Unang taon ni Jk sa high school at hinahanap niya ang kan'yang silid, dahil sa laki ng paaralang pinapasukan niya ay nagkanda ligaw-ligaw pa siya. May mga babaeng nagpapapansin, nagpapacute at kung ano-ano pa, na siya namang ikinaasiwa niya. Napadpad siya sa second floor sa dulong building ng may marinig siyang isang mala-anghel na boses. Hinanap niya ito kung saan nanggagaling. Nang makalapit na siya sa pinanggagalingan ng boses na 'yon ay mas lalo pa siyang namangha, hindi lang maganda ang boses kung hindi mala-anghel ang mukha nito, nakapikit ito habang kumakanta. Dahan-dahan naman siyang lumapit dito at pinagmamasdan ang babaeng kumakanta. Nakaupo ito at siya naman ay nakatayo sa kan'yang harapan. Nang matapos nang kumanta ay siya namang pagmulat nito. Nagulat pa si Macelyn at biglang napatayo. Nanlaki pa ang mga mata nito sa gulat.
"I-I'm sorry nagulat ba kita?" Tanong ni Jk.
"Ha? Ahmm.....m-medyo, k-kanina ka pa ba diyan?" Nauutal namang wika ni Macelyn.
"Medyo din"
"P-pasensya ka na naingayan ka yata sa boses ko," nahihiyang sabi ni Mace.
"Ah hindi! Bakit naman ako maiingayan eh ang ganda ng boses mo," nakangiting turan ni Jk kay Mace.
"S-salamat!"
"Ako nga pala si Jazztine Kurt Arevalo, Jk for short," sabay lahad nito kay Macelyn.
"Macelyn Brilliantes,"
"Kuya may nakilala ako sa school sobrang g'wapo kuya!" Masayang k'wento ni Mace sa kapatid habang nasa sala sila at nanunuod ng paborito nilang palabas.
"Really?"
"Yes kuya! Na inlove yata sa boses ko," nakangiti namang sabi ni Mace.
"Mas maganda kasi 'yang boses mo," nakangising sabi niya habang nakatutok sa t.v.
"Grabe ka kuya hindi naman ako pangit ah!" Kunwari'y nagtatampong turan ni Mace na nakanguso na ikitawa naman ng kuya niya.
"Wala naman akong sinasabing pangit ka eh, e 'di ibig sabihin mas g'wapo pa sa'kin?"
"Oo kuya mas g'wapo pa talaga sayo!"
"Baka naman na-inlove ka na rin sa kan'ya ha Macelyn Brilliantes?"Alam ni Mace kapag gano'n na ang tawag sa kan'ya ng kuya niya.
"Kuya hindi porket g'wapo siya maiinlove na kaagad ako, nakikipagkaibigan lang naman siya, 'yon lang 'yon okay"
"Dpat lang saka bata ka pa para sa mga gan'yang love love na yan!" May himig na inis ang kuya niya.
"E paano kuya kapag may nanligaw sa'kin?"
"Hindi pwede!"
"Ligaw lang naman eh"
"Ligawan muna nila itong kamao ko!" Sabay irap nito kay Macelyn.
"Nakakainis ka naman kuya!"
"I'm sorry baby girl, pero bawal ka pang ligawan dahil baby ka pa!"
"Kuya naman!" Sabay hampas ni Macelyn sa balikat ng kuya niya, at humalakhak lang ito ng malakas.
"Hi Mace!" Bati ni Jk na hindi naaalis ang ngiti sa mga labi, nasa labas siya ng silid ni Mace at papasok pa lang sa kan'yang unang klase nang mabungaran niya si Jk. Hindi sila magkaklase dahil magkaiba sila ng section, pero malapit lang ang silid nito sa silid ni Macelyn.
"Ikaw pala anong ginagawa mo dito?"
"Hinihintay ka"
"B-bakit?" Gulat niyang tanong kay Jk.
"Sabay tayong maglunch mamaya"
"H-ha?! Tumingin muna siya sa paligid at hindi na siya nagtaka pa kung nakatingin sa kanila ang mga estudyante na nasa paligid nila. Halos yata lahat ng mga babae sa school nila ay may gusto kay Jk, 'yong iba naiinis sa kan'ya 'yong iba naman naiinggit dahil siya ang nilalapitan ni Jk.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU DOCTOR (SELF PUBLISHED UNDER KPUB PH)
Roman d'amourSi Macelyn Brilliantes ay isang college student na maiinlove sa isang doctor na sa unang kita pa lang niya ay tumibok na kaagad ang kan'yang puso. Hanggang sa pansamantala namang nagturo si Doctor Marco sa Southville University kung saan nag-aaral s...