CHAPTER 19

171 4 0
                                    

MAZER POV:

"Baby girl mauna na ko ha?! may meeting pa kasi ako eh!” Sigaw ko mula sa ibaba at nakatingala sa may hagdan. Bumaba naman si Macelyn mula sa kan’yang k’warto.

"Kuya anong oras ka uuwi?” Tanong ng aking kapatid nang makababa na mula sa kan’yang k’warto.

"Siguro around seven, why?” inaayos ko naman ang aking long sleeve habang kausap si Macelyn.

"Anong gusto mong ulam kuya? ako ang magluluto"

"Talaga?” masayang wika ko sa kan’ya.

"Ayaw mo kuya?”

"S’yempre gusto ko! anong meron?”

"Wala lang kuya, gusto ko ako naman ‘yong magsisilbi sa’yo. All this years ako na lang kasi ‘yong lagi mong inaasikaso.” Napatingala naman ako para pigilan ang nagbabadya kong luha.

"Mace kapatid kita, simula nang mamatay ang mga magulang natin pinangako ko sa kanila na hinding-hindi kita pababayaan. Kaya ang hiling ko lang sa’yo magpagaling ka okay?”

"Opo kuya”, nakangiti niyang saad sa'kin niyakap ko naman siya at hinalikan sa noo.

"Sige na mag-ayos ka na at papasok na rin ako.” Tumingin naman ako sa relo kong pambisig.

"Ingat ka kuya.” Lumabas na ‘ko ng bahay at sumakay na sa aking kotse. Seven thirty pa lang ng umaga pero sobra na ang traffic, maaga pa naman kaya aabot pa ‘ko sa meeting ‘ko mabuti na lamang at maaga akong umalis ng bahay. Mag-oovertake na sana ako ng biglang may bumangga sa aking likuran kaya napamura akong bigla. Lumabas ako ng aking sasakyan at tinignan ang likod nito. Meron itong konting yupi sa may gilid. Napahilot na lang ako sa aking sintido. Maya-maya ay lumabas na sa kotse niya ‘yong driver nang nakabangga sa kotse ko habang nakatalikod ako at tinitignan ang yupi ng aking sasakyan.

"P-pasensya na hindi ko sinasadya,  sorry talaga!” humarap ako para tignan siya. Naka sleeveless itong kulay puti at naka faded pants na may butas sa bandang tuhod at naka black rubber shoes, nakalugay ang mahabang buhok at suot din nito ang sun glasses.

"Its okay, sa susunod mag-ingat ka na,” saka lamang siya nag-angat ng mukha pagkatapos niyang tignan iyong yupi ng kotse ko.

"M-mazer?! Nagulat ako nang pagkatawag niya sa pangalan ko. Tinanggal naman niya ang kan’yang sun glasses.

"Tin?” Nanlaki ang mga mata ko ng muli siyang makita. Lalo siyang gumanda at sumexy. Ilang taon na rin ng muli kaming magkita.

"Yes its me! how are you?”

"I-i'm okay!” Nahihiya kong saad sa kan’ya, siya ‘yong crush na crush ko noong college ako, hindi ko nga lang siya nagawang ligawan.

"Let's find a place to talk," yaya niya sa'kin. Pumunta kami sa isang pinaka malapit na coffee shop. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa gano’ng tagpo pa kami magkikita.

"Kumusta ka tin?” Tanong ko sa kan’ya habang humihigop ng kape.

"Ayos naman ako, actually nagdecide ako na dito ‘ko ipagpatuloy ‘yong trabaho ko”

"Buti naman at natupad na ‘yong pangarap mong maging isang fashion designer"

"Kaya nga eh iyon talaga ang gusto ko simula pa lang kaya sa ibang bansa ako nagpatuloy ng pag-aaral ko”

"Ikaw Mazer? anong pinagkakaabalahan mo ngayon?” siguro ang dami mo ng nalokong babae no?” biro nito sa'kin na siyang ikinatawa ko.

"Hindi pa ‘ko nagkaka-girlfriend saka busy rin kasi ako sa kumpanya namin”

I LOVE YOU DOCTOR (SELF PUBLISHED UNDER KPUB PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon