CHAPTER 42

189 2 0
                                    

Nagtagal pa kami ng ilang araw sa Cebu dahil kailangan niyang tapusin ang seminar niya, babalik na sana muna ako ng Manila pero hindi niya 'ko pinayagan sabay na lang daw kaming umuwi. Pagkatapos niya sa seminar ay yayayain naman niya 'ko mamasyal hanggang gabi na, sinusulit niya ang mga araw na magkasama kaming dalawa, nagiging clingy na rin siya na hindi ko inaasahan na magiging gano'n siya sa totoo lang gusto ko ang pagiging gano'n niya pero makikitaan pa rin ang pagiging seryoso at masungit. Paminsan minsan ay nakikita ko si Dra. Trixie na masama ang tingin sa'kin lalo na't kasama ko si Doc Marco pero ipinagkibit balikat ko na lang ito. Nakikita ko pa na parang inaakit nito si Marco kapag wala ako sa tabi niya, mabuti na lamang at hindi ito nagpapadala at sinusungitan niya si Dra. Trixie. Isang buwan na ang nakalipas nang makabalik kami ng Manila galing Cebu, halos araw-araw dumadalaw si Doc Marco sa bahay para bisitahin ako. Nakilala na rin niya si Leonard na pansamantalang tumutuloy sa bahay. At si leonard ay hindi makapaniwalang Doctor si Marco, hindi raw kasi bagay sa kan'ya ang maging doctor mas bagay daw siyang maging model. Kaya rin siguro kinuha siyang isang model ng magazine, ayon nga lang hindi maganda ang nakasulat do'n. Papunta ako ngayon sa ospital para dalawin si Doc Marco at pinag-bake ko rin siya ng brownies at dadalhan ko rin siya ng niluto kong carbonara kasi alam kong paborito rin niya 'yon. Hinahanda ko na ang pagkaing dadalhin ko ng biglang sumama ang pakiramdam ko nahihilo ako ng hindi ko malaman kaya umupo muna 'ko saglit at pinikit ko ang aking mga mata at sumandal sa upuan.

"Baks okay ka lang?" Napamulat ako nang makita ko si Leonard na papalapit sa'kin at kita ko ang pag-aalala niya.

"Okay lang Leonard medyo nahilo lang ako, siguro dahil na rin sa init"

"hay naku baks magpacheck-up ka rin baka kung ano na 'yan," umupo naman siya sa tabi ko at tinitigan ako. "Saka medyo namumutla ka"

"Okay lang ako napagod lang din ako siguro pinagluto at saka pinag-bake ko pa si Doc Marco para dalhin sa kan'ya 'to," turo ko sa mga pagkaing hinanda ko.

"Wow grabe ka Marcelina iba na talaga ang in love ah!"

"Tsss! May pagkain pa d'yan sa ref kumain ka na rin, saka dadaan din ako sa apartment ni Jk mamaya"

"Sigurado ka bang okay ka lang?" Hinawakan naman niya ang aking kamay.

"Okay lang ako, kaya 'wag ka nang mag-alala saka siguro PMS lng 'to, alam mo na ganito ako kapag may PMS. Nakangiti kong sabi sa kan'ya

"Ay oo nga pala! Ang aarte niyo naman kasing mga babae kayo kalorkey," natawa ako sa pagsasalita niyang may pagka- maarte.

THIRD PERSON POV:

"Naks iba ang ngiti natin Doc Marco ah! Saad ni Wallace ng lapitan niya si Marco na kasalukuyang nasa nurse station at tinitignan ang chart ng mga pasyente. Simula kasi nang dumating siya galing Cebu ay hindi na maalis ang kan'yang mga ngiti, bumalik na ulit siya sa dati na laging nakangiti. Minsan ay sumisipol pa ito kapag dadaan sa nurse station na ikinakataka ng marami, dahil ibang Doctor Marco ang nakikita nila ngayon. Sa pagiging seryoso ay nakikita na nila ang ngiti nito, mula sa pagiging masungit at nagiging jolly na rin ito at nakikipagbiruan na.

"Iba talaga ang epekto ng maligno 'di ba Nurse Gina?" Baling ni Wallace kay Nurse Gina na ngayon ay natatawa.

"Oo nga Doctor Wallace, totoo ngang nagbabalik maligno na si Doctor Marco!" Sinakyan naman nito ang mga biro ni Wallace at nakitawa na rin ang ibang mga nurse.

"Maligno talaga?" Kunot noong tanong ni Marco sa kanila.

"Oo bro kasi hindi ka naman gan'yan dati kaya namaligno ka ng pag-ibig ni Mace," natatawang turan ni Wallace pati ng mga nurse. Nahinto lang ang pag-uusap nila nang dumating si Dra. Trixie.

I LOVE YOU DOCTOR (SELF PUBLISHED UNDER KPUB PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon