CHAPTER 28

175 2 0
                                    

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, si Lyn ay si Macelyn na matagal ko ng hinahanap. Abot kamay ko na siya ngayon, labing limang taon akong naghintay at hinanap siya, at heto na siya ngayon katabi ko na. Masaya ako kasi sa wakas nahanap ko na siya, pero masakit dahil sa nakikita kong kalagayan niya ngayon. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ni Mazer habang tinititigan ang litrato ni Macelyn, hindi ko na mapigilan pa ang umiyak dahil sa tuwa. Kung kailan nalaman kong siya si Lyn saka naman nangyari ito.

"Siya si Lyn, Siya si Lyn," paulit-ulit kong wika habang hindi pa rin inaalis ang titig ko sa litrato ni Macelyn. Tinapik naman ako ni Wallace sa balikat.

"What do you mean Doctor Marco?" Takang tanong ni Mazer.

"Siya 'yong first love ni Marco na matagal na niyang hinahanap fifteen years ago. Hindi namin akalain na si Macelyn pala 'yon, bilog talaga ang mundo," paliwanag ni Wallace.

"What the?" hindi makapaniwalang turan ni Mazer na matamang nakatitig sa'kin.

"Binigay niya sa'kin 'yonh bracelet niya na may pangalang Lyn, nahirapan akong hanapin siya kasi hindi ko naman alam ang apelyido niya or totoong pangalan niya. Ayon pala nasa tabi ko na pala siya." May himig na kalungkutang saad ko kay Mazer.

"Ako ang nagbigay kay Lyn ng bracelet," nabaling naman ang atensyon namin sa tita Sabel nila.

"Niregalo ko 'yon sa kan'ya noong birthday niya"

"She is so kind, siya 'yong unang nagsabi sa'kin na everything is gonna be alright, sa murang edad niyang 'yon alam na niya kung anong ibig sabihin no'n. Sinabi niya pa sa'kin na magkikita pa ulit kami. Hindi ko akalain na ito na pala 'yon"

"Pag magaling na siya sabihin mo ang lahat ng 'yan sa kan'ya I'm sure matutuwa siya. Kita ko sa mukha ni Mazer ang tuwa dahil sa mga sinabi ko sa kan'ya. Pag magaling na si Macelyn sasabihin ko sa kan'ya na siya iyong matagal ko nang hinahanap. Ilang sandali ay narinig namin ang biglang pagtunog ng machine, nag-flat line si Macelyn kaya dali-dali namin itong nilapitan. Tinanggal ko naman ang butones ng hospital gown ni Macelyn.

"Wallace kunin mo 'yong defibrillator bilis! tawagan mo na rin c Dra. Ramirez!" Utos ko kay Wallace at mabilis naman itong lumabas ng k'warto. Maya-maya ay dumating na rin siya dala ang defibrillator.

"200 joules!" utos ko kay Wallace at inilagay niya sa dibdib ni Macelyn. Hindi pa rin bumabalik ang heartbeat niya kaya inulit pa namin. Sa pangalawang subok wala pa rin. Kaya pumatong na 'ko kay Macelyn para magperform ng CPR. Naririnig ko nang umiiyak si Mazer at panay tawag sa kan'yang kapatid. Ganoon din si Nana Lumen na yakap-yakap na siya ni Mazer. Ilang pump pa ay umalis ako sa pagkakapatong .

"200 joules!" nilagay ulit ni Wallace sa dibdib ni Macelyn, ngunit gano'n pa rin, inulit ko uli ang pag-CPR sa kan'ya, at inulit pa namin ang pag defibrillate kay Macelyn.

"200 joules!" Nang wala pa rin pinadagdagan ko na. "360 joules!" Nagulat pa sa'kin si Wallace.

"Marco!" sigaw sa'kin ni Wallace.

"I said 360! now do it DOCTOR WALLACE!! wala na siyang nagawa pa kaya sinunod na niya. Ngunit hindi pa rin talaga bumabalik ang heartbeat niya. Nagpasiya na akong I-CPR ulit siya. Habang ginagawa ko 'yon ay siya namang dating ni Dra. Ramirez at dalawang nurse.

"What's the status?" Tanong ni Dra. Ramirez, umiling lang si Wallace.

"Babe please wake up! dont leave me pleaaaase!!! Sigaw ko sa kan'ya habang nagpeperform ako ng CPR at tumutulo na ang aking mga luha. Isang minuto ko nang ginagawa iyon pero walang pagbabago. Tinapik na ni Mazer ang balikat ko pero tinignan ko lang siya.

"D-doctor Marco let's stop," sabi niya sa'kin habang umiiyak siya. Pero hindi ko siya pinakinggan pinagpatuloy ko pa rin ang pagrevive kay Macelyn. Hindi ko kayang mawala siya.

"Marco please! tama na." Pigil naman sa'kin ni Wallace na hawak ang braso ko, iwinaksi ko lamang ito at tinitigan siya nang masama.

"NO!! I can do this Wallace! mabubuhay pa siya!" Sigaw ko.

"Pero kanina pa natin ginagawa 'yan! Mahihirapan lang lalo si Macelyn sa ginagawa mo!" doon na ako napahinto sa sinabi ni Wallace. Umalis ako sa pagkakapatong sa kan'ya at sandaling natulala at hindi ko na napigilang umiyak...

"AAAAAAHHHHH!!!! BABE PLEASE!! Don't leave me please!!! napaluhod na ako dahil hindi ko na kinaya ang sakit. Niyakap naman ni Mazer ang kan'yang kapatid at hinalikan sa noo.

"Magpahinga ka na baby girl, I'm sorry hindi tayo nakaabot. Pakihalik mo na lang ako kina mommy and daddy, kuya loves you soo much baby girl!" Narinig kong mga katagang sinabi niya kay Macelyn. Pinilit kong tumayo pero nanghihina ang mga tuhod ko at parang ayokong makita si Macelyn sa ganoong sitwasyon at wala ng buhay. Ang sakit, parang ilang kutsilyo ang sumasaksak sa aking dibdib. Nang makatayo na ako sa pagkakaluhod ko, hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Macelyn. Napaka-init ng kan'yang mga palad, parang buhay na buhay pa siya. Hinalikan ko ang kan'yang kamay at doon na humagulgol ulit. Panay naman ang hagod sa'kin ni Wallace na alam kong umiiyak na rin siya.

"Doctor Marco please announce her time of death," sabi sa'kin ni Dra. Ramirez kaya naman napatingin akong bigla sa kan'ya. Umiling-iling ako. Hindi ko kaya! hindi ko kaya na ako mismo ang magsasabi na wala na ang babaeng mahal na mahal ko ang babaeng kay tagal kong hinintay. Bakit ngayon pa? Nagsisimula pa lang kami pero bakit ang aga niyang kinuha sa'kin?

"Do it Doctor Marco," utos sa'kin ni Dra. Ramirez. Sinulyapan ko muna si Nana Lumen na walang tigil ang kan'yang pag-iyak, pinaupo muna siya ni Mazer sa mahabang upuan at inaalo ng tita Sabel nila. Nakita ko si Mazer na nakatitig sa'kin na pulang-pula na rin ang kan'yang mata. Mariin muna siyang pumikit at muli akong tinitigan. Dahan-dahan siyang tumango na ang ibig sabihin ay tanggap na niya, na kailangan ko nang gawin ang nararapat. Ito na yata ang pinaka-mahirap kong gagawin bilang isang doctor at sa taong mahalaga pa sa'kin. Humugot muna ako nang malalim na buntong hininga at saka sinulyapan si Macelyn.

"B-babe, i-i-m sorry! I love you so much!" huling katagang sinabi ko bago sabihin ang pinaka masakit na salita na siyang dudurog sa aking puso.

Time of death...........

I LOVE YOU DOCTOR (SELF PUBLISHED UNDER KPUB PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon