"Yes come in" tugon ko ng makarinig ako ng katok sa aking opisina, nakatutok naman ako sa aking laptop at binabasa ang mga files ng aking pasyente. Narinig ko ang pagbukas nito at saka ko lamang ito sinulyapan. Napatayo ako ng makita kung sino ito.
"M-mazer! Agad kong bungad sa kanya.
"Kumusta doc marco"? Sagot naman niya ng nakangiti
"Mabuti naman" upo ka, umupo siya sa katapat ng aking lamesa at ako naman sa aking swivel chair.
"Kailan ka pala dumating?
"Noong isang araw pa"
"Si m-mace? How is she? Tinitigan niya muna ko bago muling nagsalita.
"she's okay, unti unti na siyang nakakarecover, but... putol naman nito sa kanyang sasabihin. Nakita ko pa ang lungkot sa kanyang mga mata.
"W-what happened mazer? May nangyari bang masama sa kanya?
"W-walang nangyari, yung donor niya kasi... si JK... Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi, hindi ako makapaniwala, kinwento niya kung pano nangyari. Inaalala ko si macelyn alam kong nasaktan siya dahil sa pagkawala ng kaisa isa niyang matalik na kaibigan. Napabuntong hininga ko sa aking nalaman. Mas nagulat pa ko sa sinabi ni mazer kung bakit gusto niya muna manatili sa ibang bansa.
"Look mazer hindi ko alam kung anong nangyari, hindi naman kami nagkita nung time na yon eh"
"She told me that you cheated on her" ewan ko, basta yun lang ang sinabi niya tapos nakikita ko pa siyang umiiyak.
"WHAT!? Napatayo akong bigla sa aking upuan at napahilot ng sintido.
"When did I cheat!? Wala akong ibang babae okay!
"Ayaw niya pa makipag-usap sayo doc marco, I told her na kailangan niyang linawin ang hindi niyo pagkakaunawaan. But she refuse.
Napaupo akong bigla sa aking upuan at nagpakawala ng malakas na buntong hininga, hindi ko alam kung saan nanggaling ang balitang yon. Miss na miss ko na si Lyn, gusto ko na siyang mayakap at mahagkan.
"Hindi ko alam kung san niya nabalitaan yon, pero ito lang ang sinisiguro ko wala akong ibang mahal kundi siya lang.
"Siguro doc marco hayaan muna natin siya, medyo magulo din kasi ang isip niya ngayon dahil sa nangyari. Nagluluksa pa din siya hanggang ngayon kay JK. Tumango lamang ako
"I'll wait for her, seryoso kong sabi sa kanya.
"alam kong mahihintay mo siya at babalikan ka niya".
Nakaalis na si mazer at naiwan akong tulala, iniisip ko kung saan niya nabalitaang niloloko ko siya, gusto ko siyang makausap. Ako ba ang dahilan kung bakit bigla na lang siyang inatake.?
1 year later
"Marcelina hoy! Bilisan mo naman malelate na tayo ang bagal mo namang kumilos! Kanina pa ko nakaayos hindi pa tayo nakakaalis hagardo versoza na aketch! Tawag sa'kin ni leonard na nakakunot na ang noo. Simula nung nakilala ko siya sa may tabing dagat doon na nagsimula ang aming pagkakaibigan. Nakikita ko sa kanya si JK kapag malungkot ako napapasaya niya ko, minsan nga napagkakamalan kaming magjowa eh, hay naku kung alam lang nila ang pagkatao ng isang to. Alam na din niya ang mga pinagdaanan ko, kay JK, about sa naging sakit ko at pati na rin ang nangyari sa'min ni doctor marco. He advice me na kausapin ko siya baka lang lang namisunderstood ko. Actually natatakot akong malaman ang totoo, even kuya ayaw magsalita kasi ayaw niyang makialam sa problema namin, ang gusto lang niya ay umuwi na ko ng pilipinas at harapin si doctor marco.
"Andyan na pababa na ko! Sigaw ko naman mula sa itaas, nasa sala siya at kanina pa ko hinihintay, ngayon kasi ang grand opening ng tinayo naming restaurant dito sa states. Sa tulong ni kuya nakapagpatayo ako ng negosyo dito at kasosyo ko naman si leonard.
![](https://img.wattpad.com/cover/268041548-288-k81794.jpg)
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU DOCTOR (SELF PUBLISHED UNDER KPUB PH)
RomanceSi Macelyn Brilliantes ay isang college student na maiinlove sa isang doctor na sa unang kita pa lang niya ay tumibok na kaagad ang kan'yang puso. Hanggang sa pansamantala namang nagturo si Doctor Marco sa Southville University kung saan nag-aaral s...