Nagising akong wala na si Doc Marco sa tabi ko, tinignan ko ang oras sa side table seven na ng umaga. Nagpasya akong bumangon at lumabas ng k’warto, nagpunta ako sa sala pero wala siya do’n kaya tinungo ko naman ang kusina. And there I saw him. Nakatalikod siya sa'kin at kitang- kita ko ang lapad ng kan’yang likod. Nakasuot itong white shirt at jagger pants at halatang medyo gulo pa ang buhok. Natutuwa akong pagmasdan siya habang nagluluto. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagtapat siya sa'kin kagabi at heto magkasama pa kami sa Condo niya. Hindi ito isang panaginip kung hindi totoong- totoo. Hindi ko na namalayan na nakatingin na pala siya sa'kin at nakangiti. Kaya naman lumapit na ako sa kinaroroonan niya.
"Good morning!” bati ko sa kan’ya.
"Morning babe." Hinalikan naman niya ako sa noo, nagulat ako sa ginawa niya at tinawag niya sa'kin. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwala. Pinaupo naman niya ako at hinanda na ang almusal. Binigyan niya ako ng fresh milk at kape naman ang sa kan’ya. Umupo siya sa tabi ko at nilagyan ang plato ko ng kanin at ulam. Kapag ganitong malapit kami sa isat-isa hindi talaga nagiging normal ang tibok nitong puso ko, minsan nag-aalala na ‘ko kung normal pa ba ‘to. Tahimik kaming kumakain ng biglang mag-ring ang cellphone ko na katabi ko lang. Nakita kong number lang ang nakalagay at hindi pamilyar sa'kin. Sinagot ko naman ito, ngunit hindi ko akalain na napindot ko rin pala ang loudspeaker. Hindi pa ako nakakapagsalita nang magsalita na ang sa kabilang linya.
"Hello baby?” Muntik pa akong mabulunan sa tawag niya sa'kin. Napatingin naman sa'kin si Doc Marco at nakita ko pa ang pagtaas ng kan’yang kilay na para bang gustong itanong kung sino ‘yon. Nang hindi pa ako sumasagot ay muli siyang nagsalita.
"Hello baby girl still there?! may halong galit sa boses ni kuya. At dahil nakita ko ang reaksyon ni Doc Marco naisipan ko na naman siyang pagtripan. Sumandal pa ito sa kan’yang upuan at humugot nang malalim na buntong hininga na alam kong galit na. Tinanggal ko muna ang loudspeaker at inilagay sa tenga ko ang cellphone ko. Tatayo na sana ako para kausapin si kuya ng bigla niyang hawakan ang palapulsuhan ko at pinaupo niya akong muli. Pilit kong hindi matawa sa tinuran niya.
"Yes po?” sagot ko kay kuya. Hindi ko siya tinawag na kuya para lalong magtaka si Doc Marco.
"Where are you?! alam mo bang nag-aalala sa’yo si Nana Lumen? hindi ka raw umuwi kagabi”
"I'm sorry dito kasi ako natulog sa bahay ng kaibigan ko dito na niya kasi ako pinatulog eh. Nalowbat din ako kagabi kaya hindi ako nakatawag.” Nakita ko pa ang pag-igting ng panga niya at halatang nagpipigil lang nang galit. Gusto kong humagalpak nang tawa dahil pinagseselosan niya ang kuya ko. Pinindot ko ulit ang loudspeaker para marinig na niya ang pinag-uusapan namin.
"Sa susunod magpaalam ka ha?pati ako nag-aalala sa'yo”
"Opo sorry na po," nakatingin ako sa kan’ya habang nakikipag-usap kay kuya. Kita ko sa kan’ya ang inis.
"Umuwi ka na rin kagaad ha baby girl?”
"Yes po kuya." Mariin ko pang sinabi ang word na kuya na siya namang ikinataka niya.
"Okay sige, don’t forget to drink your medicine okay?”
"Oo na kuya! and forget my pasalubong okay?” Nakita kong lumambot na ang ekspresyon niya sa narinig. Umiwas naman siya nang tingin sa'kin. Matapos kami mag-usap ni kuya ay hindi ko na talaga mapigilan ang tumawa at tinitigan siyang maigi, pinanliitan niya ako ng mata at inirapan.
"Ang cute mo talaga Doc Marco,” hindi ko naman mapigilan ang ngumiti, kung dati sinisimangutan niya ‘ko dahil nakukulitan siya sa'kin, ngayon sinisimangutan niya ‘ko dahil nagseselos siya.
"So, you love teasing me huh” Dahan-dahan akong tumango sa kan’ya habang nakahalumbaba at nakatitig sa g’wapo niyang mukha na ang sarap-sarap titigan. Nagulat naman ako sa ginawa niyang mabilis na paglapit ng kan’yang mukha sa'kin kaya naman mabilis akong napaatras. Sa sobrang lapit niya iniiwas ko ang tingin sa kan’ya, hindi na naman ako makahinga nang maayos. Pagkuwa'y dumako ang tingin ko sa kan’yang mapupulang labi napalunok akong bigla.
![](https://img.wattpad.com/cover/268041548-288-k81794.jpg)
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU DOCTOR (SELF PUBLISHED UNDER KPUB PH)
RomansaSi Macelyn Brilliantes ay isang college student na maiinlove sa isang doctor na sa unang kita pa lang niya ay tumibok na kaagad ang kan'yang puso. Hanggang sa pansamantala namang nagturo si Doctor Marco sa Southville University kung saan nag-aaral s...