CHAPTER 32

178 2 0
                                    

"Hey bro!" tawag ni Wallace kay Marco at inakbayan niya ito habang naglalakad sila papunta sa opisina ni Marco. Kakatapos lang ng surgery nila at kapwa sila nakasuot pa ng scrub suit.

"Anong balita kay Macelyn? or should I call her Lyn?" sabay ngisi nito kay Marco.

"Ako lang ang p'wedeng tumawag sa kan'ya ng Lyn okay"

"Whoooa! grabe ka Marco ah pati pangalan niya pinagdadamot mo na!" nginitian niya lamang ito. Pabagsak namang naupo si Marco sa kan'yang mahabang sofa at gano'n din si Wallace.

"Bro may tanong ako"

"What is it?" saad niya sa kan'yang pinsan habang nakasandal at nakapikit.

"Pano pala kung magkaibang tao si Lyn at Macelyn? tapos biglang nagpakita si Lyn sa'yo, anong gagawin mo? at sinong pipiliin mo sa kanila? 'Yong first love mo or 'yong present love mo?" Unti-unti namang napamulat si Marco dahil sa tanong sa kan'ya ni Wallace. Umayos naman siya ng pagkakaupo at tinitigan ang kan'yang pinsan na seryoso ring nakatingin sa kan'ya.

"Si Macelyn, dahil si Lyn bahagi na siya ng past ko, hindi naman p'wedeng pipiliin ko si Lyn dahil lang sa naghintay ako ng matagal sa kan'ya kahit na si Macelyn ang mahal ko. Pero dahil sa iisang tao lang sila pareho ko silang mahal," natawa naman si Marco sa sarili niyang. sagot.

"Two timer ka bro!" biro naman ni Wallace. Maya-maya naman ay biglang sumeryoso si Marco.

"Hindi ko pa nakakausap si Lyn," saad ni Marco habang nakayuko. Napaayos naman nang upo si Wallace sa narinig sa kan'yang pinsan.

"Bro mag-iisang b'wan na ah, hanggang ngayon hindi mo pa rin siya nakakausap?" hindi makapaniwalang turan ni Wallace.

"I don't know Wallace, parang iba ang kutob ko eh"

"Ano yon?" hinarap nito si Wallace.

"Naalala mo ba 'yong sinabi ni Nana Lumen na pinuntahan daw niya ako?"

"hmn.." tipid niyang sagot kay Marco.

"Hindi naman kami nagkita no'n eh, ano kayang nangyari?"

"Bro si Macelyn lang ang makakasagot niyan sa tanong mo. Saka baka may nagawa kang mali? Nag-isip muna saglit si Marco.

"Wala naman Wallace at isa pa nag-usap pa kami bago mangyari 'yon"

"Tanong mo kaya sa kuya niya baka may alam siya?"

"Uuwi pala si Mazer next week tatanungin ko na lang siya"

THIRD PERSON POV

"Baby girl are you sure okay ka na iwanan muna kita?" may pag-aalalang wika ni Mazer sa kapatid.

"Ayan ka na naman kuya eh ginagawa mo na naman akong bata," nakangusong sabi ni Macelyn. Nasa sala sila ngayon at inaayos ang mga gamit na dadalhin ni Mazer pauwi ng Pilipinas. Nagpasyang maiwan muna si Macelyn at Nana Lumen sa States para tuluyang magpagaling.

"Nag-aalala lang ako sa'yo"

"I know kuya saka nandyan naman si Nana Lumen eh"

"Okay sige, basta tawagan mo 'ko kapag nagkaproblema okay?"

"Opo kuya," nakangiting sabi ni Macelyn sa kapatid. Sa pag-aayos ni Macelyn ng gamit ni Mazer ay hindi sinasadya na mahagip ng mata niya ang isang box na hindi pamilyar sa kan'ya. Nasa banyo ang kan'yang kuya Mazer kaya hindi nito alam na binuksan niya ang box. Pagkabukas niya ng box ay bumungad sa kan'ya ang isang sisidlan. Nagtaka siya kung kanino iyon at bakit meron 'yon ang kuya niya? May namatay ba? sino naman? Sunod-sunod niyang tanong sa kan'yang sarili. Dahil sa kuryosidad tinanggal niya ito sa pinaglalagyan. Muntik niya pa itong mabitawan nang mabasa niya ang pangalan do'n.

"B-baby girl?" nauutal na tawag ni Mazer sa kan'yang kapatid. Nakita na nito na hawak na ni Macelyn ang sisidlan ni Jk. Para siyang nawalan ng dugo dahil sa nakitang hawak na ni Macelyn ang sisidlan ni Jk. Paano niya ipapaliwanag sa kapatid ang sinapit ng kan'yang kaisa isang bestfriend? Baka magalit pa ito sa kanila dahil sa pagtatago nila ng sikreto dito. Unti-unti namang lumingon si Macelyn sa kinaroroonan ni Mazer. Nakita nito ang pagtataka at may namumuong luha sa kan'yang mga mata.

"K-kuya ano to? b-bakit pangalan ni Jk ang nakasulat dito?" Hindi kagaad nakapagsalita si Mazer sa itinanong ng kan'yang kapatid. Hindi niya ito inaasahang mangyari. Wala pa sana siyang balak sabihin sa kapatid kasi iniisip pa nito ang kalagayan niya. Baka kung ano ang mangyari dito, gayong hindi pa ito gaanong magaling.

"Kuya I'm asking you!" Hindi na mapigilang sumigaw ni Macelyn sa kanyang kapatid ng hindi ito sumasagot.

"S-si s-si J..K" Hirap na hirap niya itong banggitin sa kapatid at hindi na rin nito mapigilan ang pagtulo ng kan'yang mga luha habang siya ay nakatitig kay Macelyn. Pinaupo niya muna ito at kinuha ang sisidlan at ipinatong muna sa center table ng kanilang sala. Kinuha ang sulat ni Jk para kay Macelyn na inilagay niya sa kan'yang wallet para hindi makita kaagad ni Macelyn. Nanginginig niya itong iniabot sa kapatid at dahan-dahan din kinuha ni Macelyn ang sulat. Napatutop siya ng kan'yang bibig at kinagat pa nito ang ibabang labi niya habang binabasa ang sulat. Ilang sandali pa ay hindi na niya napigilan pang humagulgol.

"Kuya why?! why kuyaaaa?! Sigaw niya sa kan'yang kapatid, napatayo si Macelyn at napatapik sa kan'yang noo hindi siya makapaniwala sa nangyari.

"I'm sorry Mace, hindi namin sinabi sa'yo kasi inaalala pa namin 'yang kalagayan mo, hindi rin namin alam na siya pala 'yong donor mo, nalaman na lang namin noong time na binigay na sa'min ng doctor 'yang sulat," umiiyak na paliwanag ni Mazer sa kapatid. Nasasaktan siya para dito at lalo na ng malaman niya ang totoo.

"KUYA! WALA NA SIYA! AAAAAAH!! BAKIT!? BAKIT JK!!!!? Naghalong sigaw at iyak na turan ni Macelyn. Napaupo na lamang siya sa sahig at napasulyap siya sa sisidlan ni Jk. Niyakap niya ito ng buong higpit at hindi siya magkamayaw sa pag-iyak.

"Mace tama na please baka kung anong mangyari sayo," pigil ng kan'yang kuya. Ngunit hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak at yakap- yakap pa rin si Jk.

"Hindi ko kaya kuya! hindi ko kaya.! Nag-promise siyang hindi ako iiwan, hindi siya aalis sa tabi ko! pero bakit kuya?! BAKIT?! Kasalanan ko 'to kuya! Kasalanan ko!"

"Don't say that Mace it's not your fault!"

"Dahil sa sakit ko isinakripisyo niya pati ang buhay niya! bakit siya pa?Wala namang mahagilap na isasagot si Mazer sa kapatid dahil ultimo siya hindi rin alam kung ano ang dapat niyang sabihin.

"Mace look at me," hinawakan ni Mazer ang magkabilang pisngi ni Macelyn at hinarap sa kan'ya.

"Hindi ka niya iniwan Mace," kinuha nito ang isang kamay niya at inilagay sa dibdib ni Macelyn kung nasaan ang puso nito. "Nand'yan siya sa puso mo, patuloy na tumitibok. Hindi mo man siya nakikita pero nararamdaman mo pa rin siya." At do'n ay muli siyang napahagulgol at hawak hawak na nito ang kan'yang puso, ang puso ni Jk. Mahigpit namang niyakap ni Mazer ang kapatid na patuloy pa rin sa pag-iyak. Pareho silang nasasaktan sa nangyari dahil parehong mahalaga sa kanila si Jk lalong-lalo na kay Macelyn.

"Jk miss na kita! miss na miss na kita! I'm so sorry Jk I'm so sorry!" Sabi na lang ni Macelyn habang siyang umiiyak at yakap ni Mazer.

I LOVE YOU DOCTOR (SELF PUBLISHED UNDER KPUB PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon