CHAPTER ONE

12.3K 208 5
                                    

RAFAELA'S POV

"Ano na, Raffi, papayag ka ba? Kailangan mo ng pera, 'di ba?" Napatingin ako sa matalik kong kaibigan,  Kimberly Trina Ann Salcedo,  a fine woman who was contented of being somebody else's mistress.

"Ano nga  ulit ang sinasabi mo?" tanong ko rito ng mawala ako sa pokus sa pinag-uusapan namin nang may makita akong isang gwapong lalaki na pumasok sa Dreame cafe na pag-aari ni Trina, kasama ito ng isa sa mga lalaking kaibigan ni Trina at papalapit sila sa gawi namin.

Sasagot na sana si Trina sa akin nang marinig niya naman ang pagsambit ng kaibigan niya sa pangalan niya, "Trina." Kaya napalingon ito at napatayo... niyakap niya ang lalaki at nagbeso-beso sila.

"Siya na ba iyon, Atlas?" tanong naman ni Trina sa lalaki at tumingin sa gawi ng kasama ni Atlas na isang gwapong nilalang. Sana... sana ay single pa ito. Please po, Lord... sana siya na lang ang lalaking nakatakda para sa akin. piping panalangin ko naman sa aking isipan habang nakatingin at pinagpapantasyahan siya.

"Ah, yes... meet Gabriel Mondragon, one of my good friends in college," pakilala naman ni Atlas sa kaniyang kasama.

Gabriel Mondragon... ang lalaking bagay sa akin, at babagay lang sa akin.

Napa-upo naman ako ng maayos nang mapatingin ito sa gawi ko.

"Oh siya, maupo na kayo upang mapag-usapan na natin ang mga dapat pag-usapan."

Umupo naman si Atlas sa tabi ni Trina at syempre sa tabi ko naman umupo si Gabriel.

"Sino ang magandang babaeng kasama mo, Trina?" biglang tanong naman ni Atlas kay Trina nang mapadako ang pansin nito sa akin. Ngumiti lang din ako. Maganda raw ako eh!

"Ay oo, si Rafaela nga pala... Rafaela Santiago, kaibigan ko at ang sinasabi ko sa 'yo na maaaring makatulong sa kaibigan mo." Napakunot-noo naman ako sa sinabing iton ni Trina, anong makakatulong? Wala naman itong binabanggit sa akin ah.

"A-anong sinasabi mo, Trina?" pagtatakang tanong ko sa kaniya. Nakita ko naman ang pag-iling at ngisi ni Atlas.

"Hindi ka pa rin nagbabago, Trina... you are always making things so complicated with the people around you. Akala ko ba pumayag na ang kaibigan mo..." 

Hinawakan naman ni Trina ang kamay ko na nakapatong sa mesa, at tinignan ako ng seryoso...

"You need money, right? At ayaw mo namang humiram sa akin. Ito na ang sagot sa problema mo, Raffi... just a night with him, and nine months of bearing his child."

"What do you mean? Surrogacy?" kunot-noo kong sambit kay Trina at napatingin sa gawi nong Gabriel Mondragon na tahimik na nakikinig lang sa amin.

"Oo, Raffi... in simplest term, maging baby-maker ka niya. And he is willing to give any amount that you needed. Right, Mr. Mondragon?"

Napansin ko naman ang pagtango nito bilang pagtugon kay Trina. Dumako naman ang pansin nito sa akin.

"Yes, I am willing to pay you in any amount that you want, basta mabigyan mo lang ako ng anak... an heir," sambit nito. 

MISTRESS SERIES: UNRESTRICTED DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon