahil iyon ang tunay mong nararamdaman.” Tinapik muna niya ako sa balikat at sumakay na sa sarili niyang kotse.

Nagluto ako ng iba't-ibang putahe para sa dinner namin mamaya, tumulong naman si Jk at Nana Lumen sa pagluluto. Nagluto ako ng adobong manok, sweet and sour, buttered shrimp at nag-bake na rin ng cake. Bago mag-alas syete ay natapos na rin kami sa pagluluto, kasalukuyang hinahanda na namin ang lamesa nang makarinig kami nang ugong ng sasakyan, hudyat na nakauwi na si kuya. Sinalubong ko naman s'ya mula sa sala.

"Hi kuya!” Niyakap ko ito at hinalikan naman niya ako sa aking noo.

"Nasa labas pa lang ako amoy na amoy ko na “yong pagkain ah!”

"Halika na kuya kain na tayo,” nagtungo na kami sa dining area. Laking gulat ni kuya Mazer na ang daming nakahandang pagkain.

"Ang dami naman yata nitong niluto mo baby girl"

"Naku kuya Mazer siya ang punong abala kanina sa pagluluto niyan tiga-hugas nga lang ako ng plato eh,” natatawang sabi ni Jk na siyang nauna nang umupo.

"Talaga? Well thank you Mace"

"Kuya I'll be the one who said that. Thank you kuya for everything, kahit hindi mo sabihin alam kong nahihirapan ka. Nakikita ko ‘yon kuya, sa tuwing nakikita kitang malungkot, ako ang mas lalong nasasaktan kasi hindi ko kayang makita ka sa ganoong sitwasyon. Sanay ako na nakikita kitang masaya. At mas lalo akong magiging masaya kapag nakita kitang masaya sa piling ng taong mahal mo. Kaya kuya find a girlfriend, kung ako ang iniisip mo, don’t worry I'll be fine. Gusto kong maging masaya ka rin.” Maluha-luha naman akong hinarap ni kuya. Napaka-swerte ko kasi siya ang naging kapatid ko. Ni minsan ay hindi niya ako pinabayaan.

"Sige baby girl bukas na bukas makikipag date na ‘ko!” biro naman ni kuya sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko at ni Nana Lumen sa narinig.

"Ibig sabihin hijo narito na siya?” wika ni nana lumen na halata ang pagka gulat.

"Kuya siya ba ‘yong kinukuwento mo nokng college ka?”

"Siya nga hija! naku napaka-gandang dalaga no’n! pag nakita mo ‘yon hi___”

"Aahm Nana Lumen,” putol ni kuya sa sasabihin ni Nana Lumen.

"Hindi pa naman po sigurado kasi alam niyo na ngayon lang ulit kami nagkita.” Nahihiyang wika ni kuya at yumuko.

I LOVE YOU DOCTOR (SELF PUBLISHED UNDER KPUB PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon