CHAPTER 44

185 1 0
                                    

Nagising ako na wala na si Doctor Marco sa tabi ko tumayo naman ako sa kama at lumabas ng k'warto. Ramdam ko pa ang hapdi sa pagitan ng aking mga hita kahit na hindi ito ang unang beses na ginawa namin 'yon. Nakita ko siya sa may kusina na nakatalikod at nagluluto ng almusal. Hinagod ko muna siya nang tingin, naka- topless lang ito at naka-boxers. My gosh ang hot! Katawan pa lang ulam na, nasabi ko naman sa aking isipan. Tama nga ang sinabi ni Leonard mukha siyang hindi doctor, para siyang model kahit nakatalikod parang ang sarap papakin! Napailing-iling na lang ako sa aking kapilyuhan. Hindi ko namalayang kanina pa pala ako tinititigan ni Doc Marco at pilyong nakangiti sa'kin.

"Done checking me out?"

"Ha?" Pinamulahan naman ako, napansin niya sigurong pinagnanasaan ko siya. Lumapit naman siya sa'kin at niyakap ako at hinalikan sa aking sentido.

"You can have me as your breakfast if you want?" Bulong niya sa'kin at pilyo na namang ngumiti. Pinalo ko naman siya sa kan'yang braso dahil sa hiya.

"You're cute when you're blushing," come here, hila niya sa'kin at pinaupo ako sa upuan. Sinandukan naman niya ako ng kanin at nilagyan ng bacon and egg sa plato. At pinaglagay din niya sa baso ng fresh milk, katulad ng dati kape naman ang sa kan'ya.

"Are you still sore?"

"hmn," tipid kong sagot dahil sa hiya.

"Hindi pa ba nagbunga 'yong tinanim ko?" Seryoso niyang wika sa'kin. Binalingan ko naman siya nang tingin at nagpakurap-kurap habang nakaawang ang aking mga labi.

"Kumain ka nang marami alam kong napuyat kita kagabi," sabay halik nito sa aking pisngi at nakita ko pa siyang ngumiti. Ihahatid niya muna ako sa bahay bago siya pumasok sa ospital. Lulan na kami ng kotse ng biglang tumawag si kuya. Sinagot ko ito gamit ang kanang kamay ko dahil hawak ni Doc Marco ang kaliwang kamay ko habang nagmamaneho at ang kaliwa naman niya ay nasa manibela. Ganito siya palagi kapag nasa sasakyan kami at hahalikan niya ang aking kamay, which is unti-unti na rin naman akong nasasanay sa gano'ng gestures niya.

"hello kuya?"

"Baby girl where are you?"

"Pauwi na 'ko kuya why?" Hindi muna siya nagsalita tila tinatantya ang kan'yang sasabihin.

"ahm... may ipapakilala sana ako sa'yo," nag-aalangan niyang sabi.

"Oh! Siya na ba kuya?" Napasulyap namang bigla sa'kin si Doc Marco.

"ah, ahhm.. Actually I'm just starting to court her"

"That's great kuya! Well, I'm on my way na, hahatid ako ni Doctor Marco"

"Okay baby girl, hintayin ka namin," pagkasabi niyang 'yon ay binaba ko na kaagad ang tawag at sinulyapan si Doc Marco na seryoso lang nakatingin sa daan.

"Finally papakilala na ni kuya "yong magiging girlfriend niya," masayang turan ko kay Doc Marco. Ngumiti lang siya at sandali akong sinulyapan at nilaro laro niya ang daliri kong hawak niya.

"Hindi ka ba muna papasok?" Sabi ko ng nasa tapat na kami ng aming bahay.

"Hindi na babe, kailangan ko na rin pumasok marami raw kasing pasyente ngayon"

"Okay, ingat ka sa pag-didrive ah?" Hinalikan ko lang siya nang mabilis sa labi at bababa na sana ako ng bigla niyang haklitin ang braso ko at hawakan ako nito sa aking batok at siniil nang halik. Tumagal ng ilang minuto ang aming halik at nang maghiwalay ang aming mga labi ay pareho kaming naghahabol ng hininga.

"Dadaan ako mamaya bago ako umuwi," tumango lang ako at ngumiti. Wala sa sarili kong bigla ko siyang niyakap at sinubsob ang mukha ko sa kan'yang leeg. Heto na naman ako at sinighot singhot na naman siya.

I LOVE YOU DOCTOR (SELF PUBLISHED UNDER KPUB PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon